Solidarity Mass for the Moral Choice, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 523 total views

Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ‘Solidarity Mass for the Moral Choice’ na layong ipanalangin ang malinis at matapat na halalan sa darating na Mayo.

Sa liham sirkular ni Archdiocese of Manila Chancellor Father Isidro Marinay ito ang tugon ng arkidiyosesis sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pastoral letter na ‘Be Concerned about the Welfare of Others’.

Una nang nanawagan ang mga obispo sa mamamayan na magkaisa sa pananalangin para maayos na halalan at mailuklok ang mga karapat-dapat na lider ng bayan.

“Our bishops exhort us to ‘continue praying, doing good to our neighbor, offering sacrifices and begging God for the grace of a credible, peaceful and successful election for our common good’,” bahagi ng liham sirkular.

Gaganapin ang misa sa April 6, 2022 sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church sa alas 9:30 ng umaga.

Inaasahang dadalo sa pagtitipon ang mga pari, relihiyoso at mga layko na sakop ng Metropolitan Province of Manila.

Ihahatid naman ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagninilay sa nasabing misa.

Patuloy na apela ng simbahan lalo na sa mahigit 60-milyong botante ang aktibong pakikilahok sa halalan na ibayong paggalang at pagsaalang-alang sa kapakanan at karapatan ng bawat isa tungo sa kabutihan at pag-unlad ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 16,301 total views

 16,301 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 26,929 total views

 26,929 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 47,952 total views

 47,952 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 66,785 total views

 66,785 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 99,334 total views

 99,334 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top