VeritasPH

The Word, The Truth

 175 total views

Homiliya para sa Linggo ng Paskong Pagkabuhay, ika-17 ng Abril 2022, Jn 20:1-9

Matagal kong nang itinatanong sa sarili ko kung bakit napakalakas ng dating ng pagsasaritwal ng muling pagkabuhay ni Kristo bilang SALUBONG. Nakuha ko ang sagot nang minsang makausap ko ang isang kaibigan at kinamusta ko ang pamilya nila. Alam kasi niyang alam ko na nagkaroon sila ng matinding alitan sa pamilya. Nagkadimandahan ang mga magkakapatid dahil sa usapan ng hatian sa ari-arian. Dati dumidilim ang mukha niya kapag kinakamusta ko ang pamilya nila. Pero nitong huli, maliwanag na, may kasama pang ngiti.

Sabi niya, “Salamat sa Diyos Bishop, nagka-SALUBÓNG na rin ang mga kapatid kong nagpasimuno sa dimandahan. Sinuwerte kasi kami na yung judge na nag-handle ng kaso, dahil yata lay minister siya sa simbahan, kinausap niya ang mga kapatid ko. Sinabi niya, ‘Talaga bang gusto ninyong ituloy ang kasong ito? Paalala ko lang na sisirain nito ang relasyon ninyong magkakapatid at baka hindi na ito bumalik sa dati. At isipin din ninyo ang mga magulang ninyo na nagpamana lang sa inyo ng mga ari-arian na iyan. May panahon pa kayo para mag-usap at magkasalubong tungkol sa kaso.’” Nag-iyakan daw sila at parehong nagpakumbaba, naresolba ang hidwaan at nagkasundo silang muli. Sa wakas, NAGKASALUBÓNG SILA.

Noon ko lang narinig ang salitang SALUBONG sa ganyang konteksto ng pagtatagpo ng mga pananaw at pagkakasundo. Ganito nga naman ang orihinal na sitwasyon ng muling pagkabuhay ni Hesus—imbes na magtagpo, parang nanganganib na magkawatak ang komunidad ng mga alagad. Ayaw daw maniwala ng mga lalaking alagad sa mga kasamahan nilang mga babae na unang nagbalita sa kanila tungkol sa muling pagkabuhay. Hinusgahan kaagad sila na gumagawa lang daw ng salita, kathang-isip, o tsismis.

Hindi rin magtagpo ang nakatatandang alagad na tulad ni Pedro at ang nakababatang alagad na katulad ni Juan. Kahit parehong libingan ang kanilang siniyasat, magkaiba sila ng nakita o napansin sa loob. Ganyan din si Tomas, parang may bitbit na sama ng loob sa mga kasamahan niya, parang natatakpan ang isip niya ng pagdududa sa kanila tungkol kay Hesus. Iyung dalawa nga sa mga alagad tuluyan nang tumiwalag. Hindi nila tuloy kaagad nakilala ang kalakbay nila na unti unting nag-alis ng belong itim ng takot at pagkabigo.

Ang hirap talagang pagsalubungin ang mga tao kapag natatakpan ang mga puso’t isip nila ng mga belong itim ng tampo, sama ng loob o hinanakit. Lalo na kapag nangunguna ang kinulayang interpretasyon kaysa pakikinig nang mabuti para makaunawa.

At ang tindi ng pagkasira na idinudulot nito. Tingnan lang natin ang giyerang kasalukuyang nangyayari ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine. O dito naman sa atin, tingnan ang epekto ng mga hidwaan dahil sa pulitika. Ang masasakit na palitan ng salita at insulto sa social media. Gusto ba nating humantong pa tayo sa civil war? Ano ang dapat nating gawin upang maalis ang mga belong itim ng kasinungalingan at panlilinlang, upang mabuksan ang isip tungkol sa katotohanan?

Siguro kaya napakatindi ng dating ng ritwal ng salubong para sa ating mga Pilipino. Sa loob-loob natin ibig talaga natin magtagpo o magsalubong. Hindi lang ito ritwal, ito’y isang marubdob na panalangin. Kaya kung mamarapatin ninyo, pakiusap ko sa sandaling ito na iyuko nating ang ating mga ulo at ipikit ang mga mata at tahimik tayong ulitin sa loob ang panalanging ito:

“Panginoong Hesus ng muling pagkabuhay, hinihiling namin na pagsalubungin mo ang mga magkakapatid, magkakamaganak, magkakababayan, lalo na ang mga pinaglalayo ng mga alitan, hinanakitan, at hidwaan. Alisin mo po ang belong itim ng pagdududa at mga paunang hatol, ang mga sama ng loob at masamang pag-iisipsa isa’t isa. Pagtagpuin mo po ang aming mga pananaw sa liwanag ng katotohanan nang may kababaang-loob na makinig, na magsisi sa aming mga pagkakamali, na huwag manghusga, at magsikap na maunawaan ang pinanggagalingan ng bawat isa sa amin. Hayaan mong masilayan namin ang iyong mukha sa bawat isa sa amin upang ang liwanag ng iyong pagkabuhay ang magdulot sa amin ng tunay na pagkakasundo, at aming matanto na kami pala ay hindi iba, na kami’y magkakapatid, na kami’y magkakapamilya dahil tinuring mo kaming lahat bilang iyong mga kaibigan at kapanalig. AMEN. Maligayang Paskong Pagkabuhay po sa ating lahat.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,493 total views

 2,493 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,479 total views

 18,479 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,524 total views

 26,524 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,604 total views

 31,604 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,310 total views

 37,310 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,624 total views

 2,624 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,040 total views

 7,040 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,366 total views

 2,366 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,889 total views

 2,889 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,388 total views

 4,388 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,232 total views

 5,232 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,487 total views

 3,487 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,700 total views

 7,700 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,933 total views

 6,933 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,145 total views

 11,145 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,593 total views

 4,593 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,597 total views

 4,597 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,597 total views

 4,597 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,589 total views

 4,589 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,589 total views

 4,589 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top