Obispo, dalanging hindi magdudulot ng pinsala ang bagyong Betty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,877 total views

Ipinapanalangin ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang patuloy na pamamatnubay ng Panginoon ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng Super Typhoon Betty.

Bagamat pinangangambahan ang malakas na bagyo, dalangin ni Bishop Mangalinao na hindi ito magdulot ng malaking pinsala sa kapaligiran lalo na sa buhay ng mga maaapektuhang pamayanan.

“Panginoon naming Diyos, muli kaming lumalapit sa Iyo bilang Isang sambayanan na nangangailangan ng Inyong pamamatnubay. Muli po at may nagbabantang unos na paparating sa aming bansa, Kayo po ang PANGINOON ng lahat ng nilikha. Mangyari po na Inyong papayapain ang mapanirang bagyo upang maiwasan ang pagkawasak ng mga ari-ariang Inyong kaloob at hindi makapinsala sa buhay at kabuhayan ng sambayanan. Sa pamamagitan ng Inyong makapangyarihang salita ay mapawi ang dilim ng kapaligiran at sumilay ang liwanag ng Inyong kapangyarihan,“ panalangin ni Bishop Mangalinao mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, nakaantabay naman ang mga Diocesan Social Action Centers ng Northern Luzon para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Betty.

Ayon kay Bontoc-Lagawe SAC director Fr. Apol Dulawan, maaliwalas at mainit ang panahon sa Ifugao at Mountain Province.

Sinabi naman ni Fr. Dulawan na nakahanda ang apostolic vicariate para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residente sakaling magsilikas.

Nakapanayam din ng Radio Veritas si DZEA Radyo Totoo Laoag Assistant Station Manager Fr. Melchor Palomares at sinabing wala pang sensyales ng bagyo sa lalawigan ng Ilocos Sur ngunit nakaantabay na rin ang mga kawani mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Napakainit at matindi ang sikat ng araw dito sa Laoag. PDRRMC is already in placed at the capitol as mandated by Gov. Matthew Manotoc,” ayon kay Fr. Palomares.

Batay sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Betty 1,170 kilometro silangang bahagi ng Central Luzon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 km/h, at patuloy na binabagtas ang direksyong pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 6,429 total views

 6,429 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 34,434 total views

 34,434 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,234 total views

 52,234 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,974 total views

 51,974 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,177 total views

 164,177 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,392 total views

 9,392 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top