Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makilakbay kay Hesus ngayong Kwaresma, paanyaya ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 461 total views

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na Misa para sa pagdiriwang ng 33rd National Migrants Sunday, sa unang linggo ng kwaresma sa Santa Clara De Montefalco Parish, Pasay City.

Ayon kay Cardinal Tagle ang lahat ng tao ay matatawag na migrante dahil ang bawat isa ay may patuloy na paglalakbay sa buhay, at ang 40-araw ng kwaresma ay paanyaya ni Hesus sa mga mananampalataya upang maghanda na makilakbay at sumama sa Kaniyang pagpapakasakit.

Binigyang diin ng Cardinal na mahalagang alalahanin ng bawat isa na sa kanilang paglalakbay na kailan man ay hindi nawalay ang Panginoon.

Paliwanag pa ni Cardinal Tagle, dahil malimit na makalimot ang tao, kung minsan ay nagiging putol-putol ang pakikibahagi nito sa paglalakbay sa kalbaryo ni Hesus.

Gayunman, sa kabila ng kakulangan at pagiging hindi karapat-dapat ng tao sa Diyos, ay nananatili pa rin ang pagmamahal Niya.

“‘Wag n’yong kalilimutan na kayo ay bale wala na mga tao pero minahal kayo ng Diyos. Huwag n’yong kalilimutan ‘yon kung paano kayo pinulot ng Diyos sa kawalan.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Marapat aniya na mamutawi sa bibig ng mananampalataya ang karanasan nito sa magandang paglalakbay na kasama si Hesus.

Umaasa ang Kardinal na sa pamamagitan ng mga migrante ay maibabahagi sa iba’t-ibang panig ng mundo ang mabubuting salita na mula sa Panginoon at sa ganitong paraan ay matitigil na ang pagkalat ng masasakit na mga salita o ‘yong mga “hate speech”.

“Ngayon, kumakalat ang tinatawag nating hate speech, yun bang nagiging uso yung salita na hindi maganda at tinatanggap nalang. ‘Yung salitang naninira, yung salitang nakakasakit, parang ano na yun ngayon, uso. Kapag magalang kang magsalita parang wala ka sa moda, parang ang pagiging magalang ay pinagtatawanan, parang ngayon katanggap-tanggap kapag ang dila mo ay matalas at marumi.”

Sinabi ng Kardinal na nawa sa pagbukas ng mga labi ng bawat isa ay mamumutawi lamang ang kabutihan at ang pag-ibig ng Panginoon.

Binigyang pansin din nito sa pagninilay ang pinagdaanang pagsubok ni Hesus mula sa panunukso ng demonyo.

Ayon kay Cardinal Tagle sa paglalakbay ng mga tao ang bawat isa ay tinutukso upang mapigilan ang pananampalataya, at isang halimbawa na dito ang tukso ng pagiging mayabang kung saan laging nais patunayan ng mga tao ang kanilang sarili.

Iniugnay ni Cardinal Tagle ang nalalapit na halalan kung saan sa pangangampanya ay nagpapagalingan ang mga kandidato at lahat ay nais patunayan ang kanilang sarili sa mga botante.

Giit pa ng Cardinal, walang kandidatong mapagpakumbaba na umamin sa kahinaan at humihingi ng tulong sa kan’yang kapwa.

“Mag-eeleksyon na naman, lahat pinatutunayan ang kanilang sarili, wala pa akong narinig na nangampanya na nagsabi, “Ako po, mahina, hindi ko po kaya ito, kaya magtulong-tulong po tayo” Naku walang ganyan! Ang lahat ng nangangampanya, s’ya ang magaling. Pinaniniwala tayo na kaya nila lahat yon? Hindi mo kaya aminin mo, e pag doon nagsimula sa panlilinlang, “Kaya ko ito!” Tukso yan e, ano nang mangyayari? Sa simula pa lang ganun na, e anong mangyayari?” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa ng Kardinal, isang tukso din ng demonyo ay ang kapangyarihan, na makukuha ng tao kapag sinamba nito ang kasamaan.

Binigyang diin ng Arsobispo na ang kapangyarihan ng Diyos ay pag-ibig at ito lamang ang natatanging dapat na sambahin ng mga tao dahil ang kapangyarihang nagmula sa demonyo ay hindi matatawag na tunay na paglilingkod.

“Kapag ang demonyo ang kinuhanan ng kapangyarihan hindi na paglilingkod ang mangyayari, abuso na sa kapangyarihan. Pero kapag sa Diyos kinuha ang kapangyarihan, ano ang kapangyarihan ng Diyos – PAG-IBIG. Kaya delikado na ang Diyos ay inaalipusta at pinapalitan S’ya at ang sinasamba na ay ang demonyo, kapag ang diyos mo ay ang demonyo ang puder mo ay mala demonyo rin.” Dagdag pa ng Kardinal.

Samantala, sa huling bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle, nanawagan naman ito na ipanalangin ang mga migranteng Overseas Filipino Workers.

Aniya, maraming OFW ang nagsusugal ng kanilang buhay, mabigyan lamang ng maayos na kinabukasan ang kanilang mga kapamilya

Umapela ito sa mga naiwang pamilya ng mga OFW na gamitin sa tamang paraan at huwag lustayin ang ipinadadalang salapi ng kanilang kaanak o kapamilya sa ibang bansa.

Ayon sa World Migration Report, umaabot sa 258 milyon ang bilang nga mga migrante sa buong mundo at posible pa itong umabot sa 405 milyon sa taong 2050.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 32,910 total views

 32,910 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 44,040 total views

 44,040 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 69,401 total views

 69,401 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 79,814 total views

 79,814 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 100,665 total views

 100,665 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 4,669 total views

 4,669 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 160,777 total views

 160,777 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 104,623 total views

 104,623 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top