Gamitin ang kapangyarihan ng halalan sa totoong public service-CBCP

SHARE THE TRUTH

 251 total views

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kandidato at botante sa nakatakdang Sangguniang Kabataan at Barangay elections na gamitin ang kapangyarihan ng halalan para sa tunay na serbisyo publiko.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth- kandidato man o mga botante ay dapat na gamitin ang boto at pagiging halal na opisyal ng barangay sa kabutihan ng mas nakakarami at hindi para sa sariling interes.

“We wish that their interest to be part of serving the community is coming from the idea of genuine service-that there is a degree of level of offering of oneself for the good of the others. Yung kabutihan ng nakakarami ay kanilang pangalagaan at ito ang kanilang talagang malalim na dahilan para sa pagkakaisa at pagkamit ng kapayapaan. Hindi para lamang maiangat ang kanilang sarili kundi makita ito bilang paraan ng isang paglilingkod at paanyaya sa pagbibigay ng talino, panahon, kalakasan para sa bayan para sa kapwa Filipino,”

Patuloy naman ang paghikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag balewalain ang kasagraduhan ng pagboto na mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

Sang-ayon sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, ang malayang pagpili ng mga kandidato at ang pagboto sa mga ito ay karapatan ng bawat mamamayan na hindi dapat pigilan at bagkus ay dapat pang itaguyod at pangalagaan ng pamahalaan

Itinakda ang halalan sa Mayo 14 makaraang dalawang ulit na maantala. Ito ay orihinal na itinakda noong October 2016 at October 2017.

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa buong bansa.

Sa pinakahuling ulat, higit sa isang milyon ang nagfile ng kanilang certificate of candidacy sa kabataan at barangay election para sa may 900 libong posisyon ayon sa pahayag ng Commission on Elections.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,782 total views

 2,782 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,143 total views

 28,143 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,771 total views

 38,771 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,760 total views

 59,760 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,465 total views

 78,465 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 19,140 total views

 19,140 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top