VeritasPH

The Word, The Truth

 543 total views

25th Sunday of Ordinary Time Cycle A

Migrants’ Sunday and National Seafarers’ Sunday

Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16

Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas niya sa atin. Pinapaalalahanan tayo ng katotohanang ito ng wika ng Diyos na pinaaabot sa atin ni propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Wika ng Panginoon: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala.” Pero hinihikayat tayo ng Banal na Kasulatan: “Hanapin ang Panginoon samantalang siya’y inyong makikita.” Makikita ba natin, maiintindihan ba natin ang Diyos na ibang-iba sa atin? Oo, kasi siya mismo ay lumalapit sa atin. Pinapaabot niya sa atin ang kanyang salita. Pinapaalam niya ang kanyang pamamaraan. Kaya habang lumalapit siya, tanggapin natin siya. Maniwala tayo sa kanyang salita, sundin natin ang kanyang pamamaraan. Baguhin natin ang ating pag-iisip upang makuha natin ang pananaw ng Diyos. Magtiwala tayo sa kanya.

Ang kakaibang pamamaraan ng Diyos ay pinaabot sa atin ngayon sa talinhaga ni Jesus. Dalawang bagay ang pagkakaiba ng Diyos: ang kanyang pagtawag at ang kanyang paggantimpala. Ang Diyos ay palaging tumatawag. Lumalabas siya palagi upang maghanap ng manggagawa. Magandang balita ito sa ating panahon na hirap ang mga tao na maghanap ng trabaho. Pero iba ang Diyos. Palaging may gagawin sa kanyang ubasan. Nagpadala siya ng manggagawa ng alas seis ng umaga, ng alas nuebe, ng tanghali, ng alas tres ng hapon at pati na nga ng alas singko ng hapon. Ang buong araw na trabaho noon ay six to six – labing dalawang oras at hindi walong oras lang tulad ng sa atin. Limang beses siyang lumabas, at sa bawat panahon nagpapadala siya ng manggagawa. Maraming trabaho sa ubasan ng Panginoon. May gawain para sa lahat sa kanyang kaharian.

Kakaiba rin ang kanyang pagbibigay ng sahod o gantimpala. Generous siya. Binibigyan niya ng maayos na sahod, at sobra pa sa inaasahan, pati na sa mga huling nagtrabaho. Totoo siya sa kanyang salita: “Pumaroon kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” Binigyan niya ang lahat ng tig-iisang dinaryo. Ang isang dinaryo ay ang sahod para sa maghapong trabaho. Iyan din ang pinagkasunduan niya sa mga nagtrabaho mula nang alas seis ng umaga – isang dinaryo. Nagkasundo sila at iyan ang ibinigay niya sa kanila. Nagalit ang mga ito. “Buong araw kaming nagtrabaho sa napakainit na araw ay pareho lang ang sweldo na ibinigay mo sa amin at sa nagtrabaho ng isang oras lang.” Oo naman, sa ating pananaw, hindi ito makatarungan. Mas nahirapan ang nagpawis ng labing dalawang oras kaysa nga trabaho ng isang oras lang. Dapat mas mataas ang matatanggap nila. Pero iba ang pamamaraan ng Diyos. Una, hindi naman nila masasabi na hindi siya makatarungan kasi iyan naman ang pinagkasunduan nila at iyan naman ang kalakaran noon – isang dinaryo sa maghapong trabaho. Ano kung ginusto niyang bigyan din ng ganoong halaga ang iba na nagtrabaho lang ng anim na oras o ng isang oras lang? Hindi ba kanya naman ang pera na ibinibigay? Wala ba siyang karapatang gamitin ang kanyang salapi ayon sa kanyang kagustuhan?

Iba ang pamamaraan ng Diyos. Hindi sahod lang ang kanyang binibigay. Ang binibigay niya ay biyaya, ay grasya. Ito ay nagdedepende hindi ayon sa ating ginagawa, kundi ayon sa kanyang kagandahang loob. Ano ba ang tingin natin sa Diyos? Isang boss ng isang kompanya, o isang supervisor na nagmamasid sa atin at gumagantimpala sa atin ayon sa ating kabutihan, ayon sa deserve natin? Iyan ang problema sa atin. Gusto natin ng katarungan. Totoo kailangan ng katarungan pero hindi lang katarungan ang batayan. Nandiyan din ang habag, nandiyan din ang kagandahang loob. Hindi tayo nakikipagkomersiyo sa Diyos. Hindi lang siya tagabayad ng lahat na pagsisikap natin. Siya ay Amang mahabagin. Labis-labis kapag siya ay magbigay, hindi lang ayon sa ating deserve kundi ayon sa kanyang pagmamahal sa atin, at malaya siyang magmahal, malaya siyang maggantimpala.

Huwag ikumpara ang ating sarili sa iba sa ang ating natatanggap sa Diyos. Bigyan natin ng kalayaan ang Diyos na maging mahabagin. Hindi naman siya magkukulang sa kanino man, pero may katangi-tangi siyang pagmamahal sa bawat isa. Dahil sa iyan ay katangi-tangi, hindi iyan magkapareho.

Ang pag-ibig na ito ng Diyos na mapagbigay ay pinakita sa atin bago siya mamatay sa krus. Ang unang nakapasok sa langit noong siya ay mamatay ay ang magnanakaw na nakapako sa kanyang kanan. Masama ang taong ito kaya siya pinako sa krus. Inamin niya na nararapat siyang parusahan. Dahil sa inamin niya ang kanyang kasamaan at kinilala niya ang pagkahari ni Jesus, pinangakuan siya ng langit. Sabi ni Jesus sa kanya: “Ngayon di’y isasama kita sa Paraiso!” Makatarungan ba si Jesus sa paggantimpala sa kanya kaagad ng langit? Maaari nating sabihing: Hindi! Pero siya ay mahabagin. Habag ang kumilos dito at hindi katarungan.

Kung ganito ang pamamaraan ng Diyos, ano ang gagawin natin? Una, maging palaging handa na magtrabaho sa kaharian ng Diyos. Wala makasasabi, huli na ako. Huli ko na nakilala ang Diyos. Napakasama ko na. Hindi na ako karapat-dapat. Walang huli para sa Diyos. Sa lahat ng panahon lumalabas siya at nagtatawag ng magtratrabaho para sa kabutihan. Maraming kabutihan ang maaaring magawa. It is never too late to do good.

Pangalawa, gumawa tayo ng kabutihan na hindi nag-aabang ng kapalit. May gantimpalang darating pero hindi ito nagdedepende sa magiging ouput o resulta ng ating ginagawa. Sa business ngayon sinusukat ang tao sa kanyang output, sa perang dinadala niya sa kumpaya. Mahalaga ang tao kasi nakaka-produce siya, kasi may pakinabang siya sa kompanya. Sa mata ng Diyos ang halaga ng tao ay hindi ayon lang sa kanyang galing o sa resulta ng kanyang nagagawa. Ang tao ay mahalaga kasi tao siya na mahal niya, kaya mahalaga ang mga matatanda kahit wala na silang output, mahalaga ang mga may kapansanan kahit na mas mabagal o mas mahina sila kaysa karamihang tao. Sana po makita natin ang ganitong pamamaraan ng Diyos. Kaya gumawa tayo ng kabuti ayon sa ating makakaya. Alam at kinikilala ng Diyos ang bawat kabutihan na nagagawa natin. Sabi nga ni Jesus na kahit na ang nagbigay ng isang basong malamig na tubig sa alagad niya ay hindi mawawalan ng kanyang gantimpala.

Pangatlo, iwasan natin ang paghahambing. Kung walang ibang manggagawa na pinapunta ng may ari sa kanyang ubasan, siguro hindi magrereklamo ang mga nagpagal ng maghapon na nakatanggap sila ng isang dinaryo. Iyan naman ang kalakaran. Iyan naman ang kasunduan nila. Nagreklamo sila kasi nakita nila na pareho ang natanggap ng iba kahit na kaunting oras lang ang kanilang trabaho. Nag-compare sila kaya nagreklamo sila. Hindi nila nakita na gumaan, at siguro naging masaya ang trabaho nila kasi marami ng ibang naging kasama nila sa trabaho. Sahod lang ang nakita nila.

Ngayong Linggo ay ang Seafarers’ Sunday at Migrants’ Sunday. Pinapaabot sa ating pansin ang ibang mga manggagawa sa ating lipunan, at nakaparami nila, higit na sampung milyong Pilipino. Dahil na nakapapadala sila ng pera, kinaiinggitan sila ng marami. “Mabuti pa nakasakay na ng barko ang anak mo.” “Mabuti pa sila, ang nanay nila ay nasa Saudi Arabia.” Again, nakikita lang natin ang sahod nila. Pero nandiyan ang maraming kalungkutan na tinatago lang nila. Ang kahirapan na magtrabaho sa isang dayuhang bansa. Madali silang pagsamantalahan. Nandiyan ang matinding kalungkutan. Nandiyan ang mga tukso. Madaling matukso ang taong malungkot na may pera. Pahalagahan po natin ang kahirapan at pagsisikap ng ating mamalakaya at ng ating mga OFW at ang iba pang migrante.

Dito sa Palawan karamihan sa atin ay mga migrante. Hindi tayo taga-rito. Nahirapan ang mga magulang natin o tayo mismo na mag-adjust. Nandito nga tayo nakatira at nagtratrabaho pero ang kahalati ng puso natin ay nasa Cuyo, sana Masbate, nasa Samar o nasa Bohol. Ipagdasal at unawain natin ang mga migrante at mga nagtratrabaho sa dagat.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 15,511 total views

 15,511 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 23,556 total views

 23,556 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 28,636 total views

 28,636 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,342 total views

 34,342 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,130 total views

 43,130 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 740 total views

 740 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,869 total views

 6,869 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,998 total views

 4,998 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,281 total views

 7,281 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 10,187 total views

 10,187 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,126 total views

 11,126 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,120 total views

 11,120 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,838 total views

 14,838 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,684 total views

 16,684 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,681 total views

 16,681 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,190 total views

 21,190 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,506 total views

 26,506 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,664 total views

 28,664 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,822 total views

 30,822 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,171 total views

 31,171 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top