Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Humihigpit na panggigipit

SHARE THE TRUTH

 202 total views

“The grip is getting tighter.”

Sa mga salitang ‘yan, mga Kapanalig, inilarawan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang nangyayari ngayon sa ating bansa matapos ikulong si Sister Patricia Fox, isang 71 taóng gulang na misyonerong madre mula Australia at kabilang sa kongregasyong Sisters of Notre Dame de Sion. Inamin ni Pangulong Duterte na pinaimbestigahan niya si Sister Pat dahil sa “disorderly conduct”, partikular na ang kanyang paglahok sa mga kilos-protesta laban sa pamahalaan. Ito ang nagtulak sa Bureau of Immigration na dakpin siya noong Lunes ng nakaraang linggo.

Halos tatlong dekada nang tumutulong si Sister Pat sa mga magsasaka at katutubo sa ating bansa. Volunteer siya ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura at kasapi ng Rural Missionaries of the Philippines. Kabilang din siya sa isang international fact-finding and solidarity mission na nag-imbestiga sa mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao sa ilalim ng batas militar ng administrasyon. Para kay Sister Pat, bahagi ng kanyang misyong isabuhay ang mga panlipunang turo ng Simbahan ang paglahok sa mga gawaing nananawagan ng katiyakan sa trabaho ng mga manggagawa, ng pagkakaroon ng paaralan para sa mga batang Lumad, at ng pagkilala ng pamahalaan sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa.

Kahit pa pinalaya mula sa pansamantala niyang pagkakapiit, hindi raw lilisanin ni Sister Pat ang Pilipinas, hindi niya iiwan ang mga kababayan nating nakararanas ng pagyurak sa kanilang dangal at karapatang pantao. Nakamamanghang isiping may isang dayuhang handang manindigan para sa mga Pilipino. Sa atin kayang mga Pilipino, kaya ba nating maindigan para sa dignidad at karapatan ng ating kapwa, lalo na ng mga mahihirap at inaapi? Baka “mas Pilipino” pa kaysa sa marami sa atin si Sister Pat.

Sa nangyaring ito kay Sister Pat, hindi naiwasang sabihin ni Bishop Pabillo na humihigpit na nga ang panggigipit sa mga taong pumupuna sa pang-aabuso ng mga nasa poder. Tanong pa niya, kung ganito na ang nangyayari kahit walang batas militar o martial law sa buong bansa, paano pa kaya kung mayroong martial law? Mukhang hindi na tayo nalalayo sa ganoong scenario.

Nakalulungkot ang nangyari kay Sister Pat, ngunit hindi ito dahilan upang panghinaan ng loob ang Simbahan sa pagsusulong nito ng isang makatarungang lipunan. Sa totoo lang, hindi lamang ito tungkulin ng mga relihiyosong katulad ni Sister Pat—pananagutan nating lahat bilang mga bumubuo sa Simbahan ang maging katuwang ng mga kapatid nating biktima ng pang-aabuso at kalupitan ng mga tao at institusyong makapangyarihan. Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, nakaugat ang katarungang panlipunan o social justice sa paggalang natin sa pagiging tao o human person ng ating kapwa at sa kanilang mga karapatang dahil na rin sa kanilang angking dangal.

Samakatuwid, umiiral dapat sa isang lipunan ang mga kundisyong magbibigay sa bawat isa ng pagkakataong makamit ang nararapat sa kanila. At sa katotohanang ito nagmumula ang ating tungkuling makibahagi sa pagtatatag ng isang makatarungang lipunan. Hindi natin ito makakamit kung mananahimik tayo at kung hindi tayo lalabas at makikisalamuha sa iba. Ito ang misyong isinasabuhay ng mga katulad ni Sister Pat, mga dayuhang piniling maglingkod sa kanilang kapwa kahit pa sa harap ng mga malalakas at mapaniil na puwersa. Hindi nag-aalok ang ating pananampalatayang Kristiyano ng iisang sistema ng pamamahala bagkus ay tinutulungan tayong makita at maituwid ang mga balangkas ng lipunang nagtutulak sa marami sa kahirapan at kawalang katarungan. Faith that does justice, ‘ika nga.

Mga Kapanalig, “undesirable alien” para kay Pangulong Duterte si Sister Pat. Ngunit sabi nga sa pahayag ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP, “undesirable alien” o hindi katanggap-tanggap na dayuhan si Sister Pat sa mga taong binubusalan ang mga nagsasabi ng katotohanan at sinisiil ang kalayaan ng mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,435 total views

 24,435 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,916 total views

 31,916 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,056 total views

 45,056 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,029 total views

 51,029 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 56,782 total views

 56,782 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,436 total views

 24,436 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,917 total views

 31,917 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,057 total views

 45,057 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,030 total views

 51,030 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 56,783 total views

 56,783 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,857 total views

 41,857 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,941 total views

 42,941 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,322 total views

 38,322 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,326 total views

 50,326 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,368 total views

 58,368 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,925 total views

 49,925 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,350 total views

 48,350 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,136 total views

 50,136 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,061 total views

 47,061 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,375 total views

 61,375 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top