Curfew, kinokonsidera ng Archdiocese of Manila sa pagdaraos ng Simbang gabi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 867 total reads

Hinihintay ng pamunuan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang lokal na pamahalaan na maglabas ng panuntunan upang makapaglatag ng plano para sa Simbang Gabi.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo,chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity, kinokonsidera ng simbahan ang kautusan ng pamahalaan lalo na sa pagpatupad ng oras ng curfew.

“Naghihintay kami sa mga Local Government Units (LGUs) especially about the curfew; hinihingi lang namin na gawing 3:30am ang end of curfew during those days (simbang gabi) and no curfew on December 24 evening,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ito ang pahayag ng obispo kasunod ng panawagan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maglabas ng plano kaugnay sa simbang gabi.

Sa tradisyon ng mga Filipino ito ang siyam na araw na paghahanda sa Kapanganakan ni Hesus na ipinagdiriwang tuwing ika – 25 ng Disyembre.

Magsisimula ang simbang gabi sa ika – 16 ng Disyembre at magtatapos naman sa ika – 24 ng buwan.

Magugunitang simula nang magpatupad ng community quarantine ang bansa ay sumusunod ang simbahan sa mga panuntunang ipinatutupad bilang pakikiisa sa kampanyang pangalagaan ang kalusugan ng mananampalataya.

Sa kasalukuyan ay mula alas – 10 ng gabi hanggang alas – 5 ng umaga ang curfew hours na ipinatutupad sa Metro Manila kung saan limang lungsod ang nasasakop ng arkidiyosesis ang Manila, Makati, Pasay, Mandaluyong at San Juan.

Bagamat pinapayagan na ang mananampalataya sa pagdalo ng mga misa sa simbahan ay patuloy pa rin ang online livestreaming ng mga misa.

Patuloy din ang Radio Veritas sa pag-ere ng mga misa kabilang na ang simbang gabi na mapakikinggan at mapapanuod sa Radyo Veritas Ph Facebook page alas 5:30 ng umaga at alas 6 ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,401 total reads

 73,401 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,522 total reads

 108,522 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,822 total reads

 143,822 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,091 total reads

 370,091 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,474 total reads

 259,474 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top