VeritasPH

The Word, The Truth

 265 total views

4th Sunday of Lent Cycle C

Joshua 5:9-12 2 Cor 5:17-21 Lk 15:1-3.11-32

Noong March 25 itinalaga natin ang Ukraine at Russia sa Kalinislinisang Puso ni Maria sa pag-asa na magkaroon na ng kapayapaan sa digmaan sa Ukraine. Nababalitaan natin ang malaking pinsala ng digmaang ito at malakas ang panganib na maaaring kumalat ang apoy ng labanan sa ibang bansa sa Europa at magkaroon pa nga ng World War III.

Hindi magkakaroon ng kapayapaan kung walang pakikipagkasundo. Ang pagkikipagkasundo lang ang makapagpapatigil ng pagdanak ng dugo. Nakikita natin dito ang kahalagahan ng pakikipagkasundo.

Ipinadala ng Diyos ang kanyang anak upang magkaroon ng pakikipagkasundo dito sa mundo,pakikipagkasundo ng mga tao sa isa’t-isa at pakikipagkasundo ng mga tao sa Diyos. Magkakaroon ng pakikipagkasundo kung may kapatawaran. Malaki na ang damage na ginawa ng guera at mas lalong malalaki ang damage na dala ng kasalanan. Pero handa na ang Diyos na magpatawad, kaya nga pinadala na niya ang kanyang Anak sa atin at namatay na si Jesus para sa atin. Sinulat ni Pablo na tayong mga Kristiyano ay mga tagapagdala ng mensahe ng pakikipagkasundo. Magbalik loob na tayo at makipagkasundo. Ito ang mensahe natin sa buong mundo at sa bawa’t tao

Ang mensaheng ito ay para sa lahat – sa mga mabubuti at sa masasama. Lahat ay tinatawag na magbalik loob sa Diyos at sa kapwa, kaya nga noong Miyerkules ng Abo lahat tayo ay tumanggap ng abo sa ating noo.

Sa ating ebanghelyo ang dalawang anak ng tatay ay kailangang magsisi, magbalik-loob, at makipagkasundo. May masayang party na nag-aantay sa dalawa sa bahay ng tatay. Maliwanag na kailangan ng bunsong anak ang pagsisisi. Talagang masama siya. Kinuha ang kanyang mana na buhay pa ang tatay, umalis siya ng bahay, nilustay ang kayamanang minana na pinaghirapan ng tatay, at bumalik lang siya sa bahay ng tatay kasi desperado na siya. Naubos na niya ang lahat ng kayamanan na minana niya. Wala na siyang makain. Doon na lang siya natauhan. Kahit na may self-interest ang kanyang pagbalik sa tatay, tinanggap siya ng kanyang ama nang walang pasubali. Nilagyan ng singsing ang kanyang kamay at ng sandalyas ang kanyang paa. Binigyan siya ng bagong damit at nagpaparty pa. Ganyan ang ating Ama sa langit. Kaunting pahiwatig lang ng pagsisisi, kahit na imperfect pa, ay wini-welcome na niya with open arms. Talagang buo ang pagtanggap sa atin. Kaya huwag na tayong magduda o mag-alinlangan na magsisi, na baka i-snob tayo ng Diyos
, na baka pagalitan tayo, o hiyain tayo. Hindi ganyan ang ating Ama. Palagi siyang nakaabang at tumitingin-tingin kung may kaunting kahandaan na tayo na bumalik sa kanya. Siya pa ang sasalubong sa atin.

Kailangan din na magsisi at bumalik loob ang panganay na anak na hindi umalis ng bahay at hindi tumigil na magtrabaho para sa pamilya. Maaaring ang kanyang pagbabalik-loob ay hindi sa tatay – hindi naman siya umalis, pero sa kanyang kapatid. Habang wala pala ang kanyang bunsong kapatid, nagngingitngit ang kanyang loob laban sa kanya, na naggo-goodtime lang siya habang siya ay nagpapakaalipin sa pagtatrabaho sa bahay. Kaya noong bumalik ito, hindi niya siya matanggap. Ayaw niyang pumasok sa party at makipagsaya. Hindi siya masaya. Galit pa nga siya. Hindi naging buo ang kanyang pagiging anak sa bahay ng kanyang tatay kasi hindi niya matanggap ang kapatid niya. Hindi natin alam kung siya ay nadala ng pakiusap ng tatay, na lumabas pa ng bahay para lang kaunin siya.

Mayroon din sa atin na akala natin maayos ang ating relasyon sa Diyos kasi ginagawa natin ang lahat ng tungkulin sa ating relihiyon – ang pagdarasal, ang pagsisimba, ang mga nobena at mga prusisyon. Pero maayos ba ang ating pagtanggap sa ating mga kapatid, lalo sa mga kapatid natin na hindi kasing relihiyoso kaysa atin? Nagsasaya ba tayo na maayos ang kanilang buhay o nagngingitngit tayo na mas maganda ang buhay nila kaysa atin na tapat naman sa Diyos? Nagsasaya ba tayo na may mga bagong miyembro sa ating simbahan at sa ating samahan sa simbahan, o ayaw natin na ibahagi sa kanila ang ating mga gawain o mga posisyon? Kaya ang pakikipagkasundo ay kailangan ng lahat. Kailangan natin na mas maging anak ng Ama at mas maging kapatid sa isa’t-isa. Hindi tayo tunay na anak at maging masasayang anak kung hindi natin matanggap ang lahat na ating kapatid, lalo na ang nawawala!

Gusto ng Diyos na i-restore tayo sa ating katayuan sa harap niya. Sa ating unang pagbasa narinig natin ang pagpasok ng mga Israelita sa lupang ipinangako sa kanila. Nawala sila sa lupain ng Canaan nang 430 years. Dumaan sila sa diyerto ng apatpung taon bago sila nakapasok sa lupang hinirang. Sa wakas nakatawid na sila sa ilog Jordan, ang boundary nito. Nakakain na sila ng mga bunga ng mga tanim ng lupain. Tumigil na ang pagdating ng manna, ang tinapay na galing sa langit. Nawala na ang kahihiyan ng kanilang pagkaalipin sa Egipto. Hindi na sila alipin o dayuhan. Malaya na sila. Nasa lupain na sila na pinangako sa kanila.

Ganito ang ating layunin, na maging tunay na malayang mga anak sa tahanan ng Ama. Wala nang alitan, wala nang digmaan, wala nang kamatayan, papahiran na ang mga luha ng pagdurusa sa ating mga mata. Masaya ang ating patutunguhan. Papunta tayo sa party ang mga anak ng Diyos. Nasa kalagitnaan na tayo ng kuwaresma, nasa 21st day ng 40 days ng kuwaresma. Tingnan natin na ang ating pagsisikap ay tutungo sa masayang pagtatapos. Huwag tayong manghina sa ating mga efforts. Kaya ngayong Linggo ay tinatawag na Laetare Sunday, Linggo ng kasiyahan. Ang kulay sa simbahan ngayong Sunday ay hindi violet kundi pink, kulay rosas, isang kulay na mas masaya kaysa violet. Itong pagsisikap na magpakabuti, na bumalik sa Ama o makiisa sa ating mga nawawalang kapatid ay patungo sa isang party – ang party na ginagawa ng ating Tatay sa langit. Kinatay na ang pinatabang guya, maraming pagkain doon, maraming masasarap na inumin. Lahat ay inaanyayahan. Bumalik na tayo sa Ama. Kaya ang panawagan ng Diyos sapamamagitan natin ay: makipagkasu
ndo na tayo sa Diyos at sa isa’t isa. No more war! Itigil na ang digmaan at ang sama ng loob. Maging isang pamilya na lang tayong lahat!

Pero ang mga tao ay hindi magiging magkakapatid kung wala tayong Ama na kinikilala. Ito ang malaking pagkakamali ng tao sa mundo ngayon. Gusto natin na magkaroon ng kapatiran ang mga tao pero hindi naman natin kinikilala ang iisang Diyos na ating Ama. A godless society cannot bring about human brotherhood. Sa ating ebanghelyo ang nagsisikap na pag-isahin ang pamilya ay ang tatay. Magkakaisa tayo bilang magkakapatid kung tayo ay lalapit sa tahanan ng Ama.

Bishop Broderick Pabillo

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,123 total views

 7,123 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,108 total views

 15,108 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,644 total views

 22,644 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,630 total views

 38,630 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,674 total views

 46,674 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,619 total views

 1,619 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,747 total views

 7,747 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,876 total views

 5,876 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,159 total views

 8,159 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,065 total views

 11,065 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,004 total views

 12,004 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,998 total views

 11,998 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,716 total views

 15,716 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,562 total views

 17,562 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,559 total views

 17,559 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,068 total views

 22,068 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,384 total views

 27,384 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,542 total views

 29,542 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,700 total views

 31,700 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,047 total views

 32,047 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top