Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,465 total views

23rd Sunday of Ordinary Time Year A

Eze 33:7-9 Rom 13:8-10 Mt 18:15-20

Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man pero bayaran ninyo ang utang na magmahalan. Iyan ang sinulat ni San Pablo. Ang utang ay isang sagutin. Iyan ay dapat bayaran. Huwag dapat tayo magkaroon ng anumang utang para wala tayong babayaran. Pero may isang sagutin na dapat natin palaging bayaran – iyan ay ang magmahal. Ang ibig sabihin nito na ang pagmamahal ay isang obligasyon na dapat gampanan, ito ay parang isang utang na dapat bayaran. Tandaan natin na ang pinakautos sa atin bilang mga Kristiyano ay: Mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili. Kung hindi natin ginagawa ito, may pagkukulang tayo; may kasalanan tayo. Dapat nating punan ang ating pagkukulang!

Oo, dapat nating mahalin ang Diyos sapagkat tayo ay galing sa kanya at minahal niya tayo nang buong-buo. Ganoon na lang ang pag-ibig niya sa atin na ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang anak para sa atin. Ganoon na lang ang pag-ibig ng Anak ng Diyos sa atin na namatay siya para sa atin. Kaya hindi ba nararapat man lamang na mahalin natin siya nang higit sa lahat?

May obligasyon din tayo na mahalin ang ating kapwa, pati na nga ang ating kaaway. Ito ay ang utos ni Jesus. Kung hindi natin sinusunod ang utos ni Jesus, hindi natin siya mahal. Sinabi ni Jesus na makikilala tayo na mga alagad niya sa ating pagmamahal sa bawat isa.

Hindi natin madaling maintindihan ang pag-ibig bilang isang obligasyon o bilang utos kasi sa kaisipan ng marami ang pag-ibig ay nakasalalay lamang sa damdamin. It is all in the feeling. At hindi natin nauutusan ang feeling. Nadadala lang tayo ng damdamin. Basta na lang ito dumadating. Oo, may feeling nga sa pagmamahal pero hindi ito ang pinaka-elemento ng pagmamahal. Alam naman natin na ang feeling ay hindi tumatagal. Hindi ito maaaring maging basehan ng ating buhay at ng ating pangmatagalang relasyon. Hindi permanente ang feeling. Hindi ito maaasahan. May isa akong pinsan na nabulagan dahil sa pag-ibig. Sinuway niya ang kanyang nanay. Hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral. Nagpakasal sa lalaki na wala namang maayos na ugali. Hindi nga nagtagal ang kanilang pagsasama. Naghiwalay din sila. Natanim sa isip ko ang ipinagtapat niya sa akin: kung noon, ganoon ko siya minahal na iniwan ko ang lahat alang-alang sa kanya, ngayon ganyan na lang ang pagkamuhi ko sa kanya na ayaw ko manlang siyang makatabi. Hindi maaasahan na pag-ibig na nasa damdamin lang bilang basehan ng ating relasyon.

Ang pagmamahal ay hindi isang damdamin lang. Ito ay isang desisyon. Ito ay nanggagaling sa ating kalooban. Ginugusto nating umibig, kaya ang magmahal ay maaaring iutos, kasi magagawa natin ito kung kailan at kung kanino natin ito ibibigay. Dinidisisyunan ko na hindi ako magagalit sa kanya, na pagbibigyan ko siya, na tutulungan ko siya, na papatawarin ko siya. Ito ay nadidisisyunan. At ito ay pag-ibig! Kaya nga kailangan ng control sa sarili para magmahal nang tunay. Kailangan ng sapat na maturity para umibig.

Sinulat ni San Pablo: “Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ay ang kabuuan ng kautusan.” Kung umiibig tayo ginagawa na natin ang mga kautusan ng Diyos. Hindi tayo gumagawa ng masama, bagkus gumagawa pa tayo ng mabuti sa iba.

Kasama ng pagmamahal sa kapwa ay ang pagtulong sa kanya na hindi siya mapasama. May maraming bagay sa buhay natin na alam natin, pero may mga bagay din sa ating buhay na hindi natin alam pero nakikita ng iba. Nakikita ng iba na may muta tayo pero hindi natin ito nakikita. Alam ng iba na may bad breath tayo pero madalas hindi natin ito nalalaman. Nararanasan ng iba na may ugali tayo na magaspang sa ating pagkilos o sa ating pananalita pero maaaring para sa atin natural na lang ito, pero nakaka-offend na pala tayo sa iba. Kaya kung talagang concern tayo sa ating kapwa, sasabihin natin sa kanya na may muta siya, na may bad breath siya, o nakakasakit ang kanyang pananalita. Kaya bahagi ng pagmamahal ay magbigay ng warning o magtuwid sa kapwa.

Iyan ang ibig sabihin ni propeta Ezekiel ng bantay. Noong panahon ng Lumang Tipan, ang mga lunsod ay pinapaikutan ng muog upang maligtas mula sa mga kaaway. Mayroon silang mataas na tore sa muog kung saan nakatayo ang bantay at nagmamasid sa kapaligiran. Kung may nakita siyang kaaway sa dumadating, hinihipan niya ang kanyang trumpeta. Kapag narinig ng mga nasa paligid ang tunog ng trumpeta, magsisitakbuhan sila papasok sa lunsod at sasarhan ang pintuan. Hindi na sila mahuhuli ng mga kaaway. Ligtas na sila. Ang hindi kumilos ay mahuhuli ng kaaway at ginagawang alipin.

Ang propeta ay ang bantay ng kanyang bayan. May mga pinararating ang Diyos bilang babala sa mga tao. Dapat sabihin ito ng propeta sa mga tao upang sila ay magbago at hindi mapahamak. Kung hindi niya sasabihin sa kanila, ang mga tao ay mamamatay dahil sa kanilang pagsuway o pagpapabaya, pero ang propeta rin ay mananagot sa kanilang pagkapahamak. Siya rin ay paparusahan. Pero kung nagbigay ang propeta ng warning at hindi nakinig ang pinagsabihan, paparusahan ang nagkasala dahil sa kanyang kasamaan pero ang propeta ay maliligtas. Hindi siya parurusahan kasi nagbigay siya ng nararapat na babala.

Tayong lahat, ang bawat isa sa atin ay may tungkulin ng isang bantay. Kung may gumagawa ng masama, lalo na kung masama laban sa atin, dahil sa ating pagmamahal sa kapwa, may tungkulin tayong ipaalam sa kanya ang kanyang pagkakamali. Baka naman hindi niya namamalayan ang kanyang kasamaan. Hindi natin alam, sa ating pagtawag ng kanyang pansin, baka magbago na siya. Pero kung ayaw maniwala sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa na makapagpapatotoo sa sinabi mo. Kung ayaw pa ring maniwala, sabihin na sa buong kapulungan. Kung ayaw pa rin magbago, ituring na siyang hindi ninyo kasama. Idedma mo na. May proseso na dapat nating sundin.

Nakakalungkot na iba ang kaugalian nating mga Pilipino. Kapag gumagawa ng masama ang isang tao ayaw nating sabihin ito sa kanya, siguro nahihiya o natatakot tayo. Kaya sinasabi natin sa iba. Kaya pinag-uusapan na siya ng mga tao at hindi niya alam kung bakit. Kung hindi man imarites sa iba, umiiwas na lang tayo sa kanya at dinidedma natin siya. Kaya nagtataka siya bakit iniiwasan na siya ng mga kasama. Wala tayong lakas ng loob na kumprontahin siya, na sabihin sa kanya nang derechahan kung ano ba ang napapansin natin. O minsan pa, kinukonsinte na lang natin siya sa kanyang kamalian.

Madalas namin ito maranasan bilang mga pari o leader ng simbahan. Dahil sa mataas ang tingin o paggalang sa mga pari, walang tumutuwid sa amin. Kung masakit si Father magsalita sa sermon o kung hindi naghahanda si Father ng sermon, walang nagsasabi sa kanya. Umiiwas na lang tayo. Hindi na tayo nagsisimba. O pinag-uusapan na lang natin siya. O basta na lang nagagalit sa kanya. Pero kung tayong lahat ay nagiging bantay sa bawat isa, nagbibigay tayo ng comments, pinapaabot natin ang ating obserbasyon, sa ganoong paraan, nakakatulong tayo na mag-improve ang bawat isa at mas maging mabubuti sa ating mga gawain. Iyan ang sagutin ng taong nagmamahal. Ibig niyang mapaayos ang kanyang kapwa. Huwag tayong manahimik sa harap ng kasamaan o pagkakamali. Makiisa tayo sa pagtanggal ng kasamaan. Pagsabihan natin at ituwid ang nagkakamali o gumagawa ng masama. Ginagawa natin ito dahil mahal natin siya!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,835 total views

 5,835 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,316 total views

 13,316 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 26,456 total views

 26,456 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 32,429 total views

 32,429 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,183 total views

 38,183 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 768 total views

 768 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 3,081 total views

 3,081 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 9,208 total views

 9,208 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,337 total views

 7,337 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,620 total views

 9,620 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,526 total views

 12,526 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,465 total views

 13,465 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,459 total views

 13,459 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 17,177 total views

 17,177 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 19,023 total views

 19,023 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 19,020 total views

 19,020 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,529 total views

 23,529 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,845 total views

 28,845 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 31,003 total views

 31,003 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 33,159 total views

 33,159 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top