Sa pagtatapos ng 2022 National and Local elections: Bantay Pangako, ilulunsad ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

“Magsisimula na kaming manghingi ng resibo”.

Ito ang mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo- national director ng Caritas Philippines sa mga bagong halal na mga opisyal ng bayan sa katatapos lamang na 2022 National and Local Elections.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, sa pagtatapos ng halalan dapat na tumimo sa isip ng mga bagong opisyal ng bayan ang kanilang sinumpaan tungkulin at dapat gampanan bilang mga halal na pinili ng taumbayan upang maging mga lingkod ng bayan.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, kabilang sa mga babantayan ng social action arm ng CBCP ay ang pagsasakatuparan ng mga halal na opisyal ang mga ipinangakong programa at plataporma noong panahon ng kampanya.

“We congratulate all the winners of the recent electoral process in the country. but we would like to remind all that as you take the oath, remember your covenant with the people, remember your promises to us, because we will not forget. Magsisimula na kaming manghingi ng resibo,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng obispo, mahalaga ang pagbabantay ng taumbayan sa mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng pananagutan sa kanilang tungkulin at responsibilidad na kaakibat ng kanilang posisyon sa pamahalaan.

Giit ng Obispo, dapat na maging aktibo ang mamamayan upang maisulong ang matagal nang hinahangad na maayos, matapat at marangal na pamamahala sa bansa.

“Government accountability will only happen if people in the grassroots are empowered and equipped to ask questions and claim their inherent right to government information, quality public service, and better governance,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ilulunsad naman ng Caritas Philippines ng nationwide post-election accountability program kasabay 40th National Social Action General Assembly na isasagawa sa General Santos City, South Cotabato.

Ayon kay Bishop Bagaforo, layunin ng programa na na mapalakas ang pakikibahagi sa pamahalaan ng publiko lalo na ang mga layko sa tinaguriang ‘principled politics’ sa pamamagitan ng paglaban sa misinformation at disinformation; gayundin ang Simbahan tungo sa pagbabago sa lipunan o social transformation; at pagtatag ng community-based good governance upang maging responsableng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,953 total reads

 11,953 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,807 total reads

 93,807 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,256 total reads

 127,256 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,555 total reads

 162,555 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,718 total reads

 388,718 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top