320 total views

Mga Kapanalig, kung mayroong nilalaman ang Bibliya na pamilyar tayong mga Kristiyano, ito marahil ang sampung utos ng Diyos. At ang pinakamadaling maalala sa mga ito ay ang ikalimang utos: Thou shall not kill. Huwag kang papatay. Ito ang utos ng Diyos na pinakanilabag ng ating pamahalaan sa nakalipas na limang taon bunsod na rin ng kampanya nito laban sa iligal na droga.



Sa inilabas kamakailan na report ng Commission on Human Rights (o CHR) ukol sa kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte, natuklasan mula sa 3,300 na extra-judicial kilings (EJKs) sa Metro Manila at mga karatig na probinsya nitong nakalipas na mga taon na gumamit ang Philippine National Police (o PNP) ng “excess, unreasonable force”—labis at hindi makatwirang dahas. Mayroon din silang “intent to kill” o layuning patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga. Sa kabuuang bilang ng mga namatay sa “war on drugs”, halos dalawang libo ang namatay sa kamay ng mga ulis habang mahigit 1,000 naman ang biktima ng mga hindi kilalang mga suspek. Ginamit na batayan ng pagsisiyasat ng CHR ang mga affidavits o sinumpaang salaysay ng mga kamag-anak ng mga namatay, mga ulat ng pulisya, at autopsy reports.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, pinakamarami sa mga pagpatay ay nangyari sa mga buy-bust operations ng mga pulis. Ang sumunod na mataas na bilang ng pagpatay ay nanggaling sa mga naisyuhan ng search o arrest warrants. Halos lahat ng kaso ay nagpakita ng ebidensya ng pang-aabuso at balak na pumatay. Kapansin-pansin, halimbawa, ang bilang at lokasyon ng mga sugat ng bala, at ang pamamaraan ng pagpatay sa mga biktima. Ani Commissioner Gana, marami sa kanila ay tinamaan sa katawan, tiyan, at ulo. Kung titingnan nang mabuti ang lugar ng mga sugat at kung paano nasugatan ang biktima, hindi maikakaila ang paggamit ng dahas. Ipinaalala ng commissioner ang kaso ng labimpitong taong gulang na si Kian delos Santos na binaril nang hindi bababa sa dalawang beses sa ulo at likod habang siya ay nakaluhod. Bukod dito, salungat sa salaysay ng mga pulis, maraming saksi ang nagsabing hindi nanlaban si Kian. Sa katunayan, maraming pagkakataong lumulusob na lang ang mga pulis sa bahay ng kanilang target habang natutulog sila.



Hindi maikakailang may basbas ng ating mga lider ang mga nagpapatuloy na pagpatay sa mga kababayan nating pinaghihinalaang sangkot sa droga. Sa unang taon pa lamang ng administrasyong Duterte, nagkaroon na ng tinawas na “one-time, big-time” na operasyon ang pulis sa Bulacan kung saan mahigit 30 ang halos sabay-sabay na pinatay. Nang malaman ito ng ating presidente, sinabi niyang mainam ang nangyari. Kung ganoon karami raw ang mapapatay sa mga operasyon ng pulis araw-araw, masusugpo raw natin ang drogang itinuturing na salot sa ating lipunan. Ngunit gaya ng nakita natin, kahit ilang libo pa ang mga napapatay, patuloy pa ring namamayagpag ang iligal na droga sa ating bansa.

Nakalulungkot, nakapanlulumo, at nakatatakot marinig ang pag-endorso ng ating mga lider sa mga pagpatay. Sa pananaw nila at ng kanilang mga tagasuporta, ito ang kamay na bakal na kailangan natin. Ngunit ang mabuting pamumuno ay nagmumula sa pagkalinga at pagmamalasakit, anuman ang kanilang kasalanan. Sila ay naglilingkod para itaguyod ang dignidad at karapatan ng mga tao, hindi ang kanilang interes o ang kagustuhang maghasik ng takot. Wika nga sa Mateo 20:26, “Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, siya ay dapat maging alipin ninyo.”

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope St John Paul II sa Centesimus Annus, ang dignidad ng tao ay nagmumula sa kanilang pagkatao. Ito sana ang kilalanin ng ating mga lider ngayon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 41,297 total views

 41,297 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 46,715 total views

 46,715 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 53,422 total views

 53,422 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 68,216 total views

 68,216 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 74,372 total views

 74,372 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 41,298 total views

 41,298 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 46,716 total views

 46,716 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 53,423 total views

 53,423 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 68,217 total views

 68,217 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 74,373 total views

 74,373 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,077 total views

 41,077 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,661 total views

 51,661 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,878 total views

 59,878 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,111 total views

 44,111 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,087 total views

 50,087 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,180 total views

 53,180 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,885 total views

 42,885 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,773 total views

 43,773 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,076 total views

 59,076 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,485 total views

 71,485 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top