Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 262 total views

19th Sunday Cycle C

Wis 18:1-9 Heb 11:1-2.8-19 Lk 12:32-48

We live by faith and not by sight. Nabubuhay tayo hindi lang ayon sa mga bagay na nakikita kundi ayon din sa ating pananalig. Narinig natin sa sulat sa mga Hebreo: “Tayo’y may pananalig kung nagtitiwala tayong mangyayari ang mga inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na hindi natin nakikita.” Nagdedesisyon tayo, lumalakad tayo, kumikilos tayo ayon sa nalalaman natin mula sa ating pananampalataya. Nagagawa natin ito kasi naniniwala tayo sa nagsalita sa atin, na siya ay maaasahan at mapagkakatiwalaan. Hindi niya tayo lilinlangin kasi siya ay tapat. Iyan ay ang ating Diyos.

Ang halimbawa ng may ganitong mahigpit na tiwala sa Diyos ay si Abraham. Iniwan niya ang kanyang lupain dahil sa nangako ang Diyos na bibigyan siya ng lupain. Binitiwan niya ang mayroon na siya, ang lupain at kamag-anakan niya sa Haran, at itinaya ang kanyang buhay sa salita ng Diyos na bibigyan siya ng lupain sa Canaan. Pagpunta niya roon, siya ay isang dayuhan. Sa buong buhay niya, namuhay siya roon na isang dayuhan. Noong namatay ang kanyang asawa, kailangan pa siyang bumili ng kapirasong lupa sa mga taga-Hebron upang maipalibing ang asawa niya. Walang pinanghawakan si Abraham kundi ang Salita ng Diyos sa kanya.

Kahit na wala siyang anak, naniwala siya sa pangako ng Diyos na magiging Ama siya ng isang malaking lahi, kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan. Naniwala siya, at siya ay binigyan ng isang anak. Noong lumaki na ang kanyang anak, hiniling ng Diyos na iaalay ito sa kanya. Ito lang ang kaisa-isa niyang anak, wala nang makakasunod pa rito kasi kapwa na silang matanda ng kanyang asawa, pero sumunod siya sa Diyos. Dinala niya si Isaac sa bundok ng Moria at doon handang iaalay siya sa Diyos. Naniniwala si Abraham sa pangako ng Diyos ng malaking lahi kahit hindi niya alam paano ito matutupad na papatayin pa niya ang kaisa-isang anak niya. Si Abraham ay namuhay hindi ayon sa mga bagay na nakikita, ngunit ayon sa Salita ng Diyos. Kaya siya ang itinuturing na Ama ng pananampalataya ng tatlong relihiyon na naniniwala sa iisang Diyos – ang mga Hudyo, ang mga Muslim at ang mga Kristiyano.

Hinihikayat tayo ni Jesus ngayon na manalig din sa kanyang salita na tayo ay mga katiwala na mananagot sa Panginoon na may-ari ng lahat. Tayo ay katiwala lamang. Wala naman talaga tayong hawak na atin. Ang tinatawag natin na pagmamay-ari natin ay sa totoo lang hindi atin. Hindi nga atin ang buhay natin. Hiram lang ito sa Diyos at sa wakas ng panahon magbibigay sulit tayo kung ano ang ginawa natin sa ating buhay. Ganoon din ang panahon. Hindi naman atin ito. Hindi natin ito mapanghahawakan o mapapahaba man. Katiwala tayo ng ating mga kakayahan. Iba-iba ang talents natin na bigay sa atin ng Diyos. Pati na ang mga kayamanan natin na nasa pangalan natin sa bangko, sa mga titulo, sa mga kontrata. Papeles at numero lang ang hawak natin. Pag namatay tayo, wala naman tayong madadala sa mga ito. Sa bandang huli pananagutin tayo ng Diyos kung ano ang ginawa natin sa mga ito. Sinabi ni Jesus: “Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.” Kaya kung ano ang mayroon tayo ngayon, iyan ay ating pananagutan. So every gift is a responsibility.

At kailan natin pananagutan? Hindi natin alam. Magbibigay sulit tayo sa Panginoon sa oras na hindi natin inaasahan. Lahat tayo ay haharap sa ating Diyos. Sa buhay natin ngayon, maaari pa natin siyang iwas-iwasan. Maaari pa nating balewalain siya, pero darating ang huling panahon, at iyan ay sigurado, haharap tayo sa kanya. Sana haharap tayo sa kanya nang masaya kasi may ipapakita tayo sa kanya na ikatutuwa niya. Kaya sinabi ni Jesus: “Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siya ng kanyang Panginoon na ginagawa ang ipinagagawa sa kanya.” Kawawa tayo kung datnan tayo na gumagawa nang ikahihiya natin sa harap niya, kung inaabuso natin ang ating mga biyaya at pinababayaan ang ating mga tungkulin. May parusang darating. Makatarungan ang Diyos. Mabait siya kaya binibigyan niya tayo ng lahat ng pagkakataon. Pero makatarungan din siya. Mananagot ang lahat sa harap niya.

Kaya maging handa palagi tayo. Mamuhay tayo ayon sa ating pananalig sa Diyos. Dahil sa ating pananalig sa kanya, maging generous tayo. Kaya sinabi ni Jesus na ipagbili ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha, at mag-impok ng kayamanan sa langit. Kung nasaan ang inyong kayamanan naroon din ang inyong puso. Kung ang kayamanan natin ay nasa lupa, nandito ang puso natin sa lupa. Makalupa tayo at mabubulok tayo dito sa lupa. Ngunit kung ang kayamanan natin ay nasa langit, kung doon tayo namumuhunan, mananabik tayo ng langit. Hindi tayo matatakot na kunin na tayo ni Lord kasi pupunta tayo kay Lord na kilala natin at sinusundan natin.

Ang nagpapaalala sa atin ng kabilang buhay at ng buhay na ginagabayan ng pananampalataya ay ang simbahan, lalo na sa pamamagitan ng mga pari. Noong August 4 ipinagdiwang natin ang kapistahan ni St. John Baptist Marie Vianney, ang patron ng mga parish priests. Siya ang modelo ng isang Kura Paroko sa kanyang pangangalaga sa Parokya niya sa Ars, Francia, sa loob ng apatnapung taon. Ang pinakamalapit na Linggo sa August 4 ay ang St. John Baptist Marie Vianney Sunday dito sa Pilipinas. Sa araw na ito ipinagdarasal natin ang ating mga kaparian.

Hinihingan natin ng tulong ng panalangin at halimbawa si St. John Baptist Marie Vianney na ang mga pari natin ay maging banal tulad niya sa kanilang paglilingkod. Magkakaroon tayo ng second collection sa misang ito para sa patuloy na paghuhubog ng ating kaparian. Kahit na matagal ang paghubog sa isang lalaki para maging pari, hindi nangangahulugan na ok na siya kasi na-ordinahan na siya. Patuloy ang takbo ng panahon, nagkaka-edad ang pari, nagkakaroon ng bagong hamon sa kanyang paglilingkod, kaya dapat patuloy ang paghuhubog sa kanya.

Ito iyong on-going formation. Kasama dito ang mga retreats, ang mga meetings, ang mga seminars at ang mga schoolings na inaalok sa mga pari. Tulungan natin ang patuloy na paglago nila sa kanilang bokasyon. Tayo rin ang makikinabang kung magiging magaling at banal ang ating mga pari. Sila ang gabay natin sa pananampalataya at sila ang palaging nagpapaalaala sa atin na hindi dapat tayo mamuhay lang ayon sa mga bagay na nakikita. Ituon din natin ang ating attention sa ating inaasahan at sa mga bagay na inaalok sa atin ng Diyos upang maging palagi tayong handa para sa buhay na walang hanggan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 9,425 total views

 9,425 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 15,398 total views

 15,398 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 21,153 total views

 21,153 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 28,416 total views

 28,416 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 36,400 total views

 36,400 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 116 total views

 116 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,431 total views

 2,431 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,558 total views

 8,558 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,687 total views

 6,687 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,970 total views

 8,970 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,876 total views

 11,876 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,815 total views

 12,815 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,809 total views

 12,809 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,527 total views

 16,527 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,373 total views

 18,373 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,370 total views

 18,370 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,879 total views

 22,879 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,195 total views

 28,195 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,353 total views

 30,353 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,511 total views

 32,511 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top