Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 402 total views

7th Sunday Ordinary time Cycle A

Lev 19:1-2.17-18 1 Cor 3:16-23 Mt 5:38-48

Si Moises ay ang kilalang mambabatas sa Israel. Ibinigay ng Diyos ang kanyang batas sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises. Alam ng marami sa atin ang Sampung Utos. Pero hindi lang ito ang iniutos ng Diyos. Ngayon narinig natin ang sabi ng Panginoon kay Moises: “Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel.” Pansinin natin: ang utos na ito ay hindi lang para sa iilan o para sa isang grupo o isang tribu kundi para sa buong kapulungan ng Israel. Ito ay para sa lahat. Kaya ang utos na ito ay para din sa atin. Ang utos ay: ‘Magpakabanal kayo!” Ito ay isang utos, hindi ito isang pakiusap. “Magpakabanal kayo!” At ano ang dahilan ng ganitong utos? “Kasi akong Panginoon ninyo ay banal.” Hindi tayo makalalapit sa Diyos na banal kung hindi tayo banal. Hindi optional ang pagiging banal. Ito ay dapat gawin. Kung hindi tayo makalalapit sa Diyos, bigo ang ating buhay. Balewala ang mga pagsisimba at pagdarasal natin. Maging banal tayo!

Paano ba maging banal? Ang kadalasang naiisip natin para maging banal ay maging madasalin, maging mapagsimba, mag-alay sa simbahan. Sa maikling salita, magkaroon ng mahigpit na kaugnayan sa Diyos. Pero hindi yata ito ang paraan. Ang sumunod na mga salita ng Diyos ay: “Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa… huwag kang maghihiganti …. Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.” Oo, kailangan nating magkaroon ng kaugnayan sa Diyos ngunit mahalaga rin o mas mahalaga pa nga, na magkaroon ng maayos na kaugnayan sa ating kapwa. Hindi natin maiibig ang Diyos na hindi natin nakikita kung hindi natin minamahal ang kapwa na nakikita natin. Madalas, ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay napapakita natin sa ating pag-ibig sa kapwa. Kaya sinulat ni Santiago: “Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.”

At ang kapwa na iibigin natin ay hindi lang iyong nagmamahal sa atin. Hindi lang iyong bumabati sa atin. Kasama ng kapwa na iibigin ay ang kaaway, iyong naninira sa atin, iyong umuusig sa atin. Madaling umibig sa mga kaibig-ibig, sa mga mabait at tumutulong sa atin, sa mga kamag-anak o kabarkada natin. Ginagawa naman ito ng lahat, kahit ng masasamang tao. At bakit mamahalin natin ang hindi natin kaano-ano o iyong mga komokontra sa atin? Kasi ganyan ang ating Diyos na itinuring nating Ama. Ang ulan, init, hangin at pagkalinga niya ay para sa lahat. Kapag umulan, ang bukid ng mga nagsisimba at hindi nagsisimba ay nababasa. Ang sariwang hangin ay nagpapaginhawa sa mga nagdarasal at hindi nagdarasal. Dapat nating tularan ang pagkilos ng ating Ama. Wala siyang pinipili sa kanyang pinagbibigyan. Huwag din tayong maging mapili sa mamahalin natin. Iyan ang ibig sabihin ng pagiging ganap tulad ng ating Amang nasa langit.

Paano natin magagawa na ibigin ang kaaway o ang gumagawa ng masama sa atin? Hindi natin ito naiintindihan kasi ang pag-ibig na iniisip natin ay nakabase lamang sa damdamin. Ito iyong pag-ibig na prino-promote ng Valentine’s Day – pag-ibig na galing sa magandang damdamin at sa attraction natin sa isa’t-isa. Siyempre hindi maganda ang damdamin natin sa mga komokontra sa atin. Hindi tayo attracted sa kanila. Nilalayuan pa nga natin sila. Pero ang tunay na pag-ibig ay hindi lang nanggagaling sa damdamin. Ito ay galing din sa kalooban. Ginugusto nating gawin kahit na hindi ayon sa ating damdamin. Hindi lang tayo nagpapadala sa damdamin, ine-educate din natin ang ating damdamin.

Ang pag-ibig sa kaaway ay nangangahulugan na huwag natin silang paghigantihan. Huwag natin ibalik sa kanila ang kanilang ginagawa sa atin. Huwag silang murahin kasi minura nila tayo. Huwag natin suntukin kasi sinusuntok tayo. Kung gagawin natin iyan, away ang kalalabasan niyan. Maging handa tayong i-absorb ang kasamaan laban sa atin. Parang hindi yata ito ang karunungan ng mundo. Ang karunungan ng mundo ay maghiganti at bawian sila. Kaya hindi natatapos ang mga digmaan sa mundo. Bawian lang, ang matitira ay ang may maraming armas, may mas maraming bomba at kakampi. Kaya hindi natatapos ang digmaan sa Ukraine, o ang labanan ng military at ng NPA. Hindi sila nagne-negotiate habang may laban pa. Parang ang negotiation ay tanda ng kahinaan, na sa totoo lang ito ang daan sa tunay na karunungan na magdadala ng kapayapaan.

Ang unang hakbang sa pag-ibig sa kapwa ay huwag maghiganti. Ang pangalawa ay ipagdasal ang kaaway. Sa pagdarasal sa umuusig sa atin binabago natin sila at binabago natin ang ating pagtingin sa kanila. Ang pagdarasal sa iba ay ibig sabihin we wish them well. Gawin natin ito, hingin natin na maging maayos sila kahit na hindi ito bukal sa kalooban natin. Hindi tayo nagiging plastic dito. Nilalabanan lang natin ang masasamang damdamin natin sa iba. Sa patuloy na pagdarasal para sa kanilang kabutihan nagbabago ang ating damdamin sa kanila. Naranasan ko ito. Nagkaroon ako ng galit sa isang kababata ko noon dahil sa nayayabangan ako sa kanya at na-iinggit din. Araw araw ko siyang pinagdarasal. Sa katagalan ng panahon nawala na ang galit ko at naging maganda na ang loob ko at pakikitungo ko sa kanya. Binago ako ng aking panalangin.

Pangatlo, gawan natin sila ng kabutihan. Sinabi sa Bible, kapag nakita mo ang asno ng iyong kaaway na nadapa dahil sa mabigat na dalahin, tulungan mong makatayo ito.

Huwag nating antayin na magbago ang loob natin para mahalin ang kapwa. Huwag nating antayin na mapawi ang hapdi ng dibdib natin bago natin sila batiin. Sa ating pagsisikap na ipagdasal at makatulong sa kanila, nababago tayo at nawawala ang sama ng loob. Ito ang karunungan na galing sa Diyos.

Kaya mga kapatid. Magpakabanal tayo. Malaking bahagi ng pagpapakabanal ay ang ating pagmamahal sa ating kapwa – lahat ng kapwa, kahit na kaaway. Magagawa natin ito kung gugustuhin natin. Huwag tayo maghiganti, suklian natin ng mabuti ang masama na ginawa sa atin, at ipagdasal natin ang kinasasamaan ng loob. Tularan natin ang ating Ama na nagmamahal sa lahat.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 17,748 total views

 17,748 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 68,311 total views

 68,311 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 16,354 total views

 16,354 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 73,492 total views

 73,492 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 53,687 total views

 53,687 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 1,850 total views

 1,850 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 2,913 total views

 2,913 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 4,223 total views

 4,223 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 6,953 total views

 6,953 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 8,138 total views

 8,138 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 9,618 total views

 9,618 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 12,029 total views

 12,029 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 15,314 total views

 15,314 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 17,748 total views

 17,748 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 19,608 total views

 19,608 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 21,918 total views

 21,918 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 28,045 total views

 28,045 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 26,174 total views

 26,174 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 28,457 total views

 28,457 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 31,363 total views

 31,363 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top