CBCP, hinikayat ang mananampalataya na makiisa sa Pandaigdigang Pagtitipon ng mga Pamilya sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total reads

Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang pakikiisa sa 10th World Meeting of Families.

Ang pagtitipon ay gaganapin sa Vatican sa June 22-26 na pangungunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa liham sirkular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamumuno ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinihiling sa bawat diyosesis sa bansa ang suporta sa mga gawain ng Family and Life Apostolate.

Kabilang sa mga gawain ang pagpapatunog ng mga kampana tuwing ika-anim ng gabi na susundan ng pagdarasal ng Angelus, sa buong panahon ng pagtitipon.

Hinihikayat din ni Bishop David ang mga parokya sa pagsasagawa ng 2nd collection sa June 18 ng gabi at sa lahat ng misa ng June 19, Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi at pagdiriwang ng Father’s Day.

Ang malilikom na pondo ay para suportahan ang mga programa ng Family and Life Apostolate kung saan 60-porsyento ay para sa diocesan family and life, 30-porsyento sa regional family and life ministry habang 10-porsyento naman sa national programs.

March 19, 2021 nang binuksan ng CBCP ang Amoris Laetitia Family Year sa ikalimang taon ng post synodal exhortation ni Pope Francis na Amoris Laetitia.

Nagsagawa ang CBCP-Episcopal Commission on Family and Life ng online conferences noong June 18-20, 2021 sa temang ‘Forming Fathers in the Image of St. Joseph: A Tribute to All Fathers on Their Special Day’ na pinangunahan ng Oblates of Saint Joseph; July 22-24 ang ‘Virtual Conference and Tribute to Grandparents ng Episcopal Commission on Youth, Liturgy at ng Catholic Grandparents Association of the Philippines; August 24 nag ‘A Father’s Heart in the Midst of Migration ng Episcopal Commission for Pastoral Care for Migrants and Itinerant People at noong September 25 ang ‘Sa Pamilya ang Simula’ ng Living Laudato Si Movement Philippines-Family Sector.

Sa nalalapit na pagtatapos magkakaroon ng regional celebrations at conferences sa pangunguna ng Regional Bishop Coordinators; sa Northern Luzon si San Fernando La Union Bishop Daniel Presto; Central Luzon si Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco; Southern Luzon si Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo; Visayas si Antique Bishop Marvin Maceda at sa Mindanao si Malaybalay Bishop Noel Pedregosa.

Pangungunahan naman ni Parañaque Bishop Jesse Mercado, chairman ng CBCP family and life ministry ang delegasyong dadalo sa pagdiriwang ng World Meeting of Families sa Vatican.

“We hope to continue the synodal path for the Family and Life Apostolate. The Dicastery for Laity, Family and Life has published Points of Reflection for a Synodal Journey with Families. These will be helpful in the diocesan and regional consultations that will culminate in the national general conference in November 2022,” bahagi pa ng pahayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 10,308 total reads

 10,308 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 92,269 total reads

 92,269 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,718 total reads

 125,718 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 161,017 total reads

 161,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 387,237 total reads

 387,237 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top