Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,028 total reads

29th Sunday in Ordinary Time Cycle C
World Mission Sunday
Sunday of Culture
Ex 17:8-13 2 Tim 3:14-4:2 Lk 18:1-8

Nagdarasal ka ba? Ang mabilis na sagot ng marami ay “oo, nagdadasal ako.” Pero nagdadasal ka ba ng palagi? Napapaisip na tayo… ahh… paminsan-minsan ….. ahh…. sa gabi lang…..ahh… pag may pangangailangan lang ako. Mabuti at nagdarasal tayo, pero ang hinihingi sa atin ng Diyos sa mga pagbasa natin ay magdasal ng palagi, ng walang tigil. Sa ating ebanghelyo ibinigay ni Jesus ang talinhaga upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. Huwag tayong magsawa sa pagdarasal. Sa talinhaga ni Jesus kahit na ang isang hukom ay walang takot sa Diyos at walang pakialam sa kapwa, nadala siya sa pababalik-balik na paglapit sa kanya ng isang balong babae na humihingi ng katarungan. Walang kakayahan ang babae. Balo siya at marahil mahirap at walang kakilala. Pero may tiyaga siya at bandang huli nakuha niya ang kanyang hinihingi.

Ang Diyos ay mabait at mapagbigay. Lalo niya tayo pagbibigyan kung tayo ay hindi sumitigil sa pagdasal. Pero ang tanong, may pananalig ba tayo sa kabaitan ng Diyos na magtitiyaga tayo sa pagdarasal sa kanya. Baka naman dahil sa hindi ka pinagbigyan sa pagdasal mo ng isang rosary, ay tumigil ka na at sinisi mo na ang Diyos na hindi nakikinig sa iyo? Madalas hindi agad binibigay ng Diyos ang hinihingi natin kasi gusto niyang tingnan kung talagang serioso tayong naniniwala na mabuti at kailangan natin ang ating hinihingi. Sinusubok din niya ang pananalig natin, kung ito ba ay totoo o siklab lang ng damdamin. O kaya hindi niya ibinigay ang ating hinihingi dahil sa may mabuti pa siyang ibibigay sa atin.

Si Jesus mismo ay matiyagang nagdarasal. Sinasabi sa atin sa Bibliya na si Jesus ay madatagal magdasal, minsan magdamag pa. Gumigising pa siya ng maaga para makahanap ng panahon na tahimik makapagdasal. At paulit ulit din siyang nagdasal. Noong nasa jarden siya ng Getsemani paulit-ulit niyag sinabi na Diyos Ama na kung maaari huwag niyang inumin ang kalis ng kahirapan. Binigay ba sa kanya ang kanyang hinihingi? Hindi! Dinakip siya sa jarden ding iyon, pinasakitan, binugbog, dinusta at ipinako sa krus. Bakit? Ngayon alam natin bakit. Kasi may mas mabuting ibibigay pa sa kanya ang Diyos Ama. Ang muling pagkabuhay! Ang muling pagkabuhay niya ay hindi lang ang pagbabalik niya buhay na buhay. Ito ay bagong buhay, buhay na maluwalhati na ibinigay sa kanya. Natanggap niya ito dahil siya ay nagdusa at namatay!

Ang pagtitiyaga sa pagdarasal ay pinakita din ni Moises sa ating unang pagbasa. Sa kanilang palalakbay sa disyerto daraan ang mga Israelita sa teritoryo ng mga Amalecita. Ayaw silang padaanin ng mga ito. Sa halip, hinadlangan pa sila at inaway sila. Inutusan ni Moises si Josue na bumuo ng isang army at sagupain ang kaaway. Matanda na si Moises noon, mga isang daang taong gulang na siya. Umakyat siya sa taas ng burol na sinusubaybayan ng labanan sa iba. Tinulungan niya sila sa kanyang pagdarasal. Itinaas niya ang kanyang kamay na hawak-hawak ang mahiwagang baston. Habang nakataas ang kanyang kamay, nananalo sina Josue at ang mga Israelita. Pero napapagod siya. Bumababa ang kanyang kamay. Nananalo naman ang mga Amalecita. Napansin ito nina Aaron at Hur. Pinaupo nila si Moises sa isang bato at sinuportahan ang kamay ni Moises upang palagi itong nakataas. Samakatuwid,sinupurtahan nila si Moises habang siya ay nagdarasal. Dahil sa palagiang dasal ni Moises nanalo ang mga Israelita.

Ang labanan ay hindi lang nadadala ng galing, o ng lakas o ng sandata ng mga kawal. Kailangan din ng dasal upang manalo. Kaya kailangan din natin ang prayer warriors, ang tagapagdasal. Ito ang misyon ng mga Apostolada ng Panalangin. Sila ang tagapagdasal sa simbahan. Marami tayo nagagawa dahil sa panalangin ng tagapagdasal natin.

Ngayon ay World Mission Sunday. Inaalaala natin ang huling habilin ni Jesus bago siya umakyat sa langit, na ipagpatuloy natin ang kanyang misyon, abutin natin ang dulo ng daigdig ng Magandang Balita, na ang grasya ng binyag at ng kaligtasan ay matanggap ng lahat. Marami pa ang kailangang abutin. Dahil sa hindi pa tinatanggap ang Magandang Balita ng pagmamahal ng Diyos, ng pagpapatawad at ng kapayapaan kaya magulo ang ating mundo. Maraming giera, maraming tao, maraming pera at maraming kaalaman at technology ay ginugugol upang gumawa ng mga bomba at mga instrumento na pampatay. Kailangang-kailngan natin ng mga misyonero ng pag-ibig. Magdasal tayo sa Diyos na magpadala pa ng lalong maraming misyonero. Tandaan natin, makapangyarihan at mabisa ang palagiang dasal.

Sinulat ni San Pablo kay Timoteo, alang-alang kay JesuKristo, “ipangaral mo ang salita ng Diyos napapanahon man o hindi. Hikayatin mo, pagsabihan at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.” May sandata tayo na dapat palaging gamitin sa ating panalangin at sa ating pakikibaka sa kasamaan. Iyan ay ang buhay na Salita ng Diyos na matulis at mabisa. Maging matiyaga din tayo sa paggamit ng Salita ng Diyos. Kapag ginagamit natin ito sa pagpapahayag, sa pagpapaliwanag at pagninilay, tayo ay nagdarasal na.

Isang paraan upang tayo ay makapagdasal ng palagi ay ang pagpapahayag ng maiikling kataga habang tayo ay naglalakad, sumasakay sa jeep, naglalaba o nagluluto. Sabihin lang natin: Jesus mahal kita; o Diyos maawa ka; o halina na banal na Espiritu; o Mama Mary pray for me. Sa maiikling pangungusap na ito nakikipag-connect tayo sa Diyos at tayo ay nagdarasal. Ugaliin natin ito upang anumang oras na dumating si Jesus madatnan niya tayo nananalig sa kanya kasi patuloy tayong nagdarasal.
May second collection po tayo ngayong araw bilang tulong sa ating mga misyonero.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 118,283 total reads

 118,283 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 151,612 total reads

 151,612 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 183,756 total reads

 183,756 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 249,818 total reads

 249,818 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 261,481 total reads

 261,481 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily September 20 2026

 13,506 total reads

 13,506 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 12,182 total reads

 12,182 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »

Homily September 6, 2026

 18,096 total reads

 18,096 total reads 23rd Sunday in Ordinary Time Cycle A Ez 33:7-7 Rom 13:8-10 Mt 18:14-20 Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man liban sa

Read More »

Homily August 30, 2026

 29,029 total reads

 29,029 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »
Scroll to Top