Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 306 total views

Homiliya Para sa Ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 31 ng Hulyo 2022, Lk 12:13-21

May mga Bible versions na naglalagay ng pamagat sa mga kuwento, pangaral, at mga talinghaga sa mga ebanghelyo. Katulad ng binasa natin ngayon. Ang nakalagay na title ay “ANG MAYAMANG HANGAL.” Sa ingles, “The Rich Fool.”

May problema daw itong mayamang magsasaka. Punong-puno na daw ang kamalig niya ng mga sako-sakong trigo, sobrang dami pa ng inani niyang bago. Sabi niya, “Ano kaya ang gagawin ko? Wala na akong mapaglagyan ng ani ko. Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas malaki, at doon ko ilalagay ang ani at mga ari-arian ko. At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon, magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at magpapakaligaya!’” Monologue ang tawag sa ganitong usap. Wala siyang kausap kundi sarili. Mukhang lahat ng meron siya para sa sarili lang niya talaga. Kino-congratulate niya ang sarili niya dahil successful siya sa business niya.

Ngunit ganito daw ang sinabi sa kanya ng Dios,”Hangal! Kung ngayong gabi mismo ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo, kanino mapupunta ang lahat ng inipon mo PARA SA IYONG SARILI??” At sa dulo ibibigay ng manunulat ang moral ng kuwento: “Ganyan ang mangyayari sa taong NAGPAPAYAMAN SARILI NGUNIT NANANATILING DUKHA SA PANINGIN NG DIYOS.”

Parang ganitong-ganito rin ang sinasabi ng isang linya sa Book of Revelations. Sa sulat sa mga taga-Laodicea, ang sabi niya: “Sinasabi ninyo na mayaman kayo, sagana sa lahat ng bagay at wala nang pangangailangan. Ngunit hindi nʼyo alam na kaawa-awa kayo dahil DUKHA KAYO SA PANANAMPALATAYA, BULAG SA KATOTOHANAN, AT HUBAD SA PANINGIN NG DIYOS.”

Sa mga tinatawag na “Wisdom Literature” sa Bibliya, katulad ng Ecclesiastes, ang ating unang pagbasa, isa sa mga paboritong tema ay ang pagkukumpara sa mga Marunong at Hangal. Parang ganito rin ang tono ng Revelations 3, 17. Sabi pa ng awtor, “Kaya pinapayuhan ko kayong bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo. Bumili rin kayo sa akin ng puting damit upang matakpan ang nakakahiya ninyong kahubaran, at pati na rin ng gamot sa mata upang makita ninyo ang katotohanan.”

Ibig sabihin, ang mga taong walang ibang itinuturing na kayamanan dito sa mundo kundi ang mga materyal na bagay, ay mga hangal o mangmang. Ganito rin ang pahayag na narinig natin sa ating first reading mula sa simula ng book of Ecclesiastes: “WALANG KABULUHAN! WALANG KABULUHAN ANG LAHAT.”(Ecc 1:2)

Sobra naman yata ito! Nasabi ko minsan sa sarili ko nang first time kong marinig ang linyang ito. Parang napaka-cynical at negatibo. Paano ba nasama sa Bibliya o mga Banal na Kasulatan ito? Lahat daw ng bagay ay walang kabuluhan. Edi wala ding kabuluhan ang mabuhay? Later ko na nalaman na hindi naman ganito ang ibig niyang sabihin. Nagpapaalala lang ang awtor na lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas. At kapag kumapit ka sa kahit na ano dito sa mundo na para bang iyun na ang lahat sa iyo, pag nawala iyon, edi wala na ring kabuluhan ang buhay mo? Kasi nga, tinuring mong lahat.

Ang solusyon ng mayaman sa ebanghelyo natin ay “Kumain, uminom at magpapakaligaya!” Ewan ko lang ma-eenjoy niyang mag-isa ang kayamanan niya. Itong linyang ito ay galing din kay Propeta Isaias 22:14. Pero kalahati lang ng linya ang binanggit ng hangal na mayaman. Ang dapat na kasunod nito ay; “DAHIL BUKAS AY MAMAMATAY KA.” Kaya tinawag siyang hangal ay dahil nakalimutan niyang ilagay sa lugar ang kanyang pagpapakaligaya—na may katapusan, may kamatayan, wala kang dadalhin sa hukay o sa kabilang buhay.

Oo magpakaligaya dito sa mundo pero sa paraang hindi nakalilimot na ang lahat ng meron tayo ay lilipas, pati sariling buhay natin. Kaya nga tayo tinuturuang hangarin ang hindi lumilipas, ang kaharian ng Diyos. Na sana ito ang maging gabay natin sa paggamit sa mga bagay na lumilipas. Kahangalan nga naman na ituring na parang Diyos-diyosan ang mga materyal na kayamanan o mga ari-arian. Sinabi ito ni San Pablo sa second reading: na ang kasakiman ay “katumbas na rin ng pagsamba sa mga dios-diosan.”

May kanta si Aiza Seguerra na magandang paalala: “Kung ang lahat ay may katapusan

Itong paglalakbay ay makakarating

Din sa paroroonan

At sa iyong paglisan

Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig.”

Ito lang daw ang pwedeng ipabaon sa lumilisan. Kaya siguro kahit si San Pablo nasabi niya, “Pagibig lamang ang mananatili magpakailanman.”

Ito ang turo ng ating pananampalatayang Kristiyano. Mas magaan ang ating pagtakbo dito sa mundo kung wala tayong gaanong bitbit o mga pabigat. Sabi nga ng isa pang kanta,

“Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay, na di nagtatantiya ng halaga. At hindi naghihintay ng kapalit; pagbibigay walang pasubali. Naibigay ko nang lahat, magaan akong tumatakbo, Dukha man ako sa lahat, dukha man ako sa lahat. Ang tangi kong yaman ay mabuhay sa pag-ibig.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,029 total views

 11,029 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,002 total views

 17,002 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,757 total views

 22,757 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,020 total views

 30,020 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,004 total views

 38,004 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 725 total views

 725 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 727 total views

 727 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,481 total views

 3,481 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,896 total views

 7,896 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,222 total views

 3,222 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,745 total views

 3,745 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,244 total views

 5,244 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,088 total views

 6,088 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,343 total views

 4,343 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,556 total views

 8,556 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,789 total views

 7,789 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,999 total views

 11,999 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,447 total views

 5,447 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,451 total views

 5,451 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,451 total views

 5,451 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top