Hindi terorismo ang pamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 203,259 total views

Mga Kapanalig, pundasyon ng demokrasya ang free press o malayang pamamahayag. Napakahalaga ng papel ng malayang pamamahayag bilang mata, tainga, at boses ng mga mamamayan, lalo na ng mga isinasantabi sa lipunan.

Mismong si Pope Leo XIV ay nagsabing tuwing may journalist o mamamahayag na pinatatahimik, humihina ang demokrasya ng isang bansa. Aniya, ang malayang pamamahayag ay isang common good o kabutihang panlahat. Kaya ang boses ng mga mamamahayag ay hindi dapat busalan ng pansariling interes o takot sa katotohanan.

Ayon sa ranking ng 2025 World Press Freedom Index, ang Pilipinas ay pang-116 sa 180 na bansa. Ibig sabihin nito, mas malala ang kalagayan ng press freedom natin kaysa higit sa kalahati ng mga bansa sa mundo. Bagamat tumaas ang puwesto natin mula sa pang-134 noong 2024, nanganganib pa rin ang press freedom sa ating bansa, ayon sa Reporters Without Borders. Galing ang panganib na ito sa mga banta ng red-tagging, panggigipit o harassment, at pagpatay sa mga naghahatid ng balita.

Isa sa kanila si Frenchie Mae Cumpio, ang natatanging mamamahayag sa bansa na kasalukuyang nakakulong. Kilala si Cumpio bilang isang community journalist mula sa Leyte na nag-iimbestiga at nagbabalita tungkol sa mga isyu ng pangangamkam ng lupa, pagpatay sa mga magsasaka, at pang-aabuso ng militar at pulis sa Eastern Visayas.

Noong nakaraang buwan, matapos ang halos anim na taóng pagkakakulong habang naghihintay ng paglilitis, inabsuwelto sa kasong illegal possession of firearms, ammunition, and explosives si Cumpio at ang lay worker na si Marielle Domequil. Pero hinatulan naman sila ng Regional Trial Court sa Tacloban City ng financing terrorism na may sentensyang 12 hanggang 18 na taon. Ayon sa korte, nagkasala umano ang dalawa dahil nagbibigay sila ng suportang pinansyal sa New People’s Army

Ayon naman sa imbestigasyon ng Reporters Without Borders, nagdesisyon ang korte base lamang sa testimonya ng mga saksing protektado ng militar. Ginamit na rin ang mga saksi para tumestigo sa ibang human rights cases na inihain ng militar laban sa mga sibilyan. Sina Cumpio at Domequil ay kabilang sa tinaguriang “Tacloban 5”, kasama ang tatlo pang human rights advocates na inaresto noong 2020.

Ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers (o NUPL), paulit-ulit na ang mga kasong financing terrorism na hindi nakabatay sa financial transactions bilang ebidensya. Sa halip, madalas itong nakasalalay lang sa testimonya ng mga ‘di-umano’y rebeldeng sumuko sa militar. Pahayag pa ng NUPL, humihina ang due process kapag labis na nakabase ang mga desisyon ng korte sa testimonial evidence, lalo na kapag mula sa mga saksing may tinatanggap na insentibo.

Banta sa press freedom at demokrasya ang hatol kay Cumpio. Ang karahasang dinaranas ng mga mamamahayag ay nagkakaroon ng chilling effect. Ibig sabihin, nagkakaroon ng self-censorship o iniiwasan nila ang mga sensitibo at pulitikal na isyu dahil sa takot. Sa pahayag pa ng Movement for Media Safety Philippines, ang kaso ni Cumpio ay senyales na ang pagbabalita tungkol sa militarisasyon, mga nakapipinsalang development projects, at kalagayan ng mga isinasantabing komunidad ay kinukonsiderang terorismo.

Paalala sa Mga Kawikaan 12:17, “sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.” Lumang tugtugin na ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga nagsisiwalat ng katotohanan at nagtatanggol sa karapatan ng mga isinasantabi at inaapi. Huwag nating hayaang magpatuloy ito. Wika nga ng Santo Papa, nakikiisa ang Simbahan sa mga mamamahayag na nakakulong dahil sa paghahayag nila ng katotohanan. Kaisa ang Simbahan sa pagtatanggol sa dignidad, katarungan, at karapatan ng mga taong malaman ang totoo. Hindi terorismo ang pamamahayag. 

Kaya ang panawagan natin, mga Kapanalig: palayain ang mga ibinilanggong mamamahayag! Ipagtanggol ang malayang pamamahayag!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 39,853 total views

 39,853 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 45,982 total views

 45,982 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 76,124 total views

 76,124 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 95,798 total views

 95,798 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 114,883 total views

 114,883 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 39,854 total views

 39,854 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 45,983 total views

 45,983 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 76,125 total views

 76,125 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 95,799 total views

 95,799 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top