577 total views

Dakilang Kapistahan ni Maria na Ina ng Diyos

Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2: 16-21

Kilala ang January 1 na New Year’s Day. Ito ang unang araw ng bagong taon. Sa ating misa ipinapasalamat natin ang taong nakaraan at pinapaubaya natin sa Diyos ang bagong taon. Para sa simbahan naman ang January 1 ay ang huling araw ng Christmas Octave, ang walong araw ng pagdiriwang ng Pasko. Napakadakilang kapistahan ang Pasko na hindi sapat na ipagdiwang ito ng isang araw lamang. Ipinagdiriwang natin ito ng walong araw. Bilang ika-walong araw pagkapanganak kay Jesus, ito rin ang araw ng pagtutuli sa kanya ayon sa kaugalian ng mga Hudyo – at alalahanin natin na si Jesus ay isang Hudyo. Sa pagtutuli ng bata, doon siya binibigyan ng kanyang pangalan. Kaya ang sanggol na isinilang noong December 25 ay binigyan ng pangalan ni Jose na Jesus ayon sa sinabi ng anghel sa kanya.

Ngayong araw din ay ang ika-56 na taon ng pagdiriwang ng World Day of Prayer for Peace. Kapayapaan ang hangarin nating lahat, lalo na ngayon na may digmaan sa Europa sa Ukraine at sa iba pang bansa, lalo na sa Africa. Sinabi na Papa Francisco na parang nasa mga World War III na tayo na ang mga digmaan ay nasa maraming bahagi ng mundo. Ipagdasal natin sa Diyos na pagkalooban ang mundo ng kapayapaan. Ang kapayapaan ay isang regalo ng Diyos. Kaya hindi tayo magsawang manalangin sa Diyos na pagkalooban tayo nito. Palambutin nawa ang mga puso ng mga leaders at pairalin sa puso ng bawat tao ang hangarin ng kapayapaan. Sana matuto tayo na kung anuman ang ipinaglalaban natin, kahit gaano man kabuti, hindi natin ito makukuha sa pamamagitan na paraang madahas na nakakasakit sa iba at nagdadala pa ng kamatayan. Nagkakaroon ng kapayapaan at katarungan sa pamamagitan lamang ng mapayapang pamamaraan.

Nagpapasalamat tayo sa Diyos na nakatungtung na tayo ngayon sa taong 2023. Hindi naging madali ang 2022. Hindi pa natatapos ang Covid 19 epidemic. Nagkaroon tayo ng election noong buwan ng Mayo. Pagkalipas ng pitong buwan pagkatapos ng halalan, kontento ba tayo sa mga taong inihalal? Tinutupad ba nila ang kanilang pangako noong election, o nabudol na na naman ang bayang Pilipino? Sinalakay ng Russia ang Ukraine noong February 24, 2022 at tumatagal ang digmaan hanggang ngayon. Apektado tayo sa digmaang ito kasi tumaas ang presyo ng langis at ng mga bilihin. Hindi naging madali ang taong 2022 pero dumaan din ang taong iyon.

Ngayong nasa 2023 na tayo, ano kaya ang dadalhin ng bagong ito? Mahirap mahulaan. Pero tayong mga Kristiyano ay naniniwala na ang kasaysayan ay nasa kamay ng Diyos. Siya ang Panginoong ng Kasaysayan. Hindi lang siya nanunuod sa mga ginagawa natin. Ang Diyos ay nakikilakbay sa atin. Involved din siya sa ating kasaysayan. Pumasok siya at naging bahagi siya ng kasaysayan noong siya ay isinilang bilang isang tao.

Patuloy niyang ginagabayan ang ating kasaysayan tungo sa kaligtasan. Kaya umasa tayo sa kanya at tulad ni Maria itanim natin sa ating isip ang anumang mangyari at pagbulay-bulayan ang mga ito. Sikapin nating unawain ang kagustuhan at layunin ng Diyos sa mga pangyayari. Tanggapin natin ang bendisyon na sinabi ng Panginoon kay Moises na ibigay sa mga tao: “Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon; nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan; lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.” Kahit anuman ang mangyari basta nandiyan ang Diyos na umiingat sa atin, makakayanan natin ang lahat! Kaya sa simula ng taon mahigpit nating hawakan ang kamay ng Diyos sa tulong ng ating Mahal na Ina.

Sa unang araw ng taon piniprisenta sa atin si Maria sa pinakamahalagang title niya – na siya ang Ina ng Diyos. Oo, si Maria ay isang ina. Pero hindi lang siya isang pangkaraniwang ina dahil si Jesus na anak niya ay hindi lang pangkaraniwan. Si Jesus ay hindi lang tao, siya ay Diyos na naging tao. Kaya masasabi natin na si Maria ay Ina ng Diyos kasi ang anak niya ay Diyos. Naging tao ang Diyos upang ibahagi niya sa atin ang kanyang pagka-Diyos. Ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu upang makatawag tayo sa Diyos ng “Ama! Ama ko!” Kaya naging anak tayo ng Diyos dahil sa Espiritung Banal. Anak na tayo ng Diyos kaya kapatid na natin si Jesus. Dahil dito ang nanay ng Anak ng Diyos ay naging nanay na rin natin. Si Maria ay ina ng Diyos at ina din natin.

Kailangan natin ng nanay sa simula ng ating buhay. Tanggapin din natin si Maria na ina natin sa simula ng bagong taon. Ang presensiya ng nanay ay nagpapatatag sa atin. Tulad ng kinalinga ni Maria ang kanyang anak na si Jesus, kakalingain din niya tayo na mga kapatid ng anak niya. Sikapin lang natin na maging tunay na kapatid ni Jesus.

Sinimulan natin ang ating pagdiriwang ng ika-400 na taon ng ating pagkakristiyano sa Palawan noong August 2022 at tatapusin natin ito sa August ng 2023. Ang pananampalatayang Kristiyano ay pananampalataya kay Kristo na ating Panginoon at ating kapatid. Si Jesus ay ating Panginoon sapagkat siya ay Diyos. Siya ay ating kapatid sapagkat siya ay kapwa tao natin. Hingin natin ang tulong ni Mama Mary na lumago tayo bilang tunay na mga kapatid ni Jesus.

Sa tulong ng Mahal na Ina pagsikapan nating palalimin at palawakin ang ating pananalig sa Diyos. Ngayong taon, maging aktibo tayo at generous sa pagbibigay ng panahon para manalangin, sa pagbibigay ng serbisyo sa simbahan, at sa pagbabahagi ng ating yaman upang suportahan ang mga gawain ng pagpapalawak ng pananampalataya. Magbalik handog tayo ng panahon, ng serbisyo at ng kayamanan. Sa simula ng taong 2023 na ito patatagin natin ang ating desisyon na maging generous tayo. Ang ating generosity ay tanda ng ating pananalig at pag-ibig sa Diyos. Hindi natin matatalo ang Diyos sa pagkamapagbigay.

Let us start this year not with doubt nor with fear but with confidence. Lumalakbay ang Diyos kasama natin kaya maging generous tayo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 46,128 total views

 46,128 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 51,546 total views

 51,546 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 58,253 total views

 58,253 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 73,046 total views

 73,046 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 79,202 total views

 79,202 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 3,520 total views

 3,520 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 8,838 total views

 8,838 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 10,996 total views

 10,996 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 13,154 total views

 13,154 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 13,504 total views

 13,504 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 26,974 total views

 26,974 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 27,403 total views

 27,403 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 31,447 total views

 31,447 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 34,203 total views

 34,203 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 34,203 total views

 34,203 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 34,185 total views

 34,185 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,686 total views

 37,686 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 34,184 total views

 34,184 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 34,179 total views

 34,179 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 34,179 total views

 34,179 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top