Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 415 total views

5th Sunday of Easter Cycle A

Acts 6:1-7 1 Pt 2:4-9 Jn 14:1-12

“Huwag kayong mabalisa!” Kailangan natin ang salitang ito ni Jesus. Nababalisa tayo, naguguluhan tayo, natatakot tayo sa maraming bagay. Ang iba ay naguguluhan dahil sa kakulangan ng trabaho, kaya walang pera para sa mga mahahalagang pangangailangan ng pamilya. Ang iba ay namomoblema dahil sa ang daming trabaho. Hindi alam kung matatapos ang mga gawain sa deadline na inaasahan ng boss. Ang iba ay nababalisa kasi parang walang patutunguhan ang kanilang buhay. Mayroon namang problema dahil sa hindi pagkakasundo o pag-aaway sa pamilya o kaibigan. Ang daming dahilan sa pagkabalisa sa buhay. Jesus, ayaw nga namin na mabalisa kami. Ano ang dapat naming gawin?

Ang sagot ni Jesus ay: “manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin.” Pananalig, pananampalataya, pagtitiwala. Sinulat ni San Juan sa kanyang liham na ang tagumpay natin sa mundo ay ang ating pananampalataya. Hindi lang tayo nananalig na mayroong Diyos. Pati ang demonyo ay naniniwala na mayroong Diyos. Nananalig tayo na mahal tayo ng Diyos. Hindi na naniniwala ang demonyo dito. Mahal tayo ng Diyos kasi binigay niya ang kanyang bugtong na anak para sa atin. Mahal tayo ni Jesus sapagkat namatay na siya sa krus para sa atin. Malaki ang itinaya ng Diyos para sa atin. Pababayaan pa ba niya tayo? Kaya magagawa natin ang lahat sa pamamagitan ni Kristo na nagpapalakas sa atin. Malalampasan natin ang lahat ng problema at alalahanin kung tayo ay nagpapagabay sa kanya.

Ang unang komunidad ng mga kristiyano sa Jerusalem ay nagkaroon ng mabigat na problema. Maganda na sana ang buhay nila noon. Walang mangangailangan sa kanila kasi ang mga mayroon, pinagbibili nila ang kanilang ari-arian at binabahagi ang mga pinagbilhan nito ng mga apostol sa may pangangailangan. Walang mahirap sa kanila, kasi walang mayaman. Nagbabahaginan sila. Ang problema ng mundo ngayon ay hindi kakulangan sa kayamanan kundi kakulangan sa pagbabahaginan. Pero dumating ang araw na nagreklamo ang mga kapatid na nagsasalita ng Griego na ang mga balo nila ay hindi nagkakatanggap ng sapat na tulong kaysa mga balo ng mga nagsasalita ng Hebreo. “May favoritism!” Sabi nila. Nakarating sa mga apostol ang reklamo at kinilala nila ang kanilang pagkukulang. Dumami na ang mga mananampalataya na hindi na nila mapangalagaan na gampanan nang maayos ang pagbabahagi ng ikabubuhay sa lahat ng nangangailangan. Nag-prioritize sila. Mas mahalaga para sa kanila bilang mga apostol ang magdasal at magpahayag ng salita ng Diyos. Hindi dapat nila ito pababayaan. Pero mahalaga din ang pagbabahagi ng pangangailangan sa mga mahihirap. Kaya nagpasya sila na pumili ng pitong mga lalaki na mapagkakatiwalaan sapagkat sila ay puno ng Espiritu Santo at ng karunungan at sila na ang pagkakatiwalaan nila sa ganitong importanteng gawain. Natuwa ang lahat sa solusyon at na-solve ang problema. Sa halip na mag-away o magkaroon ng sama ng loob sa komunidad, nagkaisa ang lahat sa gabay ng Espiritu Santo sa maayos na pagharap sa problemang ito.

Ang lahat ay maaayos kung tayo ay may pananalig. Tayo ay isang lahing hinirang, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili tayo ng Diyos upang maging kanya kaya hindi niya tayo pababayaan. Present, nandiyan, ang Diyos sa buhay natin. Alam niya ang nangyayari sa atin at hindi niya tayo pababayaan.

Pero ngayong linggo binibigyan ng diin ni Jesus ang pananalig na makakarating tayo sa kanyang pupuntahan. Huwag tayong masyadong mabalisa sa mga bagay sa buhay natin ngayon sa mundong ito, kasi hindi naman tayo para lang sa mundong ito. Ang lahat ng nandito ay lilipas. Naglalakbay lang tayo sa lupang ibabaw na ito. Hindi tayo taga-rito. Ihahanda ni Jesus ang tunay na tirahan para sa atin. Kung saan siya pupunta duroon din tayo. Kapag naipaghanda na niya kung saan tayo titira, babalik siya at kakaunin tayo. Kaya anuman na kaguluhan at problema na nararanasan natin sabihin natin: lilipas din ito. Malalampasan ko ito. Sinulat ni San Pablo na para sa nagmamahal sa Diyos ang lahat ay na-uuwi sa kabutihan. At hindi natin ma-imagine ang kaligayahan na nag-aantay sa atin kung saan tayo dadalhin ni Jesus.

Saan nga ba tayo dadalhin ni Jesus? Sabi ni Jesus: “Alam ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sabi ni Tomas: “Panginoon, hindi naming alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Tama nga naman. Kaya niliwanag ni Jesus. Ang pupuntahan niya ay hindi isang lugar. Pupunta siya sa Ama, at siya lang ang daan patungo sa Ama. Ang Diyos Ama ang Manlilikha. Lahat tayo ay nanggaling sa kanya at lahat tayo ay babalik sa kanya. Siya ang simula at ang wakas. Na-intriga si Felipe. Ganoon pala kaimportante ang Ama, kaya nasabi niya: “Ipakita mo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.” Medyo nalungkot si Jesus sa kahilingang ito. “Felipe, ang tagal na tayong magkasama at hindi mo pa nalalaman na ang Ama at ako ay iisa? Ang nakakakita sa Akin ay nakakikita sa Ama. Wala naman akong sinasabi sa ganang aking sarili lang. Ang sinasabi ko ay ang narinig ko lang sa Ama. Walang naman akong ginagawa kundi ang pinagagawa ng Ama. Ang mga himala na ginawa ko ay hindi magagawa ng isang tao lamang. Ito ay nagagawa ko dahil sa ang Ama ay sumasaakin.”
Dahil si Jesus at ang Diyos Ama ay hindi magkaiba, si Jesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Si Jesus ang daan patungo sa Ama kasi siya ang Diyos na nakikita na nagpapahiwatig sa Diyos Ama na hindi natin nakikita. Siya ang katotohanan ng Ama. Sa pagtanggap natin sa kanya natatanggap natin ang buhay na galing sa Ama. Kaya hindi na dapat tayo mangapa patungo sa pupuntahan ni Jesus kasi kung lumalapit tayo at tinatanggap natin si Jesus nararating na natin ang pupuntahan niya – Ang Diyos Ama!

Ang panawagan ni Papa San Juan Pablo Ikalawa ay: “Buksan ang pintuan ng inyong mga puso kay Kristo.” Siya ang daan patungo sa buhay. Siya ang buhay. Kasama niya, hindi tayo mababalisa. Hindi ba sinabi din niya: “Lumapit kayo sa akin kayong nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan?” Hindi si Jesus pahirap sa buhay natin. Kaya nga tayo siguro nababalisa, nahihirapan, namomoblema kasi nawala na si Jesus sa ating focus. Mas nakatuon na lang tayo sa mga problema na ating hinaharap. Hindi iyan ang buhay! Hindi lang tayo para diyan. Kasama si Jesus, malalampasan natin ang lahat. Lilipas ang lahat. In the perspective of eternity, in the perspective of the love of God, things take on a new light. Sa pananaw ng buhay na walang hanggan, sa pananaw ng pag-ibig ng Diyos, ang mga bagay ay nagkaroong ng bagong liwanag at bagong kahulugan.

Huwag kayong mabalisa!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 39,525 total views

 39,525 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 47,006 total views

 47,006 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 60,146 total views

 60,146 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 66,119 total views

 66,119 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 71,871 total views

 71,871 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 2,232 total views

 2,232 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 4,543 total views

 4,543 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 10,670 total views

 10,670 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 8,799 total views

 8,799 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 11,082 total views

 11,082 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 13,988 total views

 13,988 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 14,927 total views

 14,927 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 14,921 total views

 14,921 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 18,639 total views

 18,639 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 20,485 total views

 20,485 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 20,482 total views

 20,482 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 24,991 total views

 24,991 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 30,307 total views

 30,307 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 32,465 total views

 32,465 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 34,619 total views

 34,619 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top