Diocese ng Cabanatuan, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng San Leonardo Massacre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa mga kaanak ng anim na biktima na pinatay ng isang magsasaka sa bayan ng San Leonardo, Cabanatuan.

“Ang kaparian, mga relihiyoso at relihiyosa, at ang Diocesan Council of the Laity ng Diocese ng Cabanatuan ay nagpapaabot ng taus-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng mga biktima ng masaker sa Barangay Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija,” ayon sa inilabas na pahayag ng Diocese ng Cabanatuan noong April 22.

Ayon kay Bishop Bancud, isa itong panibagong hamon sa mga pari, relihiyoso at mga layko na muling pag-alabin ang pananampalataya sa pagpapalaganap ng pag-ibig at kapayapaan sa kapwa.

“Nawa ang malagim na pangyayaring ito ay muling magpaalab sa diwa ng ating misyong ipalaganap at itaguyod ang kapayapaan ni Kristo sa daigdig na ito,” ayon sa pahayag ni Bishop Bancud.

Agad namang sumuko ang suspek na si Jessie Tesoro, 34 na sinampahan ng kasong multiple murder at frustrated murder makaraang patayin ang kaniyang nobya na si Jennifer Cariaga at lima pa nitong kamag-anak kabilang na ang dalawang bata.

Isa namang biktima ang nakaligtas mula sa trahedya na naganap noong April 20. Pinasalamatan din ng Obispo ang mabilis na paglutas ng pulisya sa krimen para sa kagyat na pagkamit ng katarungan sa mga nasawing biktima.

“Sa liwanag ng ating pananampalataya, magsikap nawa tayo sa pagsusulong sa kapayapaan at pagkakasundo sa ating sambayanan at sa pangangalaga ng biyaya ng buhay at pagkakaisa ng pamilya sa ating tahanan,” dagdag pa ni Bishop Bancud.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 34,144 total reads

 34,144 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 120,086 total reads

 120,086 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 166,824 total reads

 166,824 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 214,696 total reads

 214,696 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 317,020 total reads

 317,020 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top