Hindi pamamahagi ng operators sa mga driver ng fuel subsidy, binatikos ng FEJODAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 723 total reads

Kinondena ng Federation of Jeepney Operatos and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang hindi pamamahagi ng mga operator sa kanilang jeepney drivers ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Kasunod ito ng pag-uulat ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) sa reklamo ng mga drivers.

Iginiit ni Ricardo Rebaño, Pangulo ng FEJODAP na mali at hindi makaturungan ang hindi pamamahagi ng mga operator sa 6,500 pesos na fuel subsidy na nakalaan para sa mga drivers.

“Mali po yun kasi ang subsidy na yan ay para sa driver dahil sila ang bumibili ng krudo sa gasoline station,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Rebaño.

Umaapela naman ang Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ng malinaw na sistema kung saan maaaring kukuhain ng mga driver ang fuel subsidy.

Ipinaalala ni Liberty de Luna, ACTO National President, na dapat munang magkaroon ng QR codes mula sa pamahalaan ang mga kwalipikadong drivers bago makatanggap ng ‘Pantawid Pasada Program Cards’ na siyang paglalagyan ng financial subsidy.

“Sa mga wala pang tawid pasada cards at dapat po my QR code bukas po ililinya nila nakapagrehistro po sila 2022,” ayon sa mensaheng ipinadala ni de Luna sa Radio Veritas.

Ang Pantawid Pasada Program ay ang programang inilunsad ng pamahalaan na magbibigay ng tig 6,500 pesos na fuel subsidy sa mga drievr upang maibsan ang pasakit ng napakataas na presyo ng gasolina.

Ang unang tranche na 2.5-bilyong pisong pondo ay hahatiin para sa 377, 443-libong PUV drivers.

Kabilang din sa benepisaryo ng fuel subsidy ang mga driver ng UV express, mini buses, bus shuttle services, taxi’s, tricycles, TNVS, motorcycle taxi’s at delivery services.

Una ng nanawagan ng ang Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipawalang-bisa ang Oil Deregulation Law upang maibalik sa pamahalaan ang pagtatalaga ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon pa kay Father Jerome Secillano, CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary, napapanahon na ring ipatupad at pagtibayin ang mga polisiyang tutulong sa mga mamamayan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,940 total reads

 12,940 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,268 total reads

 15,268 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 32,695 total reads

 32,695 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 1,012 total reads

 1,012 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 83,004 total reads

 83,004 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 177,229 total reads

 177,229 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 237,718 total reads

 237,718 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 251,590 total reads

 251,590 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top