258 total views

Pentecost Sunday Cycle A

Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay isang dakilang kapistahan ng mga Hudyo na nangyayari tuwing ika-limampung araw pagkatapos ng kapistahan ng Paskua. Ipinagdiriwang nila dito ang pagbibigay sa kanila ng Batas ni Moises doon sa bundok ng Sinai. Ang mga batas na ibinigay ng Diyos kay Moises ay isang tanda ng pag-ibig ng Diyos sa bayan ng Israel. Ito ay isang batas na puno ng karunungan at sa pagtupad nila dito nakasalalay ang katapatan nila sa kanilang kasunduan sa Diyos. Sa araw ng Pentekostes, ang mga Hudyo sa ibang bahagi ng bansa at ng mundo ay gumagawa ng pilgrimage sa Jerusalem. Dahil dito maraming mga Hudyo na galing sa ibang bansa ay nasa Jerusalem sa araw na iyon.

Noong araw ng Pentekostes, habang nagdarasal ang mga alagad ni Jesus sa isang kuwarto, bumaba ang Espiritu Santo sa kanila sa anyo ng dilang apoy na lumapag sa ulo ng bawat isa at ng malakas na hangin na nayanig ang bahay na kinaroroonan nila. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanila. Nakapagsasalita na sila ng iba’t-ibang mga lenguahe. Nagkaroon na ng tapang ang mga alagad na magsalita sa harap ng mga tao. Nawala na ang kanilang takot. Nagsalita din sila sa paraan na naunawaan ng nakikinig sa kanila kahit na sila ay galing sa iba’t-ibang mga bansa. Iyan ang version ni Lukas sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol sa ating unang pagbasa.

Kakaiba naman ang version ni San Juan sa pagbigay ng Espiritu Santo na narinig natin sa ating ebanghelyo. Ito ang nangyari sa gabi ng araw mismo ng Linggo ng Pagkabuhay ni Jesus. Walang ibang tao noon, ang mga alagad lang. Nakapinid ang pintuan pero si Jesus na muling nabuhay ay tumayo sa harap nila. Isinugo sila na magpahayag, at siya mismo ang nagbigay ng Espiritu sa kanila. Hiningahan niya ang mga alagad nang malumanay, hindi malakas na hangin na nakatawag ng pansin ng mga tao ang dumating. Ibinigay niya sa mga alagad ang kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan.

Magkaiba ang dalawang version ngunit magkapareho ang kahulugan. Ang Espiritu Santo, na walang iba kundi ang kapangyarihan na galing sa Diyos, ay dumating sa mga alagad sa pamamagitan ng hangin. Ngayon naipagpapatuloy na ng mga alagad ang misyon ni Jesus – ang misyon ng pagpapahayag at misyon ng pagpapatawad.

Ang Espiritu Santo ay ang dahilan kung bakit hanggang ngayon naipagpapatuloy ng simbahan ang kanyang gawain. Walang magagawa ang simbahan at ang mga kristiyano kung hindi dahil sa Espiritu Santo. Sinulat ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa na hindi man masasabi ninuman na Panginoon si Jesus kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo. Ganoon siya kahalaga sa ating buhay! Siya ang nagkakaloob sa bawat isa sa atin ng kakayahan na maglingkod sa simbahan na katawan ni Kristo. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang nagagawa sa simbahan dahil sa Espiritu Santo. Ang mga kaloob na ito ay ang ating pagkakataon na makapag-lingkod sa ikabubuti ang lahat. Kaya ang bawat isa ay may pagkakataon na magbalik handog ng ating talents. Pinagkalooban tayo ng atin-ating talents upang may maiambag tayo sa ikabubuti ng iba.

Natapos na natin ang mga espesyal na panahon – ang adbiyento, ang pasko, ang kuwaresma at ang muling pagkabuhay. Bukas sisimulan na natin ang mahabang panahon ng pangkaraniwang panahon sa simbahan. Maliban sa mga pista ng ating mga patron, wala ng mahabang panahon ng kapistahan sa simbahan hanggang sa pagpasok uli ng panahon ng adbiyento sa Disyembre.

Sa ordinaryong panahon natin sinasabuhay ang ating ordinaryong buhay Kristiyano. Mga kapatid, sa mga ordinaryong panahon tayo lumalago. Dito nakikita ang ating katapatan. Madaling maging excited sa mga espesyal na panahon at dahil dito napapabayaan natin ang ating karaniwang tungkulin. Pero sa ordinaryong panahon nagagawa ang ating tungkulin sa araw-araw na siyang nagpapalago sa atin. Sa ordinaryong mga gawain natin sa bahay, nagiging maayos ang ating relasyon sa pamilya. Sa katapatan at kasipagan sa pang-araw-araw na pag-aaral, lumalago ang ating kaalaman. Sa ating palagiang pagdadasal at paggawa ng kabutihan, lumalalim ang ating pananampalataya. Kaya maganda ang disiplina na binibigay sa atin ng Pondo ng Pinoy. Kahit na maliliit na bagay, tulad ng pagtatabi ng piso, basta ginagawa palagian araw-araw, ito ay nakakatulong ng malaki sa nagbibigay at sa tumatanggap. Sa nagbibigay, kasi nahuhubog ang kanyang character sa pamamagitan ng daily habit na pagsaalang-alang sa iba. Sa nakakatanggap, kasi pag-inipon ang maliliit na halaga, ito ay nakakatulong din nang malaki. Ang maliliit na patak ng ulan kapag pumapatak nang matagal ay nagdadala din ng baha.

Si Sta. Teresita ng Nino Jesus ay isang ordinaryong madre lang. Pumasok siya ng kumbento noong siya ay 15 years old at namatay siya noong siya ay 24 years old. Sa loob ng siyam na taong ito hindi man siya lumabas ng kumbento. Hindi man siya gumawa ng anumang espesyal na gawain. Ang ginawa niya ay mga karaniwang gawain ng isang madre – maglinis ng kumbento, maglaba, magdasal, magluto, mag-alaga ng may sakit na madre. Pero naging dakilang santa siya. Dahil sa utos sa kanya ng kanyang superiora na kanya ring kapatid, sinulat niya ang simpleng talambuhay niya. Kumalat ang talambuhay na ito at nakilala siya ng lahat. Ang pinahalagahan niya ay ang paggawa ng mga simple at ordinaryong gawain ng may pagmamahal. Dito siya naging banal. Kinilala ang kanyang ordinaryong paraan ng kabanalan na makabuluhan at makakayanan ng lahat. Naging dakilang modelo siya ng kabanalan para sa lahat. Saan niya nakuha ang ganitong karunungan? Sa Espiritu Santo! Ano ang nagpapabanal sa ordinaryong gawain natin? Ang Espiritu Santo! Kaya ngayong bago tayo pumasok sa ordinaryong panahon ng simbahan, ipinagdiwang natin ang dakilang kapistahan ng Espiritu Santo. Siya ang hininga ni Jesukristo sa bawat isa sa atin. Natanggap na natin siya sa mga sakramento ng binyag at ng kumpil. Siya ang mahinahon na kapangyarihan ng Diyos na gumagabay sa atin sa landas ng kabanalan sa pang-araw-araw ng simpleng buhay natin.

O Espiritung Banal, kami’y gawing matapat; ang pag-ibig ay mag-alab lagi sa tamang landas sa ordinaryong buhay namin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Separation of Church and State

 93,881 total views

 93,881 total views Mga Kapanalig, ginamit na dahilan ni Senador Robin Padilla ang prinsipyo ng separation of church and state upang depensahan ang kontrobersyal na televangelist na si Apollo Quiboloy. Ito ang kanyang dahilan kung bakit pinangunahan niya ang paglalabas ng isang written manifestation bilang pagtutol sa pagpapaaresto sa nagtatag sa grupong Kingdom of Jesus Christ. 

Read More »

Nagbabadyang gun culture?

 111,954 total views

 111,954 total views Mga Kapanalig, pinapayagan nang muli ng Philippine National Police (o PNP) ang pagkakaroon ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles. Ito ay matapos amyendahan ng PNP ang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.  Ipinasá noong 2013 ang naturang batas na naglilimita sa pagmamay-ari ng

Read More »

Agrikultura at ekonomiya

 123,203 total views

 123,203 total views Mga Kapanalig, hindi pa man tayo umaabot sa tinatawag na peak o pinakamatinding bahagi ng nagpapatuloy na El Niño, umabot na sa 151.3 milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura.  Ito ang pagtataya ng ating Department of Agriculture batay na rin sa datos na libu-libong tonelada ng palay

Read More »

Book Reading

 156,222 total views

 156,222 total views Uso pa ba ang pagbabasa ng libro ngayon, kapanalig? O mas uso pa ang magcellphone maghapon? May survey noong 2017 na nagsasabi na marami pa rin namang mga kabataan, pati mga adults sa ating bansa na nagbabasa pa rin. Ayon sa survey, kada buwan, mga mahigit walong oras ang ginugugol ng mga bata

Read More »

Katiyakan sa pagkain sa panahon ng tagtuyot

 178,590 total views

 178,590 total views Kapanalig, sa panahon ng tagtuyot, nasa likod na ng isipan ng marami nating kababayan ang pag-aalala at nasa dibdib na rin nila ang kabog ng takot. Sasapat kaya ang pagkain ng pamilya ko  ngayong panahon ng tagtuyot? Ang laki ng epekto ng tagtuyot sa bansa. Marami pa ring lugar sa ating bayan ang agrikultural

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 9,614 total views

 9,614 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 10,067 total views

 10,067 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 14,111 total views

 14,111 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 16,867 total views

 16,867 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 16,867 total views

 16,867 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 16,849 total views

 16,849 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 20,350 total views

 20,350 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 16,849 total views

 16,849 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 16,844 total views

 16,844 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 16,844 total views

 16,844 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 16,845 total views

 16,845 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 14 2024

 21,144 total views

 21,144 total views Homily February 14 2024 Ash Wednesday Joel 2:12-18 2 Cor 5:20-6:2 Mt 6:1-6.16-18 Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, bilang pinadala ng Diyos, nanawagan kami sa inyo sa ngalan ni Kristo, makipagkasundo na kayo sa Diyos. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Tanggapin na ninyo ang kaligtasang inaalok sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 13, 2024

 16,845 total views

 16,845 total views First Things First | February 13, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 12, 2024

 20,602 total views

 20,602 total views First Things First | February 12, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 11, 2024

 21,197 total views

 21,197 total views First Things First | February 11, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top