Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Honesty is (still) the best policy

SHARE THE TRUTH

 230 total views

Mga Kapanalig, nang tanungin ng media si Davao City Mayor Sara Duterte tungkol sa kanyang reaksyon sa mga kumikuwestyon sa integridad ng kanyang mga ‘ika nga’y manok sa darating na halalan sa Mayo, ito ang eksakto niyang sinabi: “…hindi dapat nagiging issue ang honesty ngayon.” Katwiran ng chairperson ng Hugpong ng Pagbabago, walang kandidatong hindi nagsisinungaling. Lahat naman daw ng tao sa mundo ay sinungaling. Sa madaling salita, walang problema sa anak ni Pangulong Duterte kung ang kanyang mga kandidato ay sinungaling. Ilan kaya ang mga katulad ni Mayor Sara ang hindi nakikitang mahalaga ang pagiging matapat ng mga nais makuha ang boto ng mamamayan?

Nakakababa ng dignidad ng mga botanteng Pilipino ang pagsasabing hindi dapat maging isyu para sa kanila ngayong eleksyon ang hindi pagsasabi ng totoo ng mga kandidato. Hindi ba’t public service is a public trust? Paano natin pagkakatiwalaan ang mga nais maglingkod sa bayan kung kahit sa maliliit na bagay—gaya ng pagsasabi kung saan sila nagtapos ng pag-aaral, kung nakapagtapos nga talaga sila—ay itinatago pa nila ang katotohanan? Sadya yatang talamak na ang pagsisinungaling sa ating lipunan, lalo na sa pulitika, na nakikita na itong “normal” ng ilan sa atin. At dapat natin itong ikabahala. Ang pagtatago ng katotohanan—samahan pa ng pagiging ganid at gahaman—ang ugat ng katiwalian sa pamahalaan, kaya’t hindi kailanman magiging katanggap-tanggap sa serbisyo-publiko ang pagiging sinungaling.

Malinaw rin sa ating mga Kristiyano ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo. Ang ikawalo sa sampung utos ng Diyos ay nagsasabing “Huwag kang magsisinungaling.” Sa Katesismo ng ating Simbahan, sinasabing ang pagsisinungaling ang pinakalantarang paglabag sa katotohanan. “Lying is the most direct offense against the truth.” Bakit? Dahil ang pagsisinungaling ay ang pagsasalita o pagkilos laban sa totoo upang linlangin ang ating kapwa at itulak silang magkamali. Sa kaso ng ating mga kandidato, kung lantaran silang nagsisinungaling, maaaring iboto ng mga tao ang mga wala namang maihahaing malinaw na patakaran at walang maayos na agenda upang gawing mas mabuti ang kalagayan natin, lalo na ng mahihirap. At pagkakamali ito sa panig ng mga taong naniwala sa kasinungalingan ng mga ibinoto nila. Sa huli, talo tayong lahat kung maluluklok sa puwesto ang mga sinungaling.

Dagdag pa sa mga turo ng Simbahan, sinisira ng pagsisinungaling ang isang lipunan. Pinahihina nito ang tiwala ng mga tao sa isa’t isa at sanhi ito ng pagkasira ng ating ugnayan. Paano? Dahil nililinlang tayo ng kasinungalingan. Hindi natin nalalaman ang katotohanang mahalaga sa ating pagtimbang sa mga nangyayari sa ating paligid at sa pagpapasya ng ating gagawing upang ituwid ang baluktot. Nasa kaibuturan ng isang kasinungalingan ang layuning wasakin ang tiwala natin sa iba, na nagbubunga naman ng kasamaan. “A lie does real violence to another.” Tingnan na lamang natin ang nangyayaring karahasang kaakibat ng kampanya ng pamahalaan kontra droga. Kasinungalingan ang sabihing ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay hindi mga tao, ngunit laganap ang pananaw na ito ngayon kaya’t patuloy ang patayan sa mga komunidad at ang takot at karahasan sa maraming lugar. Isa itong marahas na patakarang nakabatay sa kasinungalingan.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na sa halip na magharap ang mga kandidato ng kanilang solusyon sa mga problema ng karaniwang mamamayan, pinipili nilang itago ang totoo. Umiiwas sila sa mga seryosong debate at talakayan at ginagawang entertainment na lamang ang kanilang pangangampanya. Kaya mahalagang pag-isipan nating mabuti ang mga pangalang pipiliin natin sa ating mga balota. Nasa ating mga kamay kung ating papayagan o tututulan ang pamamayani ng mga sinungaling sa ating pamahalaan. Honesty is still the best policy.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,479 total views

 1,479 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,452 total views

 7,452 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,207 total views

 13,207 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,470 total views

 20,470 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,455 total views

 28,455 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,480 total views

 1,480 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,453 total views

 7,453 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,208 total views

 13,208 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,471 total views

 20,471 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,456 total views

 28,456 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,100 total views

 35,100 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,104 total views

 47,104 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,146 total views

 55,146 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,703 total views

 46,703 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,128 total views

 45,128 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,914 total views

 46,914 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,839 total views

 43,839 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,153 total views

 58,153 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,843 total views

 61,843 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,446 total views

 60,446 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top