Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,927 total views

25th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Am 8:4-7 1 Tim 2:1-8 Lk 16:1-13

Kapag binubuksan natin ang ating TV o ang ating radio sa mga balita, naiinis lang tayo. Ang mga balita ay tungkol na lang sa maraming kasamaan – corruption, guerra, patayan, pandaraya. Totoo, may mga kasamaan din na dala ng kalikasan tulad ng baha o lindol. Pero ang mga epekto nito ay pinapalala dahil sa corruption at mga ghost projects. Bilyon-bilyong pera ng bayan ay nawawala at hindi napapakinabangan ng taong bayan dahil sa mga katiwalaan. Parang kalat na kalat na ang kasamaan at malawak ang epekto sa maraming tao.

Pero kung susuriin natin, hindi naman marami ang gumagawa ng masama. Marami naman sa mga tao na kilala natin ay hindi masasama. Kakaunti lang ang talagang gumagawa ng masama. Marami sa mga kawani ng pamahalaan ay hindi naman corrupt. May mga opisyales ng gobyerno ay matitino naman. Hindi naman lahat ng mga Israelis ay gusto ng digmaan. Mga leaders lang naman ng Israel na mga rightists ang gustong gutumin at ubusin ang mga Palestinians. May mga Russian soldiers na tumatakas sa labanan. Ayaw nila ng digmaan sa Ukraine. Si Putin lang naman at ang mga cronies niya ang ibig sakupin ang Ukraine.

Ang mga masasama ay hindi naman marami pero desidido sila at mapamaraan sa paggawa ng masama. Ito ay ipinakita sa atin ni propeta Amos sa ating unang pagbasa. Ang mga masasama ay sumusunod naman sa batas ng Diyos na ipangilin ang Araw ng Pamamahinga. Hindi sila nagbi- business sa araw na ito. Kunwari nagpapahinga sila pero wala ang puso nila sa pagsamba sa Diyos. Naiinip nga sila na hindi sila makapag-business. Gustung gusto na nilang magtinda at nagplaplano pa sila paano mandaya sa kanilang pagtitinda. Dadayain nila ang timbangan. Tataasan ang presyo. Pati ang mga walang pakinabang tulad ng tulyapis ng trigo ay kanila pang ibebenta. Aapihin nila ang mga dukha na sila ay ipagbibili na mga alipin kahit na sa halaga lamang ng sandalyas. Nagplaplano ang masasama paano kumita kahit na dayain pa ang iba.

Ganoon din ang ginawa ng katiwala na hindi tapat sa ating ebanghelyo. Noong papaalisin na siya ng kanyang amo dahil sa kanyang kapabayaan, nagplano na siya paano siya mabubuhay pagkatapos na mapaalis siya. Mawawalan na siya ng trabaho. Ang naisip niya ay lokohin pa ang kanyang amo. Kukunin niya ang loob ng mga cliente ng amo niya. Babaguhin niya ang mga resibo ng mga may utang sa kanyang amo at papaliitin ang kanilang mga utang. Kung mawala na siya sa poder, tatanggapin siya ng mga taong ito dahil sa pinagbigyan niya sila.

Ang nakakataka ay pinuri ang di tapat na katiwalang ito ng kanyang amo noong malaman niya ang katiwalian na ginawa niya. Narinig natin ang sinabi si Jesus: “Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga maka-sanlibutan ay may mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.”

Mga kapatid, ang mga makamundo, ang mga makasalanan at ang mga masasama ay matalino na gumawa ng pamamaraan upang ipalaganap ang kanilang plano at palawakin ang kanilang influensiya. Hindi ganoon kasigasig ang mga taong mabubuti. Pabaya sila sa pagpapalaganap ng kabutihan. Wala nga silang pakialam kung kumalat ang kabutihan o hindi. Kontento na lang sila na sila ay mabuti. Hindi sila nagsisikap na influensiyahan ang iba sa kabutihan. At ang masama pa, wala silang pakialam sa kasamaan na nangyayari. Hinahayaan na lang nila na lumago at kumalat ang kasinungalingan, ang kasamaan at ang pandaraya. Hindi kailangan na marami ay maging masama para lumala ang kasamaan. Sapat na may iilang masasama ang nagpapakalat nito at ang karamihang hindi masama ay hinahayaan lang lumaganap ito. Ang hindi pakikialam ng hindi masama ay ang dahilan sa pagkalat ng kasamaan.

Ilan lang naman ang mga corrupt sa barangay, pero ang mga tao ay tahimik lang sa katiwalian na nangyari kaya patuloy at lumalaki ang corruption.

Bakit ba tumatahimik lang ang mga taong hindi gumagawa ng masama? Akala nila na mabuti sila kasi hindi sila gumagawa ng masama. Hindi! Sa katahimikan nila lumalala ang kasamaan kaya naging bahagi sila sa paglawak ng kasamaan. Hindi sapat na hindi gumagawa ng masama. Gumagawa ba tayo ng mabuti? Pinipigilan ba natin ang kasamaan? Kung tayong lahat ay pupunahin natin ang masasama, hindi sila mangangahas na gumawa ng kahihiyan, at talagang kahihiyan ang kasamaan! Kung bibistuhin ang mga nagsisinungaling, ang nandaraya, ang nagnanakaw, ang corrupt – hindi sila dadami at hindi lalaganap ang kanilang kasamaan. Huwag po tayong matakot na manindigan. Huwag lamang tayo mananahimik. Magsalita at makialam tayo. Sa panahon ng social media tayong lahat ay maaaring magsalita. I-bush natin ang kasamaan. Sabihin natin na itigil na ng Israel ang digmaan sa Gaza. Sabihin nating lahat sa social media na ikolong na ang mga corrupt, lalo na ang mga corrupt na mambabatas.

Si Jesus mismo ay hindi nanahimik sa kayabangan at sa pagkukunwari ng mga Pariseo at Saduceo, ang mga leaders ng kanyang bayan. Dahil nagsalita siya kaya siya ay pinahuli, pinagbintangan, hinatulan at ipinapatay. Nanindigan si Jesus. Hindi niya hinayaan na patuloy dayain at pagsamantalahan ng mga leaders ang mga tao. Itong Jesus ang sinusundan natin at tinutuluran natin. Manindigan tayo at itaguyod ang kabutihan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 3,433 total views

 3,433 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 26,455 total views

 26,455 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 65,949 total views

 65,949 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 81,542 total views

 81,542 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily June 21, 2026

 2,565 total views

 2,565 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »

Homily June 14, 2026

 9,904 total views

 9,904 total views 11th Sunday in Ordinary Time Cycle A Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8 Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay

Read More »

Homily June 7, 2026

 13,440 total views

 13,440 total views Corpus Christi Cycle A Dt 8:2-3.14-16 1 Cor 10:16-17 Jn 6:51-58 Ang isang katangi-tanging tanda ng ating pagiging Katoliko ay ang pagtanggap natin

Read More »

Homily May 31 2026

 19,990 total views

 19,990 total views Holy Trinity Sunday Cycle A BEC Sunday Ex 34:4-6.8-9 2 Cor 13:11-13 Jn 3:16-18 Kung hindi natin kilala ang isang tao, hindi tayo

Read More »
Scroll to Top