Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag gamiting instrumento ng diskrimasyon ang bakuna

SHARE THE TRUTH

 172 total views

Mga Kapanalig, nagpanukala ang isang opsiyal ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) na isuot na parang ID ang vaccination cards ng mga nabakunahan na. Hiniling daw niya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (o IATF) na utusan ang mga pamahalaang barangay na ipasuot sa mga bakunado ang kanilang vaccination card tuwing lalabas sila ng kanilang bahay. Paliwanag niya, paano raw malalaman kung ang isang tao ay bakunado na kung hindi nakasabit sa kanilang leeg ang vaccination card. Kakailanganganin pa raw ba ng mga pulis o opisyal ng barangay na isa-isang tanungin ang mga taong lumalabas?

Ngunit kung titingnan ang estado ng pababakuna sa ating bansa, nasa 17% o halos dalawa lamang sa bawat sampung Pilipino ang nakatanggap ng kumpletong dose ng bakuna. Nasa isa sa bawat limang Pilipino naman ang mayroon nang first dose ng bakuna. Hindi pa rito kasama ang mga edad 17 pababa na malaking bahagi rin ng ating populasyon. Target ng gobyernong mabakunahan ang 70% ng ating populasyon sa pagtatapos ng taon, ngunit tila suntok sa buwan ito dahil 350,000 hanggang 500,000 ang dapat bakunahan bawat araw upang maabot ito.

Sa buong Timog Silangang Asya, isa ang Pilipinas sa may pinakakaunting bakunang naibigay sa kada isandaang tao. Kung titingnan ang bilang ng nabakunahan sa bawat rehiyon, nasa National Capital Region (o NCR) ang pinakamarami. Apat sa bawat sampung kuwalipikadong mabakunahan ang nabakunahan na. Sa Central Visayas naman, nasa 13% pa lamang ang nakatanggap ng bakuna. Bagamat nasa NCR rin naman ang pinakamataas na bilang ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa, ipinapakita ng mababang bilang ng mga bakunado ang kahirapan sa access ng bakuna; sinabayan pa ito ng takot at agam-agam ng maraming magpabakuna.

Pero ang hindi pagkakaroon ng bakuna at hindi pagtanggap nito ay hindi dahilan upang katakutan ang mga hindi pa bakunado. Ibig lang nitong sabihin, kailangan pa silang bigyan ng dagdag na impormasyon tungkol sa benepisyong dala ng bakuna, at pagtiyak na may access sila sa bakuna. Sabi nga ni Pope Francis, “getting vaccinated is a… way to care for one another.” Ang pagpapabakuna ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal natin sa ating kapwa, lalo na sa mga pinaka-vulnerable sa virus, gaya na lamang ng mga nakatatanda at maysakit. Kung ipapasabit natin sa leeg ng mga nakapagpabakuna na ang kanilang vaccination cards, hindi ba tila itinuturing nating iba ang mga walang bakuna? Kailangan din nating linawing hindi dahil may bakuna na ang ilan sa atin ay hindi na sila maaaring magkasakit o makapagpakalat ng virus. Nagbibigay ang bakuna ng dagdag-proteksyon pero hindi ng kasiguraduhang hindi na magkaka-Covid ang isang tao. Sa halip na tutukan ang pagsusuot ng vaccination cards sa tuwing lalabas ang mga tao ng kanilang bahay, mas kailangang paigtingin ang pagpapabakuna. Kailangan itong gawing mas mabilis, at dagdagan ang supply lalo na sa mga probinsya kung saan marami ang naitatalang nagpopositibo at namamatay dahil sa Covid-19.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Filipos 2:4, “Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.” Huwag sanang maging instrumento ang vaccination cards ng diskriminasyon. Sa halip, isipin nating sama-sama nating malalampasan ang krisis na dala ng Covid-19 kung tayo ay magpapabakuna, mananatili sa ating mga bahay hangga’t maaari, at magsusuot ng mask sa tuwing tayo ay lalabas. Humihingi ang kasalukuyan nating kalagayan ng pagmamalasakit sa isa’t isa, at magagawa natin ito kung magbabahagi tayo ng tamang impormasyon tungkol sa bakuna at kung gagampanan ng pamahalaan ang tungkulin nitong tiyaking ligtas tayong lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,636 total views

 24,636 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,117 total views

 32,117 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,257 total views

 45,257 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,230 total views

 51,230 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 56,983 total views

 56,983 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,637 total views

 24,637 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,118 total views

 32,118 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,258 total views

 45,258 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,231 total views

 51,231 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 56,984 total views

 56,984 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,867 total views

 41,867 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,951 total views

 42,951 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,332 total views

 38,332 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,336 total views

 50,336 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,378 total views

 58,378 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,935 total views

 49,935 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,360 total views

 48,360 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,146 total views

 50,146 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,071 total views

 47,071 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,385 total views

 61,385 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top