VeritasPH

The Word, The Truth

 203 total views

5th Sunday of Easter Cycle C

Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35

“Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos.” Ito ang sinabi ni Pablo at ni Bernabe upang palakasin ang loob ng mga mananampalataya. Kapanipaniwala ang payong ito na galing sa dalawang misyonerong ito kasi naranasan nilang sila’y inusig sa Antioquia ng Pisidia at pinatapon sa labas ng lungsod, na sila’y tinangkang batuhin sa Iconio, at si Pablo ay talagang binato sa Listra at iniwan na halos patay na. Hindi naging madali ang landas nila, pero binalikan nila ang mga lungsod na iyon at pinatatag ang mga Kristiyano doon. Hindi sila tumigil kasi kinontra sila at itinuring na talunan.

Gayon din tayo pagkatapos ng election. Mayroon tayong pangarap sa bayan kaya tayo ay naging aktibo sa halalan, kaya tayo nangampanya sa ating mga kandidato. Hindi naman tayo lumahok kasi tayo ay nabayaran. Lumahok tayo kasi mayroon tayong pangarap ng magandang bukas para sa lahat. Natalo man o nanalo ang ating kandidato, huwag namang bitiwan ang ating pangarap. Natikman na nating lumahok, patuloy tayong makialam at makiisa. Totoo, magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos at bago matamo ang ating pangarap.

Ang larawan ng kaharian ng Diyos na ating isinusulong ay isinalarawan sa atin sa ating ikalawang pagbasa: isang bagong langit at bagong lupa. Hindi ba ito rin ang ating inaasam – pagbabago? Wala na ditong kamatayan – wala nang extra judicial killings, wala nang dalamhati at pag-iyak kasi walang trabaho at madaling pagbintangan na rebelde, at wala na ring sakit kasi natutugunan ang mga may karamdaman. Wala na ang mga dating bagay. May pagbabago na. Panghawakan at isulong natin ang mga pangarap na ito kahit na sino pa man ang mamumuno.

Ang pagbabagong ito ay hindi lang gawa ng kamay ng tao. Sinabi sa atin na ang bagong langit at lupa ay tulad ng bagong Jerusalem na bumaba mula sa langit. May kinalaman ang Diyos dito. Galing ito sa langit, hindi sumibol sa lupa. Sa totoo lang, mangyayari ang pagbabago kasi ang Diyos ay kapiling ng mga tao. Sa bagong Jerusalem na ito ang Diyos ay nananahan na kasama natin. Kaya huwag nating bitawan ang pangarap natin at isama natin ang Diyos sa pagkilos natin.

Lahat ng kandidato ay nangangako ng pagbabago pero walang pagbabago ang nangyari kasi pinaubaya natin sa kanila ang pagbabago at hindi natin isinasama ang Diyos sa pagkilos ng pagbabago. Ang tunay na pagbabago ng mundo ay mangyayari kung ito ay manggagaling sa mga tao at kung ang Diyos ay mananatili sa piling natin. Noong panahon ng kampanya nakita nating kumilos ang mga tao. Marami ang nagkusa at nagbigay ng panahon, talino’t yaman. Naramdaman natin noon ang pagbabago. Ipagpatuloy natin ang kusang paglahok sa ikabubuti ng bayan. At isama natin ang Diyos.

Paano natin maisasama ang Diyos? Sinabi sa atin sa Banal na Kasulatan na ang Diyos ay pag-ibig at kung nasaan may pag-ibig nandoon ang Diyos. Anumang ginagawa natin ng may pag-ibig, naroon ang Diyos. Kaya ang panawagan na “It is more radical to love” ay patuloy. Pag-ibig ang dapat tumulak sa atin – pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa nasa laylayan ng lipunan, pag-ibig sa Diyos. Kumilos tayo! Mag-ambag tayo! At gawin natin ito nang may pagmamahal.

Mas radical ang pag-ibig na hinihingi sa atin. Sinabi ni Jesus sa ating ebanghelyo na nagbibigay siya ng bagong utos. Pero ang pag-ibig ay hindi na bagong utos. Ito ay tinuturo din ng lahat ng mga relihiyon. Ang utos na magmahal ay sinabi na rin ni Moises sa Lumang Tipan. Ano ang bagong utos na binigay ni Jesus? Sabi ni Jesus: “kung paano iniibig ko kayo, gayun din mag-ibigan kayo.” Ito ang bago: umibig ayon sa pag-ibig ni Jesus, magmahal tulad ni Jesus. Ang pagmamahal ni Jesus ay pinapakita niya sa pagkapako sa kanya sa krus. Jesus on the cross is the love of God for us. Ibinigay niya ang buong sarili niya para sa atin. Siya ay namatay upang tayo ay mabuhay. Ang pag-ibig na ito ay nagbigay ng bagong buhay. Siya ay muling nabuhay! Nagdala ng pagbabago ang pagkamatay ni Jesus.

Maaaring magdahilan tayo – hindi natin iyan kaya. Magbigay ng lahat para sa iba? Kaya ba natin iyan? Pero, teka! Hindi ba nagawa iyan ng marami noong panahon ng pangangampanya? Lumakad sila ng malayo at tumayo ng matagal na may pasensya. Kahit na pagod at nasa ilalim ng init ng araw o nauulanan, walang gulo ang nangyari. Hindi umiinit ang ulo ng tao. Sa halip nagtutulungan pa nga. At nagbibigayan – ng pagkain, ng tubig, ng tulong sa bawat isa. Nakayanan natin. May mga nagtrabaho ng higit pa sa labing walong oras araw-araw. Walang bayad ang mga ito. Ito na iyong mga larawan ng pag-ibig tulad ng pag-ibig ni Jesus. Nagawa ng marami. Magagawa din natin. Huwag lang mawala ang ganitong karanasan ng pag-ibig. Ipagpatuloy natin ito.

Isang magandang bagay na ipinamalas sa atin ng halalang ito ay kaya nating umibig at magsakripisyo para sa bayan. Maaari bang ugaliin na natin ito? Kahit na tapos na ang halalan, huwag sana mawala ang energy natin, ang pangarap natin na makiisa. Huwag na tayong magtago sa comfort zones natin. Lumabas tayo at makilahok.

Isa ring tanda ng pag-ibig na ito ay ang ating pag ha-house-to-house. Siguro naman sa pagha-house-to-house natin hindi lang tayo nagsalita at nangampanya. Nakinig din tayo sa tao at nakita ang kanilang kalagayan. Ngayong tapos na ang halalan sana manatili sa ating puso ang kalagayan ng mga mahihirap na ating nakatagpo. Sana namulat ang ating mga mata sa kahirapan ng mga nasa tabi-tabi ng lipunan. Balikan natin uli sila, tulungan sila at makiisa sa kanila. Lapitan uli natin at kausapin ang mga ordinaryong tao na nasa paligid natin – mga drivers, mga delivery boys, mga labandera, mga clerks at mga tindera. Hindi na tayo mangungumbinsi kung sino ang iboboto. Patuloy na lang tayong makipagkapwa tao at makiisa sa kanila. It is radical to love.

Kaya natin na magkaroon ng bagong langit at bagong lupa. Pahiran na natin ngayon ang mga mata na lumuluha. Pasikatin na natin ang liwanag ng katotohanan. Makialam na tayo sa takbo ng lipunan. Gamitin natin ang ating mga creative talents na maglikha ng makulay na mundo. Now is the time not to analyze and dissect. Now is the time to act with love, pag-ibig na tulad ng kay Jesus, pag-ibig na buo, at pag-ibig para sa mga nasa tabi ng lipunan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,665 total views

 4,665 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,422 total views

 10,422 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,685 total views

 17,685 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,670 total views

 25,670 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,206 total views

 33,206 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,034 total views

 2,034 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,161 total views

 8,161 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,290 total views

 6,290 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,573 total views

 8,573 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,479 total views

 11,479 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,418 total views

 12,418 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,412 total views

 12,412 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,130 total views

 16,130 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,976 total views

 17,976 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,973 total views

 17,973 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,482 total views

 22,482 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,798 total views

 27,798 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,956 total views

 29,956 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,114 total views

 32,114 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,459 total views

 32,459 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top