Post election accountability program, isasagawa ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Nanindigan ang Caritas Philippines na patuloy nitong ipapalaganap ang voters education campaign kahit matapos na ang panahon ng eleksyon.

Ito ang tiniyak ni Father Tony Labiao, Executive Secretary ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kasabay ng paglulunsad ng “I Vote God” campaign sa pangunguna ng Dilaab Foundation.

Sinabi ni Fr. Labiao na hindi lamang sa panahon ng eleksyon isasagawa ang voters education, kun’di sa mga susunod pa taon na magsisilbing kalakasan ng mamamayan sa pagkilos bilang iisang bansa.

“Voters’ education will be people’s empowerment.This is a year round education for voter’s empowerment for nation building,” pahayag ni Fr. Labiao sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ng opisyal na maglulunsad din ang Caritas Philippines ng post-election accountability program na kung sinuman ang mananalong kandidato ngayong eleksyon ay kanilang tutulungan upang maisakatuparan ang kanilang mga plataporma para sa taumbayan.

Bagamat suportado, tiniyak ni Fr. Labiao ang pananagutan ng mga maiihalal na lider para sa mas maayos na lipunan.

“Because that is the only way to help the public servants and also to help people to get involved, participate not only with election time but also especially in the daily performance of leadership,” ayon kay Fr. Labiao.

Nangako naman ang pari na ang simbahan ay patuloy na magsasagawa ng mga kolektibong pagkilos na tutulong at titiyak na ang bawat mamamayan ay kabilang sa pagkakaroon ng maayos na pamamahala.

Hinikayat naman ni Dilaab founder at chairman Fr. Victor Carmelo Diola, ang mga botanteng mamamayan na gamitin ang ‘LASER test’ upang masuri ang “lifestyle, accomplishment, source of support, election conduct, and reputation in the community” ng bawat kandidato para sa halalan.

“Itong ‘LASER test’, these are concrete indicators of what it means to be maka-Diyos, maka-tao, makabayan, maka-kalikasan,” ayon kay Fr. Diola.

Bahagi ito ng “I Vote God” campaign na isasagawa ang 40-day prayer and discernment para sa 2022 national and local elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 220,913 total reads

 220,913 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 252,644 total reads

 252,644 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 354,468 total reads

 354,468 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 395,029 total reads

 395,029 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 406,865 total reads

 406,865 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,824 total reads

 142,824 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top