Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PUP, tinanghal na Best Campus Hour school sa Campus Hour Season 11

SHARE THE TRUTH

 11,388 total views

Ipinarating ni Father Roy Bellen – Radio Veritas Vice President for Operations ang pagbati sa mga nagwagi sa Radio Veritas Campus Hour Season 11.

Ito ay matapos igawad ng himpilan ang pagkilala sa walong Pamantasan at Kolehiyo na nakilahok ngayong taon sa Campus Hour Season 11.

Ayon sa Pari, sa pamamagitan ng mga kaparehong gawain ay inilalapit ang kabataan sa simbahan kung saan binibigyan ang mga kalahok na paaralan ng pagkakataon na mag-organisa ng isang oras na programa sa AM Radio.

“But everytime we see ang mga kabataan, it shows na may pagasa, merong bukas, may magandang nag-aabang sa atin so sa mga bata, thank you very much po, off course sa mga magulang sa mga schools for being part of this activity po ng Radio Veritas,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Bellen.

Paanyaya ng Pari sa mga kabataan na sa pamamagitan ng simpleng pakikinig sa mga programa ng Radio Veritas at sa susunod na Season ng Campus Hour ay maaring makibahagi sa mga adbokasiya ng simbahan at higit pang mapalaganap ang pananamapalataya.

Nagpapasalamat naman si Clark Ashley Sare nang Polytechnic University of the Philippines DZMZ Young Communicators Club sa pagkakataon na ibinigay ng Radio Veritas.

Ito ay matapos tanghalin bilang Best Campus Hour School ang programang pinangasiwaan ng PUP College of Communication kung saan sa kanila din iginawad ang mga parangal na Best Female Anchor: Lyene Maria Darang, kasama na ang mga parangal sa Best Radio and Tv Performance.

“I think there’s one think lang na we want to share to everybody and its trust talaga, trust to everyone, trust to everyone who is a part of this organization and alam namin sa sarili namin na we couldnt have done it without them, without trusting ourselves, and siempre without trusting the Lord na talaga namang nagbibigay sa amin ng opportunity na ibinigay samen na strength to continue all through out the whole process of production,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Sare.

Bukod sa PUP, iginawad naman ang mga parangal na Best Male Anchor kay John Serge Magat ng Universidad De Manila, Best Production Team sa Far Easter University, Best Program Theme Song sa Colegio De San Juan De Letran, Best Radio Drama sa Centro Escolar University – Malolos, Best Audio Production sa Baliuag University, Audience Choice Awards sa World Citi College Antipolo, Best Campaign Award sa FEU at ang Social Media Awards naman sa Colegio De Calumpit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,605 total views

 42,605 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,086 total views

 80,086 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,081 total views

 112,081 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,821 total views

 156,821 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,767 total views

 179,767 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,042 total views

 7,042 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,647 total views

 17,647 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,648 total views

 17,648 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 18,120 total views

 18,120 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 17,670 total views

 17,670 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »
Scroll to Top