Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangmatagalang kapayapaan, hangad ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 234 total views

Mapayapang bansa ang nais ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang kasalukuyang GRP panel chief negotiator sa rebeldeng komunista.

Ayon kay Bello, hindi kinalilimutan ng pangulo ang pangakong maipamana sa bansa ang pangmatagalang kapayapaan.

“Ang ating pangulo sinabi po niya, that his leadership in the country is a lasting ang enduring inclusive peace for our country. Yun ang sinabi niya na ipamana sa ating bansa at hindi niya po kinalilimutan ang kaniyang mga pangako,” pahayag ni Bello sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng kalihim na ipinahinto lamang ni Pangulong Duterte ang usapang pangkapayapaan sapagkat nakikita nitong hindi tapat ang CPP-NPA-NDF sa peace talks dahil sa patuloy na pang-aatake sa mga sundalo, mga pulis, pangingikil sa mga negosyante, at panununog sa mga pribadong ari-arian.

Kaya’t hinimok ng pangulo ang mga komunista na itigil ang karahasan upang maisulong ang pag-uusap para sa kapayapaan sa bansa.

Inihayag din ni Bello ang 60 araw na ibinigay ng pangulo para maisaayos ang usapang pangkapayapaan.

Umaasa rin ang simbahang katolika na maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan upang magkakasundo na ang bawat panig at magkaroon ng positibong resulta ang matamasa ang kapaypaan sa bansa.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 3,069 total views

 3,069 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 11,385 total views

 11,385 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 30,117 total views

 30,117 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 46,674 total views

 46,674 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 47,938 total views

 47,938 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Paglilingkod sa Diyos at sa bayan

 2,644 total views

 2,644 total views Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa lahat ng mga naghahangad maglingkod sa bayan kaugnay na rin sa nagpapatuloy na filing

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagpapahinto ni PBBM sa POGO, pinuri ng Obispo

 17,793 total views

 17,793 total views Ikinalugod ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyang ipahinto ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top