Hindi sapat na bahagi lamang ng buhay ng tao si Hesus, kundi dapat siya ang sentro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,710 total reads

Hinimok ng Canadian theologian at co-founder ng Catholic Christian Outreach (CCO) na si André Regnier ang mga mananampalataya na huwag manatili sa kaalamang pangkaisipan si Hesus kundi magpasya ng personal na tugon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo bilang sentro ng kanilang buhay.

Sa bahagi ng Prayer Pathways sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaalala ni Regnier na bagama’t mahalagang maunawaan ang katauhan ni Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi sapat ang paghanga o paniniwala mula sa malayo upang magkaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon.

“It is essential that we understand who Jesus is and what He has done for us. But knowing these truths intellectually is not enough. Simply believing them from a distance is not enough,” Bahagi ng pahayag ni Regnier.

Upang higit na maipaliwanag ang kahalagahan ng personal na pagtugon sa paanyaya ni Kristo, ibinahagi ni Regnier ang karanasan noong araw ng kanyang kasal kung saan hindi naging ganap ang kanilang tipan ng kanyang asawa hangga’t hindi nito naipapahayag ang salitang “I do” sa ilalim ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Regnier, tulad ng pag-aasawa, nangangailangan din ng malayang pagtugon ang pakikipagkaibigan kay Hesus.

“Jesus has already offered us His friendship. The question is: Will we say yes?” Dagdag pa ni Regnier.

Hinamon din nito ang mga dumalo na suriin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Hesus ba ay bahagi lamang ng kanilang buhay o tunay nang nasa pinakasentro nito.

“I’m not asking whether you’re a perfect Christian. I’m asking something much deeper. Where is Jesus in your life? Is He simply a part of your life? Or is He truly at the centre of your life?” Ayon pa kay Regnier.

Binigyang-diin din ni Regnier ang pahayag ni Pope Benedict XVI na nagsasabing walang mawawala sa sinumang magbubukas ng kanyang puso kay Kristo kundi sa halip ay matatanggap ang ganap na buhay.

“If we let Christ into our lives, He takes nothing away, and He gives you everything… Open wide the doors to Christ, and you will find true life,” pagbabahagi niya mula sa turo ng dating Santo Papa.

Kasunod nito ay inimbitahan ni Regnier ang mga kalahok na personal na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng Prayer of Commitment, kung saan sama-samang idinalangin ang pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng tahimik na panalangin at paghingi ng panibagong paggabay ng Espiritu Santo, habang paulit-ulit na inaanyayahan ang mga kalahok na manalangin ng, “Come, Holy Spirit,” bilang panawagan ng patuloy na pagbabagong-loob at mas malalim na pakikipagkaisa kay Kristo.

Isinasagawa ang Prayer Pathways bilang isa sa mga pangunahing espirituwal na gawain ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na naglalayong akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at panibagong sigla sa misyon ng ebanghelisasyon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,731 total reads

 6,731 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,529 total reads

 60,529 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,894 total reads

 145,894 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,631 total reads

 192,631 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,502 total reads

 240,502 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,464 total reads

 341,464 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top