Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 271 total views

16th Sunday Year C

Gen 18:1-10 Col 1:24-28 Lk 10:38-42

Ang Diyos ay lumalapit sa atin. Hindi siya mailap. Siya ay nagpapakilala at nakikiisa. Kaya nga ang Diyos ay naging tao upang lumapit siya at makiisa sa atin. Si Jesus ay ang tunay at ganap na tao na katulad natin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan. Ang ibig sabihin nito ay ang kasalanan ay hindi bahagi ng ating pagkatao kaya nga mas nababawasan ang kasalanan, mas tumitingkad ang ating pagiging makatao.

Nababasa natin sa huling aklat ng Bibliya, ang Aklat ng Pahayag, ang sinabi ni Jesus: “Nakatayo ako sa may pinto at kumakatok. Kung may makarinig sa boses ko at magbukas ng pinto, papasok ako at magsasama kaming kakain.” Nagpapaanyaya si Jesus na papasukin siya. Paano ba lumalapit ang Diyos sa atin at paano ba natin siya tatanggapin? Iyan ang sinasabi sa atin sa ating mga pagbasa ngayon.

Dumating ang Diyos kay Abraham sa unang pagbasa sa anyo ng tatlong lalaki. Isang araw, pagtaas ng mata ni Abraham, nakita niyang nakatayo sa harap niya ang tatlong lalaki na dayuhan. Kaagad niyang inimbitahan sila upang maipaghanda sila ng kaunting pagkain. Sa totoo lang, hindi lang siya kumuha sa refrigerator ng soft drink o bumili ng kape at tinapay sa tindahan. Wala namang refrigerator noon. Wala namang biscuit na nakalata, ni wala namang tindahan na matatakbuhan sa disyerto. Nagpakatay siya ng isang baka. Nagpaluto ng tinapay. Pumunta sa kanyang mga tupa at kumuha ng sariwang gatas. Talagang binigay niya ang the best niya sa kanyang panauhin na hindi man niya kakilala. At ang kanyang generosity ay ginantimpalaan. Ang Diyos pala ang naging panauhin niya. Pinangakuan si Sarah na magkakaroon ng anak – at nagkaroon nga ito – ang kaisa-isang anak niya na si Isaak.

Si Jesus ay lumapit din sa bahay ni Marta, at siya ay tinanggap. Busy si Marta sa paghahanda sa kanyang bisita. Hindi lang naman si Jesus iyon. Pati na rin ang kanyang mga alagad. Si Maria na kapatid ni Marta, sa halip sa tumulong sa kanya, ay nandoon sa paanan ni Jesus na nakikinig sa kanyang mga aral. Ang Diyos ay dumadating sa pamamagitan ng kanyang salita. Tanggapin natin siya. Makinig tayo sa kanya. Baka tulad tayo ni Marta na busy sa maraming bagay pero walang panahon na maupo nang tahimik na makinig sa Diyos. Maaaring ang trabaho para sa Diyos ang maging hadlang sa ating pakikinig sa kanya. Busy sa mga gawain na pangsimbahan at wala nang panahon na magdasal o magbasa ng Bibliya.

Dumadating din ang Diyos sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan, tulad ng kahirapan. Ang kahirapan na ating nararanasan ay hindi nangangahulugan na malayo na ang Diyos sa atin. Nandiyan siya. Kaya nga si Jesus ay nandiyan, nakabitin sa Krus. Ay krus ay tanda ng kahirapan. Nandiyan si Jesus sa kahirapan! Tulad ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, magalak tayo na magbata ng anumang kahirapan sa ating buhay sapagkat sa pamamagitan nito naipagpapatuloy natin at nakikiisa tayo sa kahirapan ni Jesus para sa simbahan na kanyang katawan. Tayo ay mapalad na hindi lang tayo nakikibahagi sa tagumpay ni Jesus, kundi pati na rin sa kanyang kahirapan at kamatayan. Nakikiisa din tayo sa pagdadala ng kaligtasan sa mundo kasama ni Jesus. We are privileged to share in the sufferings of Christ for his body the Church. Kaya tanggapin natin nang may kasiyahan ang pakikiisa sa kahirapan ni Jesus. Ito rin ay si Jesus na dumadating sa atin.

Dumadating si Jesus sa pamamagitan ng ilang mga pintuan, at hindi lang iisa: ang pintuan ng mga dayuhan na nakakatagpo natin, ang pintuan ng salita na nagtuturo sa atin at ang pintuan ng kahirapan na nararanasan natin. Papaano natin siya tatanggapin? Tanggapin natin siya ng may kagalakan, ng may kabukasan, ng may generosity. Papasukin natin siya at siya ay makikiisa sa atin. Tanungin natin sa ating sarili ngayon: Sa anong pintuan ba kumakatok ang Diyos sa buhay ko?

Noong nakaraang linggo nagkaroon ng meeting ang mga obispo ng ating bansa at ang mga laikong leaders ng ating mga diosesis para sa National Consultation on Synodality doon sa Tagaytay. Ang ibig sabihin ng synodality ay sabay-sabay na paglalakbay sa daan. Ang simbahan ay sabay-sabay na naglalakbay sa daan ng Panginoon tungo sa kaligtasan. Kasama dito ang mga obispo, mga pari, mga relihiyoso, mga laiko, mga mahihirap, mga katutubo at kahit na ang mga hindi nagsisimba o nasa labas ng simbahan. Ang lahat ay inililigtas ni Kristo, kaya ang lahat ay dapat makiisa at isama sa paglalakbay tungo sa kaligtasan. Magsasama-sama lamang tayo sa paglalakbay kung ang lahat ay pinakikinggan at tinatanggap natin. Palagi dapat nakabukas ang pintuan ng simbahan. Si Jesus ay nagsasalita sa atin sa maraming pamamaraan, kahit na sa mga tao at mga sitwasyon na hindi natin inaasahan.

Ang synodality ay isang hamon sa ating lahat kasi madaling mahulog sa mga kinasanayang mga pamamaraan, ang tinatawag na comfort zone natin. Nagiging sarado na tayo sa ibang pamamaraan ng paglapit ng Diyos sa atin. Hindi sana mangyari na si Jesus ay matagal nang kumakatok ngunit hindi natin siya pinagbubuksan ng pintuan. Maiiwanan tayo ng pagkakataon na maligtas.

Nagkaroon ng malaking baha dahil sa matinding ulan. Ang isang mama ay nagdasal sa Diyos na iligtas siya. Tinawag siya ng kapit-bahay na sumama sa kanya na pumunta sa mas mataas na lugar. Hindi niya ito pinansin. Dumaan ang isang bangka na pinasasakay siya, ayaw niyang sumakay kasi tutulungan naman daw siya ng Diyos. May dumating na helicopter upang kunin siya, ayaw niyang sumampa pero patuloy siyang nagdarasal sa Diyos. Tumaas nang tumaas ang tubig at nalunod siya. Sa kabilang buhay sinisi niya ang Diyos na hindi siya tinulungan. Sabi ng Diyos: Pinatawag na kita sa iyong kapit bahay, nagpadala na ng banca at ng helicopter pa at hindi ka naman tumugon. Ayan nalunod ka tuloy.

Dumadating ang Diyos sa ating buhay pero kadalasan hindi sa paraan na inaasahan natin. Kaya maging bukas tayo sa mga pamamaraan niya. Tanggapin natin ang mga dayuhan, makinig tayo sa kanyang salita, batahin natin ang kahirapan nang may kagalakan. Iyan din ang mga pintuan na ginagamit ng Diyos upang tayo ay mapalapit sa kanya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,543 total views

 6,543 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,024 total views

 14,024 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,164 total views

 27,164 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,137 total views

 33,137 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,891 total views

 38,891 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 808 total views

 808 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 3,121 total views

 3,121 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 9,248 total views

 9,248 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,377 total views

 7,377 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,660 total views

 9,660 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,566 total views

 12,566 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,505 total views

 13,505 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,499 total views

 13,499 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 17,217 total views

 17,217 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 19,063 total views

 19,063 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 19,060 total views

 19,060 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,569 total views

 23,569 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,885 total views

 28,885 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 31,043 total views

 31,043 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 33,199 total views

 33,199 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top