Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 17,863 total views

1st Sunday of Advent Cycle C
World Day for People with Disabilities
National AIDS Sunday
Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36

December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga pamilya, buwan din ng pagsisimba. Masaya ang buwang ito, pero ang pagbasa natin sa unang araw ng buwan ng December na siya ring unang araw ng Adbiyento ay pagbabanta ng pagkasira. Magugulo ang landas ng araw, ng buwan at ng mga bituin. May malalaking daluyong sa dagat – iyong mga storm surge. May malalaking sakuna na darating sa daigdig. Sa atin pa, iyan ay maaaring mga malalakas na bagyo. Pero sa harap ng mga masasamang pangyayaring ito, ang sabi ni Jesus ay magalak kayo! Magalak at hindi matakot, kasi ang mga pangyayaring ito ay pahiwatig sa atin na darating na ang kaligtasan.
Nasa panahon na nga tayo ng adbiyento. Ang ibig sabihin na salitang adbiyento ay pagdating. Dahil sa may darating hinihikayat tayong maging handa. Salubungin natin ito at huwag pigilan o pagtaguan. Ang adbiyento ay panahon ng paghahanda sa Pasko. Apat na Linggo na lang at pasko na. Hindi natin kinatatakutan ang pasko. Inaabangan natin ito at maraming mabubuting bagay na ating ini-imagine na dadalhin ng pasko. Ang pagdating ni Jesus ay magdadala nga ng kaligtasan. Siya ang matuwid na sanga ni David na sisibol na sinulat ni propeta Jeremias. Kaligtasan ang dadalhin niya. Itutuwid na ng Diyos ang maraming kaguluhan sa ating mundo at sa ating buhay. Kaya kikilalanin siyang “Ang Panginoon ang ating katuwiran.” Si Jesus nga ang magdadala ng kaayusan kasi siya ay ang manliligtas.

Pero ang adbiyento ay hindi lang pag-aantay sa pagdating ng pasko. May isa pa tayong inaantay na pagdating ng Diyos. Iyan ay ang muling pagdating ng manliligtas sa wakas ng panahon.

Sana tulad ng pasko, hindi natin ito kinatatakutan. Sana tulad ng pasko ito ay inaabangan natin. Dumating na si Jesus sa mundo noon bilang isang sanggol. Naging tao na ang Diyos. Gumawa siya ng maraming bagay na ikinatuwa ng mga tao noon. Binigyan niya ng paningin ang mga bulag, lumakad ang mga paralitiko, napalayas ang mga demonyo. Pero ang nakaranas ng mga kaligtasang ito ay ang mga tao lamang noong kanyang panahon at doon lang sa maliit na lugar ng Galilea. Pero nangako siya na babalik uli siya. Pinatikim lang tayo ng kaligtasan noon pero ngayon ang kaligtasan ay para na sa lahat at para sa lahat ng lugar. Natalo na niya ang kasamaan pero parang malakas pa rin ang kasamaan. Ngayon, lubusan na niyang dudurugin ang kasalanan. Ito ay mararanasan nating lahat. Siguradong darating siya pero hindi pa natin alam kung kailan. Kaya ang sabi niya ay maging palaging handa tayo.

Sinulat ni San Pablo sa mga taga-Tesalonika: “Kayo’y manatiling banal at walang kapintasan sa harapan ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus.” Para manatiling banal at walang kapintasan, sinabi ni Jesus na huwag tayong magumon sa katakawan at paglalasing. Iwasan natin ang anumang bisyo. Sa ating panahon hindi lang naman pagkain at alak ang naaabuso. Inaabuso din ang droga. Inaabuso din ang video games at internet. Inaabuso din ang sex. Ngayong Linggo ay National Aids Sunday. Pinapaalaala sa atin na nandiyan pa rin ang nakakatakot na sakit ng HIV-AIDS, nakakatakot kasi wala pang gamot dito at nagdadala ito ng kamatayan. Inaatake ng sakit na ito ang immune system ng tao. Nawawala na ang ating resistance sa anumang sakit kaya wala nang panlaban sa mga sakit ang may AIDS. At ang karamihan sa mga kaso ng AIDS ay dala ng pag-aabuso sa sex – same sex sexual activities at sex sa maraming partners. Mag-ingat tayo sa pag-aabuso ng sex dito sa atin sa Palawan na maraming mga dayuhan ang dumadating na maaaring mangyari ang pang-aabuso.

Kaya para maging banal, iwasan ang anumang bisyo at pang-aabuso. Pero hindi lang iyan. Sinabi din ni Jesus na mag-ingat din tayo na mabuhos ang ating isip sa mga intindihin sa buhay lamang na ito. Oo, pinagkakaabalahan natin ang ating hanap buhay, ang pag-aaral ng mga bata, ang ating mga pangarap sa buhay, ang ating love life, ang ating business. Wala namang masama diyan. Nagiging masama ang mga ito kung ito na lang na mga bagay ng mundong ito ang pinagkakaabalahan natin. Ang lahat ng mga ito ay lilipas din. Hindi naman magbibigay ng kaganapan ng buhay ang mga ito sa atin. May mga bagay din na hindi materyal at hindi makalupa ang bibigyan natin ng pansin, tulad ng ating kaluluwa at ang ating spiritual life. Binibigyan din ba natin ito ng pansin at ng panahon? May panahon ba tayo sa pagdarasal araw-araw? Nagbibigay ba tayo ng panahon na lumago ang ating pananampalataya tulad ng pagdalo sa Banal na Aral? Nagbibigay ba tayo ng serbisyo at ng pera para tumulong sa iba?

Ngayong Linggo rin ay World Day of People with Disabilities. Inaalaala natin ang may mga kapansanan, ang mga PWD – Persons With Disabilities. Marami po sila. Marahil ang iba sa sila ay kapamilya natin o kapit bahay natin o kasama natin sa ating Kriska. Dahil may kakaiba silang katangian, madalas tayong mainis sa kanila o pinababayaan natin sila. Sila po ay kapatid pa rin natin kay Kristo. Tulungan at paglingkuran natin sila. Hinihikayat tayo ni Jesus na huwag lang dapat tayo nakatuon sa ating sarili o sa ating buhay ngayon. May mga bagay at mga tao na dapat din natin pansinin para maging buo ang buhay natin.

And adbiyento ay paghahanda nga sa pagdating ng Panginoong Jesus. Darating siya sa pasko at darating uli siya sa wakas ng panahon. Ang dalawang ito ay pinaghahandaan natin. Hindi lang pinaghahandaan – pinananabikan pa natin! Siguradong darating ang Panginoon! Hindi natin mapigilan ang Pasko. 24 days na lang at pasko na. At sigurado ding darating ang wakas ng panahon. Hindi rin natin ito mapipigilan! Ang malaking pagkakaiba lang, alam natin kung kailan darating ang pasko, pero hindi natin alam kung kailan muli darating si Jesus. Kaya maging handa tayo sa lahat ng oras. Paano? Lagi tayong magdasal. Ang taong nagdarasal ay hindi pumapasok sa bisyo. Ang taong nagdarasal ay hindi nagugumon sa mga bagay lamang ng mundong ito. Ang taong nagdarasal ay nag-aabang sa Panginoon sapagkat siya ay lagi niyang kinakausap. Tatanggapin siya ng Panginoon na pinapahalagahan niya at kilala niya dahil sa kanyang pagdarasal.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pandaigdigang kapayapaan

 2,587 total views

 2,587 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 13,503 total views

 13,503 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 21,239 total views

 21,239 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 28,726 total views

 28,726 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 34,051 total views

 34,051 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 690 total views

 690 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 2,938 total views

 2,938 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 3,043 total views

 3,043 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 7,162 total views

 7,162 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 6,475 total views

 6,475 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 8,530 total views

 8,530 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 14,453 total views

 14,453 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 20,498 total views

 20,498 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 19,013 total views

 19,013 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 21,252 total views

 21,252 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 18,479 total views

 18,479 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 19,577 total views

 19,577 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 25,181 total views

 25,181 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 22,651 total views

 22,651 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 24,520 total views

 24,520 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top