Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 208 total views

Easter Sunday Cycle C

Acts 10:34.37-43 Col 3:1-4 Jn 20:1-9

Happy Easter po sa inyong lahat! Ito ang batian natin ngayong araw. Sa ating mga kapatid na Kristiyano sa Greek Orthodox tradition ang batian nila ay “Si Kristo ay muling nabuhay.” At sasagutin sila ng, “Oo nga, totoong siya’y muling nabuhay.” Christos anesti…. Alithos anesti!

Ang pagbating ito ay may elementong pagkagulat o surprise. They affirm one another that Jesus is really alive. Talagang may elementong pagkagulat ang pagkabuhay ni Jesus. Totoong sinabi ni Kristo bago pa siya mamatay na siya ay papasakitan at papatayin at sa ikatlong araw siya ay mabubuhay na muli. Pero itong pagkabuhay na ito ay hindi naintindihan ng mga alagad. Hindi ito nag-register sa kanila. Paano nila ito maiintindihan na wala ito sa kanilang karanasan? Hindi pa naman nangyari ang resurrection! Kaya nagulat si Maria Magdalena noong hindi niya nakita ang bangkay ni Jesus sa libingan. Bangkay ang kanyang pinuntahan. Ito ang inaasahan niyang makita. Gulat din si Pedro at si Juan noong walang laman ang libingan maliban sa mga kayo na nakabalot noon sa bangkay ni Jesus. Hindi nila ine-expect ang resurrection.

Iba ang resurrection sa resuscitation. May mga taong binuhay si Jesus, tulad ng babaeng anak ni Jairo, ang anak na lalaki ng balo sa Nain, at si Lazaro na kaibigan ni Jesus. Sila ay patay na ngunit binalik sila uli sa buhay dahil kay Jesus. Binalik sa kanila ang kanilang buhay. Bumalik sila sa dating buhay nila. Pagdating ng panahon, namatay din sila uli. Resuscitation ang naranasan nila. Iba si Jesus. He resurrected from the dead. Hindi na siya uli mamamatay. Hindi lang siya bumalik sa dating buhay niya. Buhay siya dahil nakatanggap siya ng bagong uri ng buhay. Siya pa rin iyon pero medyo may pagkakaiba na. Kaya hindi na siya kaagad nakikilala ng mga alagad. May katawan pa rin siya. Hindi siya isang multo o isang espiritu. Nahihipo pa rin siya at nakakakain pa rin siya pero nakakapasok siya kahit na sa kwartong nakasara ang mga pintuan at bintana.

Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus ay hindi lang bunga ng kathang-isip ng mga alagad. Hindi lang ito imagination o hallucination ng mga apostol. Una, hindi nila ito inaasahan at sila mismo ay halos hindi makapaniwala dito. Pangalawa, hindi lang ng isang tao o isang beses lang siya nakita. Marami ang nakakita sa kanya – sabi pa nga ni San Pablo, higit na limang daang katao – at maraming beses siya nagpakita. At hindi lang nagpakita. Nakisama pa siya sa buhay ng mga alagad tulad ng dati. Kumain sila at nagkukwentuhan silang kasama niya. Ang mga alagad ang mga saksi na totoong muling nabuhay si Kristo.

Naranasan ng mga alagad na muling nabuhay si Jesus hindi lang sa nakita nila siya. Naranasan nila ito dahil sila rin ay nagkaroon ng bagong buhay dahil sa muling pagkabuhay. The resurrected Christ transformed their lives! Binago ni Jesus ang kanilang buhay! Binigyan sila ng sigla. Nagkaroon sila ng mas malalim at mas buong pag-unawa kay Jesus dahil sa kanyang muling pagkabuhay. Itong kapangyarihan ng muling pagkabuhay ay patuloy na kumikilos sa atin na mga Kristiyano. Napakaraming hadlang, pag-uusig, pagsubok at kapalpakan ang dinaanan ng simbahan sa loob ng dalawang libong taon na kasaysayan niya, pero patuloy pa rin ang simbahan at lumalago pa. Ito ay dahil sa ang simbahan ay ang katawan ni Kristo na muling nabuhay. Ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Kristo ay kumikilos sa atin!

Ang muling pagkabuhay ay nagbibigay sa atin ng pag-asa na anuman ang mangyari sa atin, anumang kahirapan, kahit na nga kamatayan, ang mga ito ay mapagtatagumpayan natin kasi si Kristo ay muling nabuhay at ang kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay ay kumikilos sa atin hanggang ngayon.

Noong tayo ay bininyagan, nakiisa tayo sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. Namatay tayo sa kasamaan. Ito ay nilinis ng tubig ng binyag, at tayo ay muling nabuhay tulad ni Jesus. Kaya bilang mga Kristiyano ang ating buhay ngayon ay hindi lang buhay na makamundo. Nakikiisa na tayo sa buhay maka-Kristo. Kaya nga pinaalalahanan tayo ni San Pablo na dahil sa buhay na tayong kasama ni Kristo, ang ating pagkakaabalahan ay hindi lang mga bagay ng mundong ito. Pansinin at isabuhay na rin natin ang mga makalangit na bagay kung nasaan ngayon si Jesus at kung saan din tayo pupunta. Hindi lang tayo makamundo. Makalangit na rin tayo kaya ang ugali at ang pinagkakaabalahan natin ay hindi lang mga makamundong bagay. We are already living the heavenly realities now.

Kaya po ang muling pagkabuhay ay hindi lang pagbabalik tanaw sa nangyari kay Kristo noon. Ito ay may kinalaman din sa buhay natin ngayon. Ang muling pagkabuhay ay isinasabuhay na rin natin. Bilang mga Kristiyano tayo ay mga saksi ng muling pagkabuhay ni Jesus. Bilang mga saksi kinukwento natin ito sa iba. Sinasabi natin: oo nga, si Kristo ay muling nabuhay. Pero hindi lang sa pamamagitan ng salita ang ating pagsasaksi. Pinapakita din natin na ito ay totoo sa pamamagitan ng ating buhay. Hindi tayo nadidiscouraged

kahit na sa gitna ng kahirapan at pagkabigo kasi may muling pagkabuhay. Hindi kamatayan, hindi kahirapan, hindi kasamaan, hindi kasinungalingan ang huling salita. Buhay ang huling salita. Magtatagumpay ang katotohanan kahit na may mga troll farms pa na nagpapakalat ng kasinungalingan. Mananalo ang kabutihan kahit na may mga pera pa na pinapakalat na mamimili ng mga tao. Ito ang mga patotoo natin tungkol sa resurrection.

Ang mas personal na patotoo natin sa muling pagkabuhay ay ang pagbabago ng ating buhay. Na hindi na tayo makamundo. Na mahalaga sa atin ang spiritual values tulad ng pananampalataya, dignidad at integridad sa ating buhay. Na maaari tayong magsakripisyo kasi magdadala ito ng tagumpay. Na ang pagdarasal ay hindi pagsasayang ng panahon. Na ang pagtulong sa kapwa ay nakakapataba ng puso. Nagagawa natin ito dahil si Kristo ay muling nabuhay!

Kaya maganda ang greetings ng mga Greek Christians. Christos anesti! Nabuhay si Kristo. Ang sagot: alethos anesti! Totoo ngang buhay si Kristo! Ipadama natin na buhay nga si Kristo!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,792 total views

 7,792 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,932 total views

 20,932 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,905 total views

 26,905 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,660 total views

 32,660 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,922 total views

 39,922 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 530 total views

 530 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,844 total views

 2,844 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,971 total views

 8,971 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,100 total views

 7,100 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,383 total views

 9,383 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,289 total views

 12,289 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,228 total views

 13,228 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,222 total views

 13,222 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,940 total views

 16,940 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,786 total views

 18,786 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,783 total views

 18,783 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,292 total views

 23,292 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,608 total views

 28,608 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,766 total views

 30,766 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,923 total views

 32,923 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top