Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,297 total views

2nd Sunday of Advent Cycle A
World Day for People with Disabilities
National AIDS Sunday

Is 11:1-10 Rom 15:4-9 Mt 3:1-12

Noong nakaraang Linggo, November 30, nagkaroon ng rally sa maraming mga lunsod sa buong bansa natin. Nanawagan ang mga tao ng: SOBRA NA! TAMA NA! IKULONG NA! Sa mga rally na ito ipinapahayag ng mga tao na nadidismaya na sila sa mga balitang korapsyon at maraming imbestigasyon na hindi naman napapanagot ang mga senador, mga congressman, mga mayayamang kontraktor at mga matataas na kawani ng gobyerno. Wala pa naman sa kanila ang ikinulong! Kapag mahirap ang tao, agad-agad kinakasuhan at pinagbibintangan pa ng kaso at kinukulong agad. Pero hindi ang mayayaman. Ang dami pang proseso na dinadaanan! Maraming palusot at tumatakas pa sa ibang bansa. Kaya naghahangad tayo ng leaders sa gobyerno na magbibigay ng katarungan sa mga dukha, na ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa, na hahatol ng kaparusahan sa mga masasama. Katarungan at katapatan ang paiiralin niya sa kaniyang pamamahala.

Ang paghahangad na ito ay siya ring ipinangako ni propeta Isaias pagdating ng haring sisibol sa tuod ni Jesse. Ito ay isang haring manggagaling sa lahi ni Jesse. Si Jesse ay tatay ni David. Para sa atin ang haring ito ay si Jesus na galing sa lipi ni David. Dumating na siya. Sinimulan na niya ang paghaharing makatarungan na pinapansin at tinutulungan ang mga pilay, mga bulag, mga may ketong, mga makasalanan at mga mahihirap. Babalik uli siya upang lubusang tapusin ang kanyang sinimulan. Inaabangan natin ito ngayong panahon ng adbiyento.

Ang kanyang pagdating ay tanda ng kanyang katapatan at ng kanyang habag. Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga pangako. Matagal na niyang ipinangako ang pagdating ng isang Kristo – noon pang panahon ni Abraham, panahon ni Moises, panahon ni David at ng mga propeta. Sa wakas tinupad na niya ang kanyang pangako. Kaya si Jesukristo ay ang dakilang Yes, dakilang Oo ng Diyos sa kanyang mga pangako. Si Kristo din ay tanda ng habag ng Diyos. Siya ay dumating hindi lang para sa mga Hudyo na kanyang pinangakuan. Siya ay dumating sa mga hindi Hudyo, sa mga sumasamba ang iba’t-ibang mga diyos. Pinatawad niya sila. Kahit na sa mga hindi kumikilala sa Diyos nandiyan ang habag ng Diyos. Nagpapatawad siya sa lahat.

Oo, nagpapatawad siya sa lahat, pero sa lahat na nagsisisi. Ang pagsisisi ay ang susi sa pasok ng Diyos sa ating buhay. Kaya nga noong dumating si Juan Bautista upang ipaghanda ang pagdating ng Kristo ang kanyang panawagan ay: PAGSISIHAN NINYO AT TALIKDAN ANG INYONG MGA KASALANAN. Ang pagbibinyag niya sa ilog Jordan ay ang panlabas na paglilinis na dala ng panloob na pagsisisi. Kahit na sa mga walang audience, doon sa disyerto, patuloy siyang nananawagan at sumisigaw. Ang kanyang mensahe ay hindi lang sa pamamagitan ng kanyang salita. Ang buhay niya mismo ay bahagi ng kanyang panawagan. Payak at simple ang buhay niya. Balat ng kamelyo ang kanyang damit – magaspang at makati iyan. Ang kanyang pagkain ay iyong pagkain na matatagpuan sa disyerto at hind sa mall o mga restaurant – simple lang: balang (insekto iyan) at pulot. Wala siyang itinatangi sa mga pinagsasalitaan niya. Kahit na iyong mga dayuhan na galing pa sa Jerusalem at Judea ay pinagwiwikaan niya. Kailangan din silang magsisisi kahit na sila ay mayayaman at mga may pinag-aralan. Kailangan din silang magbagong buhay. At huwag nang ipasabukas ang pagsisisi kasi nakaamba na ang palakol sa ugat ng punong kahoy. Puputulin ang bawat puno na hindi nagbubunga ng katuwiran. Ang darating ay nandiyan na, ay malapit na. Pagdating niya magbibinyag siya ng Espiritu Santo at ng apoy. Susunugin ang bawat puno na hindi namumunga.

Ano ba ang ibig sabihin ng pagsisisi? Una, ito ay nangangahulugan na talikdan na ang kasamaan – ang alitan, ang paghihiganti, ang kahalayan, ang bisyo at marami pang ibang kasalanan. Ikalawa, ito ay nangangahulugan ng pagtupad ng ating tungkulin sa buhay. Maging mabuting estudyante tayo, mabuting magulang, mabuting manggagawa, mabuting lingkod ng simbahan. At panghuli, maging mapagkawanggawa, ipagtanggol ang inaapi, labanan ang korapsyon at panlalamang sa kapwa. Mag-ambag tayo na umiral ang katuwiran at katotohanan sa ating Lipunan.

Hindi lang sapat na hindi gumagawa ng masama. Nagsisikap din tayo na palakasin ang katarungan at gumawa ng mabuti. Ito ang totoong pagtanggap kay Jesus na dumarating at darating pa.
Ngayong Linggo ay Linggo ng may mga kapansanan at may HIV-AIDS. Sila ay pansinin at tulungan natin. Madalas isinasantabi na lang natin sila at tinatago pa nga. Si Jesus ay dumating din para sa kanila. May dangal din ang kanilang pagkatao at iniligtas din sila ni Jesus. Huwag natin silang husgahan, bagkus sila ay tulungan. Minsan, may lumapit kay Jesus na isang bulag mula pa sa kanyang pagkabata. Ang tanong ng mga tao kay Jesus ay: “Panginoon sino ba ang nagkasala, siya o ang kanyang mga magulang na nasa ganito siyang kalungkot-lungkot na kalagayan?” Ang sabi ni Jesus na hindi ito dahil sa kasalanan niya o ng kanyang mga magulang, ngunit ito ay isang pagkakataon na maipakita sa kanila ang kadakilaan ng kaligtasan. Pinagaling ni Jesus ang bulag at nakilala ng mga tao ang kanyang kadakilaan. Ganoon din, napapakita natin ang pagpapahalaga natin kay Jesus sa mga may kapansanan at ang mga may HIV-AIDS na ating natutulungan. Sa pamamagitan nila, si Jesus ay lumalapit sa atin at humihingi ng tulong sa atin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 8,203 total views

 8,203 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 8,203 total views

 8,203 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 122,024 total views

 122,024 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 144,903 total views

 144,903 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 165,460 total views

 165,460 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily April 12 2026

 7,751 total views

 7,751 total views 2nd Sunday of Easter Cycle A Divine Mercy Sunday Acts 2:42-47 1 Pt 1:3-9 Jn 20:19-31 Ang Muling Pagkabuhay ay nagdadala ng pagbabago.

Read More »

Homily April 5, 2026

 10,038 total views

 10,038 total views Easter Sunday Cycle A Acts 10:34. 37-43 Col 3:1-4 Jn 20:1-9 Happy Easter sa inyong lahat! Ito ang pinakadakilang kapistahan sa buong taon

Read More »

Homily March 29 2026

 11,664 total views

 11,664 total views Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle A Alay Kapwa Sunday Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Mt 26:14-27:60 Ang Linggong ito ay kilala na

Read More »

Homily March 22, 2026

 11,637 total views

 11,637 total views 5th Sunday of Lent Cycle A Ezekiel 37:12-14 Rom 8:8-11 Jn 11:1-45 Naglalaban ang puwersa ng buhay at ang puwersa ng kamatayan. Nararanasan

Read More »
Scroll to Top