Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 233 total views

18th Sunday Week 18 Year C

Ecl 1:2; 2:21 23 Col 3:1-5.9-11 Lk 12:13-21

Dalawang kataga ang nilalaman ng mensahe sa atin ng Diyos sa Linggong ito: Unang kataga: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.” At ang pangalawang kataga: “Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Si Jesus ay isang taong mapagbigay. Pinagbibigyan niya ang mga may kahilingan sa kanya. Sinabi ng tatay na ang kanyang anak ay malapit nang mamatay; sumama si Jesus sa kanya. Noong sumigaw si Bartimeus na siya ay kaawaan, tumigil si Jesus at binigay sa kanya ang kanyang paningin. Noong dinala ng apat na lalaki ang paralitiko, pinatawad niya ang kasalanan nito at pinatayo siya. Maraming pang mga milagro si Jesus na ginawa para makatulong sa mga tao. Pero noong hiniling ng isang lalaki na pagsabihan lang ang kanyang kapatid na ibigay sa kanya ang bahagi ng kanyang mana, hindi siya pinagbigyan ni Jesus, at parang pinaringgan pa na hindi naman siya ang tagapaghati ng mana nila. At ang warning niya ay mag-ingat sa lahat ng uri ng kasakiman. Hindi pinagbigyan ni Jesus ang kahilingang ito kasi nakita niya na ang ugat ng ganitong problema ng magkapatid sa pinag-aawayang mamanahin ay ang kasakiman. Napakalalim ng ugat ng kasakiman na pati ang pagsasamahan ng magkakapatid ay sinisira nito. Sinisira din ng kasakiman ang samahan ng mag-asawa, ng magbest friends at pati na ng mga tao sa simbahan, kasama na ng mga pari.

At bakit nagiging sakim ang mga tao? Dahil sa paniwalang ang kayamanan ang magbibigay sa kanila ng security at ng kasiyahan, na magiging maayos ang buhay nila kung may malaking kayamanan sila. Kaya nagbigay si Jesus ng talinhaga tungkol sa isang taong yumaman dahil sa may sagana siyang ani. Noong panahon, ang kayamanan ay hindi sinusukat sa pera kasi wala naman silang mga bangko. Wala naman silang mga stocks. Hindi nga tinitingnan ang laki ng lupain. Ang kayamanan ay sinusukat sa dami ng kanilang mga hayop o sa laki ng kanilang kamalig. Kaya noong dumami ang kanyang ani, ang naisip ng mayaman ay palakihin ang kanyang kamalig. Kapag may malaking kamalig sa siya, magiging ok na ang buhay at kinabukasan niya. Hindi man niya naiisip na magbahagi sa mahihirap o mag-alay sa Diyos. Pansarili ang iniisip niya. Mayaman siya para sa sarili. Pero mamamatay siya sa gabing iyon. Ano ang pakinabang niya sa kanyang kayamanan? Dahil sa dukha siya sa mata ng Diyos kasi wala siyang ibinahagi sa iba, sayang ang lahat.

Iyan ang sinabi ng Mangangaral sa ating unang pagbasa: Walang kabuluhan, parang bula lang ang ari-arian ng tao. Everything is vanity. Everything is like the wind, parang humahabol ng hangin na walang mapanghahawakan. Iyan ang kayamanan sa mundong ito. Hindi naman tayo mapapasaya ng kayamanan ng mundong ito.

Nakikita natin iyan ngayon sa digmaan sa Ukraine. Sa isang idlap lang nawala na ang mga yate, ang mga eroplano, ang mga businesses ng mga Russian at Ukrainian oligarchs. Nakumpiska ng sanctions ang kanilang kayamanan. Ganyan ang nangyari sa mga Marcoses at kanilang mga cronies noong Edsa revolution. Ang mga baul- baul na mga pera, mga jewelries at mga titulo nila ay biglang nawala. Ganyan din ang biglang yaman ng mga cronies ni Duterte. Ngayon hindi na nila kayang patakbuhin ang mga business ventures nila, business ventures na napasakanila kasi malapit sila kay Duterte. Ganyan din ang mangyayari sa mga kayamanan ng mga taipans at mayayaman ngayon. Hindi nila ito madadala sa hukay.

Si Alexander the Great ay talagang Great. Talagang Dakila siya. Hindi lang sa siya ay magaling na military leader na sa murang edad, at the age of 23, at sa mabilis na paraan, sa loob lamang ng sampung taon, na-conquer niya ang kilalang mundo noon. Ang Greek Empire ay isa sa pinakamalawak na empero sa buong mundo – mula sa Greece, hanggang sa Egypt, hanggang sa Persia at umabot pa sa kasalukuyang Afghanistan. Si Alexander ay dakila rin dahil malalim din ang kanyang kaalaman sa buhay. Namatay siya noong siya ay 33 years old, namatay na walang asawa at walang anak. Ang kanyang empire ay pinaghatian ng apat niyang generals. Noong mamamatay na siya, ang kanyang instruction sa mga generals niya ay ganito siya ililibing : Sa dadaan ng kanyang kabaong ay isasabog ang mga pera, mga ginto at mga mamahaling bato na kanyang nasamsam. Sa paglibing sa kanya ang kanyang kamay ay nakalaylay sa labas ng kabaong. At noong siya ay tinanong ng dahilan, sabi niya, upang ipaalam sa lahat na sa panahon ng kamatayan ang mga mahahalagang bato at pera ay aapakan lang. Wala iyan pakinabang sa iyo. Na sa bandang huli dadalhin tayo sa hukay na walang laman ang ating mga kamay. We will all be empty-handed.

Kaya ang mahalaga ay hindi na tayo ay mayaman sa mundo. Ang mahalaga ay tayo ay mayaman sa mata ng Diyos. At magiging mayaman tayo sa harap ng Diyos dahil sa mga ibinibigay natin sa mga nangangailangan. Anumang ibinigay natin sa iba ay sa totoo lang hindi nawala sa atin. Dineposito lang natin ito sa langit. Atin pa rin iyon, pero may halaga na na makalangit.

Sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, yamang binuhay na tayo muli kasama ni Kristo, pagsikapan natin ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan niya. Kaya isaisip natin ang mga bagay na panlangit, at hindi ang mga bagay na panlupa sapagkat namatay na tayo sa mga concerns ng mundong ito. Ang buhay natin ay natatago na sa Diyos kasama ni Kristo. Doon tayo mag-impok ng kayamanan. Kaya nga itanim natin sa ating puso na ang panahon sa mundong ito ay maiksi lamang upang tayo ay dumunong. Hindi tayo tatagal dito. Iiwanan natin ang lahat dito sa mundo. Ang madadala lang natin ay ang inilagay na natin sa langit, ang mga ibinahagi natin. Iyan lang ang mapapakinabangan natin. Dito sa ating bikaryato may tawag tayo dito – ang balik-handog natin, ang panahon, talento at yaman na ibinibigay natin sa Diyos bilang pagkilala na tayo ay kanya at tayo ay mga abang katiwala lamang.

Alalahanin palagi natin ito: ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan natin sa mundong ito. Kaya iwasan natin na tayo ay maging mayaman para sa sarili lamang at dukha naman sa paningin ng Diyos. Sa langit natin ilagay ang ating kayamanan. Mamuhunan tayo para sa buhay na walang hanggan.

Simulan na natin mamuhunan para sa kaharian ng Diyos. Ngayong Linggo ay Fil-Mission Sunday. Inaalaala natin ang mga misyonerong Pilipino natin. After 500 years of Christianity tayo ay nagbabahagi na ng Magandang Balita sa iba. Suportahan natin ang mga Filipino Missionaries natin. Ipagdasal natin sila at magbigay tayo sa second collection para sa kanila. Kung dito sa Bikaryato ay hirap tayo sa mga material needs of simbahan, lalu na sa mga bansang hindi Katoliko. Mas hirap ang simbahan doon. Kaya makiisa tayo sa gawain ng mga misyonero natin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,434 total views

 6,434 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,574 total views

 19,574 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,547 total views

 25,547 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,302 total views

 31,302 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,564 total views

 38,564 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 461 total views

 461 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,775 total views

 2,775 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,902 total views

 8,902 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,031 total views

 7,031 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,314 total views

 9,314 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,220 total views

 12,220 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,159 total views

 13,159 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,153 total views

 13,153 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,871 total views

 16,871 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,717 total views

 18,717 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,714 total views

 18,714 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,223 total views

 23,223 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,539 total views

 28,539 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,697 total views

 30,697 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,854 total views

 32,854 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top