VeritasPH

The Word, The Truth

 153 total views

Mga Kapanalig, hindi pa nakababangon mula sa pagkasalanta ang mga naging biktima ng Bagyong Odette noong isang taon, nanalasa naman ang Bagyong Agaton sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao. Maraming bahay at ari-arian na naman ang nasira. Maraming buhay ang nawala sa pagkalunod at pagguho ng lupa. At katulad sa nagdaang mga bagyo, karamihan ng mga naging biktima ay mahihirap. Ayon sa mga siyentipiko, magiging mas madalas na ang pagtama ng mga matitinding bagyo sa mga bansang katulad ng Pilipinas dahil sa climate change.

Dahil sa pagdalas ng ganitong mapinsalang mga kaganapan, malinaw na hindi na sumasapat ang paglilikas ng mga tao mula sa mga mapanganib nilang kinalalagyan tuwing may banta ng bagyo, o ang pagbibigay ng ayuda sa mga nasasalanta. Hindi na makatwirang paulit-ulit na lamang malalagay sa peligro ang buhay at kakaunting ari-arian ng mahihirap nating kababayan. Ang kailangan ay mga pangmatagalang solusyong maglalayo sa kanila sa paulit-ulit na peligro upang maging tuluy-tuloy ang kanilang pag-unlad.

Ang isang maaaring tugon na dapat isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan ay ang pagtatakda ng mga ligtas na lugar kung saan maaaring ilipat ang mga naninirahan sa mapanganib na mga lugar at makapagtayo sila ng permanenteng pabahay at pamayanan.  Ngunit ang madalas na nagiging balakid sa ganitong solusyon ay ang kakulangan ng lupang kayang bilhin ng mahihirap. Pwede naman sigurong ang pamahalaan ang umako ng pagbabayad ng halaga ng lupa, at imbis na paulit-ulit na gumagastos ang gobyerno sa ayuda at rehabilitasyon, bakit hindi na lang gugulin ang pondo para sa permanente at tuluy-tuloy na pagpapaunlad ng buhay ng mahihirap?

Ang paggawa ng bagay na ito ay hindi lamang kawanggawa para sa mahihirap, kundi isang bagay na hinihingi ng katarungang panlipunan (o social justice) at katarungang pangklima (o climate justice). Ito ang malinaw na mensahe ni Pope Francis sa Laudato Si.  Kung tutuusin, dahil sa uri ng pamumuhay ng mga mahihirap, kakaunti ang kontribusyon nila sa pagtaas ng temperatura ng klima sa mundo. Hindi sila sumasakay sa mga pribadong kotse o mga eroplanong gumagamit ng mapinsalang krudo o fossil fuel. Maaaring ang ilan sa kanila ay nagsasagawa ng mapinsalang pagkakaingin sa mga gubat, pero tiyak na hindi ito kasing mapaminsala ng ginagawa ng mga kumpanyang nagtotroso at nagmimina. Subalit pagdating sa pagdanas ng mga pinsalang dulot ng climate change, ang mahihirap ang mas madalas tamaan ng mga ito, at halos buong kabuhayan at ari-arian nila ang nawawala. Dahil dito, tungkulin ng estadong iwasto ang ganitong kawalan ng hustisya.

Sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, itinuturo ng Simbahang ang lahat ng mga bagay na nilikha ay dapat pinakikinabangan ng lahat. Ito ay totoo sa lupang maaaring pagtayuan ng bahay, malayo sa mga peligro ng baha, daluyong, at pagguho ng lupa. Ang lupang ligtas ay dapat maaaring kamtin at pakinabangan ng lahat, hindi lang ng mga maykaya. Ito ay kaloob ng Diyos para sa lahat ng mga anak Niya.

Mga Kapanalig, sa gitna ng laganap na kahirapan at pagdurusa ng marami sa ating lipunan ngayon, marahil ay ito rin ang dahilan ng naging tugon ni Hesus sa Marcos 10:21 sa lalaking mayaman na nagtanong sa Kanya kung ano ang dapat niyang gawin upang magmana ng buhay na walang-hanggan. Ang wika ni Hesus sa lalaki, “Humayo ka, ipagbili mo ang lahat at ibigay mo ang salapi sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At pumarito ka, sumunod ka sa akin.” Ang hinihingi ni Hesus sa atin ay ang sumunod sa Kanya, sa Kanyang radikal na pag-ibig na handang bumitiw sa lahat ng yaman sa mundo upang ipakita ang pagmamahal sa kapwa at kamtin ang kayamanan ng langit.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 892 total views

 892 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,428 total views

 8,428 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,414 total views

 24,414 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,459 total views

 32,459 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,539 total views

 37,539 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 893 total views

 893 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,429 total views

 8,429 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,415 total views

 24,415 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,460 total views

 32,460 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,540 total views

 37,540 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,891 total views

 42,891 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,677 total views

 44,677 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,602 total views

 41,602 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,916 total views

 55,916 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,606 total views

 59,606 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,209 total views

 58,209 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,196 total views

 68,196 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,164 total views

 72,164 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,051 total views

 83,051 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,490 total views

 95,490 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top