Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 249 total views

6th Sunday of Easter Cycle C

Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14.22-23 Jn 14:23-29

Ang mga taong malapit nang umalis ay may mga habilin. Ang mga habilin na ito ay mahahalagang bagay lalo na kung matagal-tagal siyang mawawala. Kaya sa mga airports makikita natin ang mga tatay o nanay ay nagbibigay ng mga habilin sa kanilang mga anak bago sila lumipad sa ibang bansa. Mas lalong mahalaga ang habilin ng isang malapit nang mamamatay. May mga habilin siya sa kanyang mga anak o sa kanyang asawa. Tayo rin, pinapahalagahan natin ang mga huling habilin sa atin. Pinanghahawakan natin ito. Ito ang mga alaala natin sa umalis at ang pagtupad ng mga ito ay tanda ng ating pagpapahalaga sa kanila.

Panghawakan natin ngayon ang mga salita ni Jesus na ating narinig. Ito ay mga habilin niya bago siya mamatay. Naghahapunan sila noon ng kanyang mga alagad. Ito ang magiging huling hapunan nila, at alam ito ni Jesus. Maaari din nating ituring ang mga salitang ito na habilin niya bago siya umakyat sa langit. Sa susunod na Linggo ipagdiriwang na natin ang pag-akyat niya sa langit. Babalik na siya sa kanyang Ama. Kaya mas lalong naging mahalaga ang mga habiling ito. Dalawa ang mga ito: Ang kanyang salita at ang kanyang kapayapaan.

Mawawala na si Jesus sa ating piling pero mananatili siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita. Ang pagtupad ng kanyang salita ay ang tanda ng pag-ibig natin sa kanya. Noong nandito pa si Jesus, naipapakita ng mga tao ang pagmamahal nila sa kanya sa pagsilbi sa kanya, tulad ng ginawa ni Marta noong tinanggap niya si Jesus sa kanyang bahay o tulad ng mga babae na sumasama kay Jesus at pino-provide nila ang pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad. Ngayon maaari pa rin nating ipakita ang pagmamahal natin sa kanya. Maliwang ang sinabi niya: “Ang sinumang nagmamahal sa akin ay tumutupad ng aking salita.” Mahalaga ang salita ni Jesus kasi ito ay galing sa Diyos Ama na nagpadala sa kanya. Wala naman siyang sinasabi maliban sa narinig niya sa kanyang Ama. Kaya sa pagtupad natin ng Salita ni Jesus pinapakita natin ang ating pagmamahal sa kanya at sa Diyos Ama.

Ganoon kahalaga ng Salita ni Jesus na ipapadala ang Espiritu Santo upang ipaalaala sa atin ang lahat ng sinabi ni Jesus at upang turuan tayo. Ayaw ni Jesus na mawala tayo sa landas ng katotohanan kasi aalis na siya na ating tagapagturo. Kaya nandiyan ang Espiritu Santo, ang Espiritu ng katotohanan na magiging gabay natin.

Hindi dahil sa ibibigay sa atin ang Espiritu Santo madali na lang ang buhay natin. Magiging maliwanag na ang lahat. Hindi na tayo kailangang magsaliksik at mag-isip. Hindi ganyan! Ito ay naranasan ng simbahan na nakasulat sa aklat ng Mga Gawa ng Mga Apostol sa ating unang pagbasa. Nagkaroon ng matinding debate noon. Ang nakataya ay paano ba tayo maliligtas. Totoo, si Jesus ang manliligtas. Siya ang Kristo na ipinangako ng Diyos. Ang pinag-uusapan noon, paano ba natin matatanggap ang kaligtasan na binigay ni Jesus? Sabi ng isang pangkat ng mga Kristiyano: kailangan munang sumunod sa mga batas ni Moises at magpatuli bago mabinyagan ang mga hindi pa Hudyo. Si Jesus ay Hudyo, ang mga apostol ay mga Hudyo. Ang unang mga Kristiyano ay mga Hudyo. Kaya madaling akalain na maging Hudyo muna ang isang tao sa pamamagitan ng pagtutuli sa kanya bago siya mabinyagan. Sabi naman ni Pablo at ni Bernabe na hindi na kailangan dumaan sa pagtutuli. Sapat na na maniwala kay Jesus upang ang isang tao ay mabinyagan at maging tagapagmana ng mga pangako ng Diyos. Naranasan nila ito.

Ibinibigay din ang mga biyaya ng Espiritu sa mga hindi Hudyo. Hindi magkasundo ang dalawang pangkat. Nagiging mainit lang ang pag-uusap. Upang magkaroon ng kaliwanagan sa usaping ito, nagpasya ang mga Kristiyano sa Antiochia kung saan nagsimula ang kontrobersyang ito na isangguni ito sa mga apostol sa Jerusalem. Nagkaroon ng konseho ang mga leaders sa Jerusalem at pagkatapos ng mahabang pag-uusap, kung kailan nagbigay si Pedro ng kanyang karanasan at kung saan sinaliksik nila ang Banal na Kasulatan, naglabas sila ng desisyon. Itinuring nila ito na desisyon nila at desisyon ng Espiritu Santo. Naramdaman nila na ginabayan sila ng Espiritu Santo sa kanilang sama-samang pag-uusap, pagninilay at panalangin. Ang desisyon: Hindi na kailangan na magpatuli bago mabinyagan. Sapat na ang pananampalataya kay JesuKristo. Ang desisyong ito ay pinaabot sa mga tao sa pamamagitan ng sulat at ng patotoo ng mga pinadala ng konseho: si Silas at si Justo Barsabas. Hindi pinababa
yaan ng Espiritu Santo ang simbahan. Ginagabayan nito pero kailangan ding magsikap ang simbahan na hanapin ang kagustuhan ng Diyos sa kanilang sama-samang pag-uusap at pagninilay.

Ang habilin ni Jesus ay ang kanyang salita na dapat nating alamin at sundin. Kaya mahalaga ang pakikinig ng Salita ng Diyos at ang pagbabasa ng Bibliya. Mahalaga din ang pagmamasid sa mga pangyayari at ang pagdarasal. Diyan natin natatagpuan ang salita ni Jesus: sa Banal na Kasulatan, sa pangyayari sa ating buhay, sa ating panalangin at sa gabay ng simbahan.

Isa pang habilin ni Jesus ay ang kapayapaan. Sinabi niya na ibibigay niya sa atin ang kanyang kapayapaan, pero hindi tulad ng pagbibigay ng kapayapaan ng mundo. Kasalukuyang may digmaan sa Ukraine – halos tatlong buwan na! Ang gulong ito ang laman ng mga balita. Pero mayroon ding ibang mga digmaan na nangyayari sa ibang bahagi ng mundo, tulad sa Yemen, sa Sudan, at sa Myanmar. Bihira na ito nababalita. Ang lahat naman ay nakikipagdigma na dinadahilan na sila ay nakikipaglaban para sa kapayapaan. Hindi pa ba natin nakikita na ang digmaan ay hindi nagdadala ng kapayapaan? Na ang away ay hindi magdadala ng pakikipagkasundo? Ang kapayapaan ay makukuha lamang sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan. Pero ito lang ang paniniwala ng mundo: makuha ang kapayapaan sa pagtalo sa kaaway. Hindi ito nangyayari. Dumadami lang ang gulo at ang mga giyera.

Paano binigay ni Jesus sa atin ang kapayapaan? Hindi sa pakikipag-away sa mga mapang-api na mga Romano at mga sinungaling at mapagbintang na mga Hudyo. Hindi siya nakipag-away. Minahal niya sila. Ipinagdasal pa nga niya sila kasi hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Ang pagkapako sa Krus ni Jesus ay ang patunay na mahal niya sila at mahal niya tayo. Sa kanyang sugat tayo ay gumaling. Siya na ang tumanggap ng parusa para sa atin. Talagang mahal niya tayo. Ang pagmamahal na ito ay nagdadala ng kanyang kapayapaan. Kaya tanggapin natin ang kapayapaan ni Kristo. Kaya anuman ang mangyari, huwag tayong matakot at mabalisa. Nandiyan si Jesus. Hindi niya tayo pababayaan. Kung naibigay na niya ang kanyang buhay para sa atin, anupa ang hindi niya maibibigay upang mapasaatin ang kanyang kapayapaan?

Ang Salita at ang Kapayapaan ang habilin ni Jesus bago siya mamatay at bago siya umakyat sa langit. Nakuha na niya ang kapayapaan para sa atin. Tanggapin natin ito. Huwag na tayong matakot at mabalisa. Sumunod na lang tayo sa kanyang salita. Sa pagsunod sa Salita ni Jesus ipinapakita natin na mahal natin siya. Mabuti ang kanyang salita. Mapagkakatiwalaan natin ito. Dadalhin tayo nito sa kapayapaan at sa kaganapan ng buhay dito sa lupa at sa buhay na walang hanggan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,061 total views

 11,061 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,034 total views

 17,034 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,789 total views

 22,789 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,052 total views

 30,052 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,036 total views

 38,036 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 161 total views

 161 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,476 total views

 2,476 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,603 total views

 8,603 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,732 total views

 6,732 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,015 total views

 9,015 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,921 total views

 11,921 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,860 total views

 12,860 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,854 total views

 12,854 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,572 total views

 16,572 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,418 total views

 18,418 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,415 total views

 18,415 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,924 total views

 22,924 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,240 total views

 28,240 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,398 total views

 30,398 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,556 total views

 32,556 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top