Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,261 total reads

5th Sunday of Lent Cycle A
Ezekiel 37:12-14 Rom 8:8-11 Jn 11:1-45

Naglalaban ang puwersa ng buhay at ang puwersa ng kamatayan. Nararanasan natin ito sa ating buhay. Noong panahon ng pandemya, iwas nang iwas tayo sa anumang magdadala ng sakit. Marami sa nagkakasakit ay inaagaw natin sa kamatayan at ginagamot natin. Sa pang araw-araw na buhay nagsisikap tayo na maging malusog at malinis para hindi magkasakit at humaba pa ang buhay natin. Nilalayuan natin ang bisyo sapagkat nagdadala ito ng sakit at ng gulo na maaaring mauwi sa kamatayan. Ang kamatayan ay dala ng kasalanan. Nilalayuan natin at pinagsisisihan ang kasalanan upang mapalayo tayo sa kamatayan.

Ito ang magandang balita, na ganoon tayo kamahal ng Diyos na pinadala ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak upang hindi tayo mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. At iyan nga ang ginawa ni Jesus. Pinapalaya niya tayo sa kuko ng kasamaan, sa kuko ng karamdaman, at sa kuko ng kamatayan. Kaya nagpapagaling siya ng maysakit, nagpapalayas siya ng demonyo, nagpapatawad ng kasalanan at binubuhay ang patay. Si Jesus mismo ay napailalim sa kahirapan at kamatayan pero hindi siya natalo ng mga ito. Nabuhay siyang muli! Ibinigay niya ang kanyang Espiritu Santo upang hindi tayo matangay ng kamatayan. Sinulat ni San Pablo: “Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.” Ang kapangyarihan ni Jesus sa kamatayan ay pinakita niya sa atin sa kanyang pagbuhay kay Lazaro.
Ang tagumpay sa kamatayan ay tagumpay sa kawalang pag-asa. Nawalan na ng pag-asa ang magkapatid na Marta at Maria ngayong patay na ang kanilang kapatid na si Lazaro. Ang kanilang pagbati – at pagsumbat – kay Jesus noong makita nila siya ay: “Panginoon, kung kayo ay narito, hindi sana mamamatay ang aking kapatid.” Parang pinaparamdam kay Jesus na ngayong patay na siya, wala na tayong magagawa. Iyan din ang sumbat ng mga tao na kasama ni Maria. “Nakapagpadilat ng bulag ang taong ito. Bakit hindi niya nahadlangan ang pagkamatay ni Lazaro.” Wala na siyang magagawa, patay na si Lazaro. Kaya kapag patay na, wala ng pag-asa. Tapos na ang kuwento.

Iyan din ang naging sitwasyon ng mga Israelita noong panahon ni Ezekiel. Bagsak na ang templo nila sa Jerusalem. Nawasak na ang kanilang lunsod. Sila ay mga bihag na sa Babilonia. Wala nang pag-asa na makabalik pa sila muli sa kanilang lupain. Ang turing nila sa kanilang sarili ay mga kalansay na. Patay na, nabulok na sila sa kanilang libingan. Pero pinasabi ng Diyos kay Ezekiel: “Magpahayag ka. Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay.”

Ganoon nga ang nangyari. Pagkaraan ng pitumpung taon, nakabalik ang mga Israelita sa Judea at pagkaraan pa ng ilang taon, naitayo muli nila ang kanilang lunsod at templo sa Jerusalem. Ganoon din ang ginawa ni Jesus kay Lazaro. Kahit na apat na araw na siya sa loob ng libingan at maaaring nangangamoy na sa pagkabulok, pinabuksan ni Jesus ang kanyang libingan at tinawag siya: “Lazaro, lumabas ka!” At lumabas nga siya. Buhay uli si Lazaro! Sa labanan ng buhay at kamatayan, nagwawagi ang buhay!

Pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang bigyan tayo ng buhay. Hindi niya tinanggal ang kamatayan. Niligtas na tayo ni Jesus at namamatay pa rin tayo, pero may bagong buhay sa kabila ng kamatayan. Ang huling salita ay ang buhay at hindi ang kamatayan.

Manalig tayo sa buhay. Kumampi tayo sa buhay. Manalig tayo sa sinabi ni Jesus: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nanalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.”

Sa ating panahon ngayon, patuloy pa rin ang labanan ng buhay at ng kamatayan. Ang nakakalungkot ay maraming tao ay nasa panig ng kamatayan. Sumusunod sila sa kultura ng kamatayan. Naniniwala sila na ang kamatayan ay ang solusyon sa mga problema natin. Iyan ang paniniwala ng mga tao na para sa kanila, digmaan at ang mga armas ang solusyon. Kaya mayroong digmaan sa Ukraine, kaya mayroong digmaan sa Myanmar, kaya mayroong digmaan sa Central African Republic, at ngayon nagkakaroon ng digmaan sa Middle East. At naaapektuhan tayo nito. Kaya nagpaparami ng armas ang China. Nagtatangka silang kunin ang Taiwan at ang West Philippine Sea sa pamamagitan ng dahas, sa pamamagitan ng armas. Tayo naman, bumibili na rin tayo ng armas at mga missiles. Ayyy, kailan kaya tayo matatauhan na hindi armas at labanan ang solusyon?

Pero huwag na tayong tumingin lang sa ibang bansa sa paglaganap ng kultura ng kamatayan. Dito rin sa atin ay may mga tao na ang solusyon nila sa problema ay kamatayan: nandiyan iyong naniniwala na mawawala na ang problema kung sila ay magbigti – kaya dumadami ang suicide. May mga naniniwala na abortion ang solusyon sa problema, kaya nagpapalaglag, pinapatay ang bata na wala namang kalaban-laban para makaiwas sa problema. Nandiyan iyong nilulunod ang kahirapan sa pamamagitan ng pag-iinom o ng droga, mga solusyon na nakakasira ng buhay. May mga naniniwala na kailangang iligpit ang masasamang tao para huwag nang kumalat ang kasamaan. Kaya pinapatay ang drug addicts, pinapapatay ang pinaghihinalaan na masamang tao o karibal sa posisyon, kaya nandiyan ang political killings, ang red-tagging ng mga taong naninindigan para sa katarungan. Ang mga ito ay mga iba’t-ibang mukha ng kultura ng kamatayan.

Hindi sila magwawagi, kasi ang kamatayan ay hindi solusyon. Ang solusyon ay buhay. Sinabi ng Diyos: Ayaw ko ang kamatayan ng masasama. Ang kasamaan ay mawawala, hindi sa pagpapatay ng masasamang tao, kundi sa pagpapatawad at pagbabago sa kanila. Ito ang ginawa ni Jesus. Siya na ang tumanggap ng parusa na para sa ating kasamaan. Siya na ang nag-alay ng sarili niya para tayo ay mapatawad, magbago at magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sa pagtutunggali ng buhay at ng kamatayan, kanino tayo panig? Tayo ba ay nagbibigay buhay o nagdadala ng kamatayan? Sa pakikitungo natin sa iba, nagbibigay ba tayo ng sigla sa buhay o kalungkutan at takot? Manindigan tayo sa buhay! Mas makapangyarihan ito kaysa kamatayan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 115,341 total reads

 115,341 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,670 total reads

 148,670 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,814 total reads

 180,814 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,876 total reads

 246,876 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,740 total reads

 258,740 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily September 20 2026

 13,445 total reads

 13,445 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 12,121 total reads

 12,121 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »

Homily September 6, 2026

 18,035 total reads

 18,035 total reads 23rd Sunday in Ordinary Time Cycle A Ez 33:7-7 Rom 13:8-10 Mt 18:14-20 Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man liban sa

Read More »

Homily August 30, 2026

 28,968 total reads

 28,968 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »
Scroll to Top