Hindi pag-aari ng tao ang mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 878 total reads

Ang mundo ay ipinagkatiwala lamang sa atin na nararapat pangalagaan at pakaingatan.

Ito ang mensahe ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos- Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People para sa pagdiriwang ng World Rainforest Week.

Ayon kay Bishop Santos, hiram lamang natin sa Diyos na tagapaglikha ang lahat ng yaman ng mundo.

“We are God’s stewards. Earth is just entrusted to our care. We don’t own it. We owe her to God. So we must be faithful, responsible caretakers of the world we live in. It is only one we have. If we abused or misused, we will be the the one to suffer,” ang mensahe ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat naman ng obispo ang bawat isa na pangalagaan ang mga kagubatan at tigilan na ang pagpuputol ng mga punongkahoy at pagsasagawa ng pagmimina na nagdudulot ng malaking pinsala di lamang sa kalikasan, maging sa mga pamayanan.

Dagdag pa ni Bishop Santos na hindi dapat isaalang-alang ng tao ang likas na yaman ng mundo para lamang sa salapi at pag-unlad ng ekonomiya.

“Let us preserve it from loggings, minings, and any natural exploitation. We should never sacrifice our natural resources for profits, nor use it in the name of urbanization,” ayon sa obispo.

Ipinagdiriwang ang World Rainforest Week tuwing ika-12 hanggang ika-18 ng Oktubre ng kada taon na naglalayong magbigay ng kamalayan at hikayatin ang bawat isa na pangalagaan ang mga kagubatan sa buong mundo.

Batay sa ulat ng United Nations Food and Agricultural Organization, patuloy ang pagpuputol ng mga punongkahoy at pagkasira ng kagubatan na nagdudulot ng malalang epekto sa patuloy na pagkawala ng biodiversity ng mundo.

Nagreresulta ito sa paglawak ng mga nauubos na kagubatan na aabot na sa higit 80-milyong ektarya magmula pa noong taong 1990.

Nasasaad naman sa Laudato Si ni Pope Francis, lahat tayo ay maaaring makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating sariling kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,233 total reads

 72,233 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,448 total reads

 107,448 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,748 total reads

 142,748 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,017 total reads

 369,017 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,443 total reads

 258,443 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,921 total reads

 154,921 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top