Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 615 total views

32nd Sunday Cycle C

2 Mac 7:1-2.9-14 2 Thess 2:16-3:5 Lk 20:27-38

Siguro naman marami sa inyo ay pumunta sa sementeryo noong Nov1 at Nov 2, o kung hindi man, gumunita at nagdasal para sa inyong mga yumao. Ang mga gawaing ito ay nagpaalala sa atin ng kabilang buhay, na may kabilang buhay na pupuntahan nating lahat. Kung gagawin natin nang maayos ang buhay natin ngayon dito sa lupa, mas maganda ang buhay na nag-aantay sa atin. Ang buhay ng tao ay hindi lang ang buhay na ito sa lupang ibabaw. Nilikha tayo ng Diyos upang maging kasama niya tayo sa buhay na walang hanggang. Makalangit tayo. Doon matutupad ang mga malalalim na hangarin natin.

Noong panahon ni Jesus may mga Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Sila iyong mga nabibilang sa Partido ng mga Saduceo. Ayon sa kanila, magkakagulo sa kabilang buhay kung ipagpapatuloy doon ang buhay natin dito sa lupa. Kaya nagbigay sila ng halimbawa ng isang babae na nakapangasawa ng pitong magkakapatid sa pag-asa na magbibigay siya ng anak sa isa sa kanila. Kung may muling pagkabuhay, sino sa pitong naging asawa niya ang magiging asawa niya sa kabilang buhay? Sabi ni Jesus na ang mali nila ay ang pag-aakala na ipagpapatuloy lang sa kabilang buhay ang kalagayan natin sa buhay na ito. Iba na ang muling pagkabuhay.

Magiging makalangit na tayo, tulad ng mga anghel. Hindi na mag-aasawa ang mga taga-roon. Huwag akalain na ito lang ang maaaring buhay ng tao. Oo, hindi malulusaw ang ating identity pero iba na tayo. Tulad tayo ni Jesus noong siya ay muling mabuhay. Siya pa nga iyon pero may pagkakaiba na, kaya hindi gaano siya nakilala ng mga alagad niya. Bigla-bigla siyang nagpapakita at nakakapasok siya sa kwartong sarado. Mawawala na ang maraming limitasyon ng ating katawan ngayon – ang ating kahinaan, ang ating mga karamdaman, ang ating katandaan. Sinabi ni San Pablo na hindi pa sumasagi sa ating kaisipan kung ano ang inihanda sa atin ng Diyos sa piling niya. Hindi natin alam, pero nakakasigurado tayo na iyan ay mabuti sa atin at magiging masaya tayo doon – walang hanggang kasiyahan!

Mas lalong pinatibay ni Jesus ang paniniwala sa kabilang buhay sa kanyang interpretasyon sa pagpapakilala ng Diyos kay Moises doon sa bundok ng Sinai. May nakita si Moises na nagliliyab na puno na hindi naman nauupos. Lumapit si Moises at doon siya tinawag ng Diyos na ipadadala siya sa Faraon, sa hari ng Egipto, upang palayain ang mga aliping Israelita. Noong tinanong ni Moises kung sino siya, nagpakilala ang tinig na siya ay ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob. Si Abraham ay higit na pitong daang taon nang patay noong panahon ni Moises, si Isaac, anim na daang taon na, at si Jacob, limang daang taon nang patay. Matagal nang patay ang mga ninunong ito pero ang Diyos ay Diyos ng mga buhay at hindi ng mga patay. Ibig sabihin, na buhay pa sina Abraham, Isaac at Jacob noong panahon ni Moises. Ito ay isang patotoo na may kabilang buhay.

Maaaring nating tanungin: Ano kung may kabilang buhay? Ano ang magagawa niyan sa buhay natin ngayon? Meaningful lang ba ang muling pagkabuhay pag namatay na tayo? Pinapakita sa ating unang pagbasa, sa aklat ng mga Macabeo, na ang paniniwala sa muling pagkabuhay ay nagbibigay sa atin ng lakas na harapin ang mga problema sa buhay na ito.

Noong panahon ng mga Macabeo ang mga Israelita ay pinipilit ng hari ng mga Griego na iwanan na ang kanilang pananampalataya. Pinipilit sila na huwag sundin ang mga kaugaliang gawain ng kanilang pagka-Hudyo. Sinusunog ang kanilang mga Banal na Kasulatan. Pinagbabawalan sila na tuliin ang kanilang mga anak na lalaki. Pinipilit silang kumain ng karneng baboy na bawal sa kanila. Nahuli ng mga Griego ang isang babae at ang pito niyang mga anak na lalaki. Pinilit silang labagin ang mga kaugalian ng kanilang relihiyon. Isa-isa silang pinapasakitan at pinapatay kung hindi sila sumunod sa utos ng hari. Pinuputol ang kanilang mga kamay at ang kanilang dila. Tinatapon sila sa apoy o sa kumukulong langis. Narinig natin sa ating pagbasa ang sagot ng apat na magkakapatid. Matapang silang sumagot sa mga kampon ng hari na tinanggap nila ang kanilang katawan mula sa Diyos at ibabalik uli ng Diyos ang katawan nila sa kabilang buhay. Parusa lang ang nag-aantay sa mga nanakit sa kanila.

Ibabalik uli ng Diyos ang mga kamay at paa nila na pinutol ng mga umuusig sa kanila. Noong mapatay na ang pitong magkakapatid, pati ang nanay ay pinatay rin. Nakita niya ang isa-isang pagpatay sa kanyang mga anak. Hindi nanghina ang loob niya. Siya pa nga ang nanghikayat sa kanyang mga anak na maging matatag.

Ano ang nagbigay ng tapang sa mga magkakapatid at sa kanilang ina na manindigan sa kanilang pananampalataya? Ang kanilang pananalig na may kabilang buhay! Hindi nagtatapos ang buhay nila dahil sa sila ay pinatay. May kabilang buhay na mas maganda at walang hanggan ang nag-aantay sa kanila. Nandoon ang gantimpala nila. Ang pananalig sa muling pagkabuhay ay nagbibigay ng lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok sa atin sa buhay na ito. Ito ang nangyari sa pitong magkakapatid. Dahil sa pananalig na ito pinagpatuloy ng mga Macabeo ang kanilang pakikipagdigma sa mga paganong Griego na umuusig sa kanila. Ang paniniwala sa muling pagkabuhay ang nagbigay ng tapang sa mga unang Kristiyano sa loob ng unang tatlong daang taon ng kasaysayan ng simbahan na harapin ang mga leon at mababangis na hayop, ang pagsusunog sa kanilang katawan, ang pagpugot ng kanilang mga ulo at ang pagsaksak sa kanila. Ang muling pagkabuhay ang nabigay ng paninindigan kay San Lorenzo Ruiz noong siya ay pinako sa krus sa Nagasaki at kay Pedro Calungsod na harapin ang sibat sa Guam upang ipagtanggol ang isang misyonero. Ito rin ang nagbigay ng tapang sa 21 na Kristiyanong Egipciano na pinugutan ng ulo ng mga Al-Qaeda sa dalampasigan ng Libya noong 2015. Hindi natatakot na mamatay ang mga Kristiyano sa Pakistan at sa Nigeria na magsimba linggo-linggo kahit na may panganib na atakihin at pasabugin ang kanilang simbahan.

Kaya ano ang nagagawa ng paniniwala sa kabilang buhay? Ito ay nagbibigay ng tapang na patuloy na isabuhay at panindigan ang pananampalataya sa harap ng pagsubok. Ito rin ay nabibigay sa atin ng kahulugan sa ating pagsisikap na maging malapit sa Diyos at tumulong sa ating kapwa, kasi alam natin na anumang kabutihan, kahit na maliit, na ating nagagawa ay hindi mawawalan ng kanyang gantimpala. Kaya hindi tayo nanghihinayang na magbalik handog ng ating panahon, talino at yaman. Ito rin ang nagbibigay aliw sa atin na ang mga mahal natin sa buhay na tinawag na ng Diyos ay hindi nawala sa ating buhay. May kaugnayan pa rin tayo sa kanila, tayo na nasa buhay na ito at sila na nasa kabilang buhay na, at balang araw magkikitang muli tayo sa tahanan ng ating Ama.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,434 total views

 7,434 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,574 total views

 20,574 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,547 total views

 26,547 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,302 total views

 32,302 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,564 total views

 39,564 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 510 total views

 510 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,824 total views

 2,824 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,951 total views

 8,951 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,080 total views

 7,080 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,363 total views

 9,363 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,269 total views

 12,269 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,208 total views

 13,208 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,202 total views

 13,202 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,920 total views

 16,920 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,766 total views

 18,766 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,763 total views

 18,763 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,272 total views

 23,272 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,588 total views

 28,588 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,746 total views

 30,746 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,903 total views

 32,903 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top