VeritasPH

The Word, The Truth

 288 total views

17th Sunday Year C

Gen 18:20-32 Col 2:12-14 Lk 11: 1-13

Tayong lahat na nandito na nagsisimba, lahat naman tayo ay gustong magdasal. Kaya nga tayo nandito. Hindi lang na gusto nating magdasal. Nagsisikap tayong manalangin. Sa ating pagsisikap nararanasan natin na hindi madaling magdasal. Madalas nararamdaman natin na hindi mabisa ang ating dasal. Tinatamad din tayong magdasal. Minsan hindi natin alam ano ang dadasalin. Kaya ang kahilingan ng mga alagad kay Jesus ay siya ring kahilingan natin: “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin.” Hiniling nila ito kasi nakikita nila si Jesus na madalas na nagdarasal, at maaaring naaakit sila sa pagdarasal ng Panginoon – taimtim siya, at nakikita sa kanyang mukha na talagang naniniwala siya at talagang nakikipag-usap sa Diyos. Hiniling nila ito kasi si Juan Bautista mismo ay tinuruan ang kanyang mga alagad na magdasal.

Hindi naman sila binigo ni Jesus. Tinuro ni Jesus kung ano ang dadasalin natin. Ibinigay niya ang dasal na tinatawag nating AMA NAMIN. Mayroong maraming dasal at ang mga ito ay pinapalaganap pa sa internet. May nababasa tayo o may nagsasabi sa atin na ang ganitong dasal daw ay mabisa. Latin yata ito. O kaya ito ay dasal galing sa isang santo o dasal ng isang Santo Papa. Wala nang mas magaling pang dasal kaysa ang galing kay Panginoong Jesus mismo – ang AMA NAMIN. Ituro natin ito sa mga anak natin at dasalin natin ito ng taimtim. Naalaala ko na noong bata pa ako, may mga gabi na hindi ako makatulog o natatakot akong matulog. Nagtatalukbong lang ako ng kumot at dahan-dahan na nagdarasal ng AMA NAMIN. Ito ang nagpapahinahon sa anumang takot o kaba ko at nakakatulog agad ako.

Pero ang bisa ng dasal na AMA NAMIN ay hind lang sa formula na nito. Maganda din ang nilalaman nito. Ang lahat ng dasal natin ay dapat patterned sa OUR FATHER. Una, hangarin natin na mangyari ang kagustuhan ng Diyos at dumating ang kanyang paghahari. Unahin natin ang concern ng Diyos. Pangalawa, humingi tayo ng ating pangangailangan araw-araw, hindi buwan-buwan o taon-taon. Humingi din tayo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at tayo ay makakahingi na patawarin tayo kasi tayo ay nagpapatawad din. Hingin natin na hindi tayo mahulog sa kasalanan. Simple lang ang nilalaman ng dasal na ito pero ang mga ito ay mahahalaga sa buhay natin.

Hindi lang tayo tinuruan ni Jesus kung ano ang dadasalin. Tinuruan din tayo ng attitude sa ating pagdarasal. Huwag dapat tayo magsawa sa pagdarasal. Huwag tayong tumigil magdasal kahit na parang tinanggihan tayo. Kulitin natin ang Diyos tulad nang pangungulit ng isang tao sa kanyang kapitbahay sa paghingi ng tinapay. Ang ating pangungulit sa Diyos ay tanda ng tiwala natin na ang Diyos ay ating mapagmahal na Ama. Magbibigay siya ng mabubuting bagay sa atin. Kung tayo na masasama at minsan ay matigas ang puso ay nagbibigay sa ating mga anak ng mga pangangailangan nila, ang Diyos pa kaya na butihing Ama sa langit? Hindi lang siya magbibigay ng mabubuting bagay. Ibibigay pa niya ang Espiritu Santo na siyang pinakamabuting maibibigay niya. Hindi madamot ang Diyos. Hindi siya mapagkait. Naniniwala tayo na siya ay mapagbigay.

Ito ay naranasan ni Abraham. Sa ating unang pagbasa narinig natin ang kakulitan ni Abraham. Nakipagtawaran siya sa Diyos, at ang laki ng tawad na nakuha niya – mula sa singkwenta hanggang sa sampu. Ang unang tawad niya ay kung may singkwenta bang mabubuting tao sa Sodoma, sisirain pa ba ng Diyos ang lunsod? Alang-alang sa limampu, hindi sisirain ang Sodoma, sabi ng Diyos. Ano kung kulang nang lima, kuwarenta’y singko lang? Hindi niya ito sisirain. Ano kung apatnapu lang – at patuloy siya sa pagtatawad hanggang makarating sa sampu. Palaging pinagbibigyan ng Diyos ang kahilingan niya. Ang pagkakamali lang ni Abraham ay tumigil siya sa sampu. Siya na ang nagsawa sa katatawad. Siguro akala niya at least mayroon namang sampung mabubuting tao sa Sodoma. Mali siya. Apat lang ang mabubuting tao doon – si Lot, ang asawa niya at ang dalawang anak nila. Hindi nga naligtas ang lunsod, pinaulanan ito nang apoy, pero hindi isinama ang mababait sa pagkasira nito. Pinalikas muna sila bago bumagsak ang apoy.

Hindi hahayaan ng Diyos na idadamay ang mabubuti sa pagpaparusa sa masasama. Hindi siya tulad ng isang teacher na ang buong klase ay pinalabas ng classroom at pinagtrabaho kasi maingay ang klase. Idinamay na dito ang ilang estudyante na tahimik naman. Kung tumawad pa si Abraham hanggang sa isa, papayag ang Diyos. Kasi ganito nga ang nangyari sa atin. Dahil sa iisang mabait na tao – si Jesus, ang buong sangkatauhan ay nagkakaroon ng kaligtasan. Dahil kay Jesus ang kasalanan ng buong mundo ay pinatawad at ang parusa sa atin ay binayaran na niya. Mapagbigay ang Diyos. Huwag tayong mag-alangan na kulitin siya. Siya ay mapagbigay ng kabutihan, magtiyaga tayong humingi sa kanya. Seryosohin natin ang kanyang salita: “Humingi kayo at kayo ay bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo at ang pinto’y bubuksan para sa inyo.”

Ngayong Linggo ay ang araw para sa mga matatanda at mga lolo at lola. Itinakda ni Papa Francisco na taon-taon ang Araw ng Linggo na pinakamalapit sa July 26, ang kapistahan ni San Joaquin at Santa Ana, ang mga lolo at lola si Jesus, ay World Day of the Elderly and the Grandparents. Ilan ba sa atin dito sa simbahan ang mga lolo at lola? Pakitayo nga. Manatiling nakatayo. Ilan ba sa atin dito ang senior citizens na? Pakitayo nga. Palakpakan natin ang mga nakatayo. Magsiupo na. Araw po ninyo ngayon at ipagdarasal namin kayo.

Sa ating panahon ngayon dumadami ang mga matatanda dahil sa humahaba ang buhay ng tao. Dala ito ng mga gamot at ng mga kaalaman natin sa medisina. Ngunit ang mas pinapansin at pinahahalagahan ng ating mundo ay ang mga kabataan – kabataang singer, kabataang artista, kabataang athlete. Sila kasi ang kumikita, sila ang napapakinabangan ng lipunan sa mga material na bagay. Ang tingin natin sa matatanda ay laos na, wala nang maiaambag sa lipunan, pabigat na lang sa pamilya. Gastos na lang ang matatanda. Kaya marami ang tumatanda na malungkot. Iniiwan na sila ng mga anak na pinalaki nila. Sinasabi ni Papa Francisco na mahalaga ang mga matatanda sa lipunan. Sila ang alaala natin. Dala nila ang ating kasaysayan. May tangi silang karunungan na galing sa mga karanasan sa buhay. Hindi ito makukuha sa anumang aklat o anumang research. Mayroon silang tenderness na dala ng kanilang kahinaan. May panahon sila na mag-alaga at magkuwento. Sila din ang tagapagdasal natin kaya sila madalas ang laman ng mga simbahan natin.

Sila ang ating prayer warriors. Pansinin, pakinggan at alagaan natin ang ating mga matatanda, ang ating mga lolo at lola. Ipagdasal natin sila sa ating misa ngayon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,062 total views

 6,062 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,598 total views

 13,598 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,584 total views

 29,584 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,629 total views

 37,629 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,709 total views

 42,709 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,267 total views

 1,267 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,396 total views

 7,396 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,525 total views

 5,525 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,808 total views

 7,808 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 10,714 total views

 10,714 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,653 total views

 11,653 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,647 total views

 11,647 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,365 total views

 15,365 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,211 total views

 17,211 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,208 total views

 17,208 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,717 total views

 21,717 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,033 total views

 27,033 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,191 total views

 29,191 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,349 total views

 31,349 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,697 total views

 31,697 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top