2,730 total views
Nagbabala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa publiko laban sa mga mapagsamantala na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanlinlang ng kapwa.
Ito’y matapos mapag-alaman ng obispo na may kumakalat na pekeng Facebook account gamit ang pangalang “Roperto Cruz Santos,” na humihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad sa Bicol Region.
Nilinaw ni Bishop Santos na wala siyang kaugnayan sa nasabing facebook account at hindi rin siya nanghihingi ng anumang donasyon para sa pansariling kapakanan.
“I have recently informed that a fake Facebook account has been created in my name by someone with self-serving interests. That account was made without my knowledge and consent. Please be warned that anyone using that fake account to ask for donations or solicit financial help is not acting on my behalf. I will never ask for personal monetary assistance,” pahayag ni Bishop Santos.
Nagpaalala rin ang obispo sa publiko na maging maingat at huwag agad magtiwala sa mga nagpapadala ng mensahe na humihingi ng tulong o donasyon.
Binigyang-diin ni Bishop Santos ang kahalagahan ng pagtiyak sa lehitimong pagkakakilanlan upang maiwasan ang panloloko.
“Thank you so much for your understanding and utmost vigilance in this serious matter. My prayers,” dagdag