Hindi pag-aari ng tao ang mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total views

Ang mundo ay ipinagkatiwala lamang sa atin na nararapat pangalagaan at pakaingatan.

Ito ang mensahe ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos- Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People para sa pagdiriwang ng World Rainforest Week.

Ayon kay Bishop Santos, hiram lamang natin sa Diyos na tagapaglikha ang lahat ng yaman ng mundo.

“We are God’s stewards. Earth is just entrusted to our care. We don’t own it. We owe her to God. So we must be faithful, responsible caretakers of the world we live in. It is only one we have. If we abused or misused, we will be the the one to suffer,” ang mensahe ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat naman ng obispo ang bawat isa na pangalagaan ang mga kagubatan at tigilan na ang pagpuputol ng mga punongkahoy at pagsasagawa ng pagmimina na nagdudulot ng malaking pinsala di lamang sa kalikasan, maging sa mga pamayanan.

Dagdag pa ni Bishop Santos na hindi dapat isaalang-alang ng tao ang likas na yaman ng mundo para lamang sa salapi at pag-unlad ng ekonomiya.

“Let us preserve it from loggings, minings, and any natural exploitation. We should never sacrifice our natural resources for profits, nor use it in the name of urbanization,” ayon sa obispo.

Ipinagdiriwang ang World Rainforest Week tuwing ika-12 hanggang ika-18 ng Oktubre ng kada taon na naglalayong magbigay ng kamalayan at hikayatin ang bawat isa na pangalagaan ang mga kagubatan sa buong mundo.

Batay sa ulat ng United Nations Food and Agricultural Organization, patuloy ang pagpuputol ng mga punongkahoy at pagkasira ng kagubatan na nagdudulot ng malalang epekto sa patuloy na pagkawala ng biodiversity ng mundo.

Nagreresulta ito sa paglawak ng mga nauubos na kagubatan na aabot na sa higit 80-milyong ektarya magmula pa noong taong 1990.

Nasasaad naman sa Laudato Si ni Pope Francis, lahat tayo ay maaaring makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating sariling kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,556 total views

 85,556 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,556 total views

 85,556 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,556 total views

 85,556 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 82,979 total views

 82,979 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,761 total views

 75,761 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top