Ibalik ang dangal ng manggagawang Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Mga Kapanalig, hindi na nakagugulat ang iniulat ng Philippine Statictics Authority (o PSA) noong nakaraang linggo na umabot sa 10.3% ang unemployment rate sa bansa. Katumbas ito ng halos 4.5 milyong Pilipino na walang trabaho noong 2020. Ito na ang pinakamataas na unemployment rate sa bansa sa loob ng mahigit isang dekada.

Eksaktong isang taon ngayong araw nang nagsimulang isailalim ang buong Luzon sa lockdown o kung tawagin ng pamahalaan ay community quarantine upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sinundan ito ng lockdown sa mas marami pang lugar sa bansa. Sa kabila nito, tumataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 dito sa ating bansa habang ang ekonomiya natin at ang kabuhayan ng ating mga kababayan ay walang katiyakan. Kahit na isa sa bawat limang Pilipino edad 15 taóng gulang pataas ay mayroong trabaho o kaya ay aktibong naghahanap ng trabaho, umakyat pa rin ang underemployment rate, o ang bilang ng mga taong naghahanap pa ng karagdagang trabaho. Mula sa 13.8% noong 2019, umakyat ito sa 16.2%. Ang mga manggagawa sa services sector, katulad ng mga drivers, security guards, cashiers, at construction workers, ang bumubuo sa pinakamalaking porsyento ng mga manggagawa, at sila rin ang pinakamatinding tinamaan noong panahon ng ECQ o enhanced community quarantine nang nagsara ang maraming negosyo.



Alam nating ang lakas-paggawa ng mga manggagawang Pinoy ang haligi ng ating ekonomiya, lalo na’t 56.2% ng ating gross domestic product o kabuuang lokal na produksyon ay nagmumula sa services sector. Kaya’t nakalulungkot ang pahayag ng Malacañang para sa ating mga manggagawa na hindi kasama sa mga opsyon ang pagbibigay ng ayuda sa kanila. Sa halip na ayuda, tuluyang bubuksan na raw ang ekonomiya, papahintulutan nang makalabas ang mas marami, at daragdagan ang bilang ng pampublikong transportasyon. Dagdag pa ni Secretary Harry Roque, sa pagsisimula ng rollout ng bakuna laban sa COVID-19, tuluyan nang maipatutupad ang recovery package na plano ng pamahalaan. Nasaan kaya sa planong iyon ang ating mga manggagawa?

Para sa karamihan ng mga manggagawa, ang sahod na kanilang natatanggap ay hindi lamang para sa kanilang mga sarili ngunit para sa kanilang mga pamilyang binubuhay, mga anak na pinag-aaral, at maaaring gamot o bitamina sa mga maysakit at nakatatanda. Hindi mahihintay ng mga pangangailangang ito ang pagbangon ang ekonomiya upang matugunan. Hindi kayâ dapat bigyang-proteksyon muna ang mga manggagawa upang hindi sila tuluyang mawalan ng trabaho at mamuhunan sa mga naghahanap ng trabaho upang tuluyang makabangon ang ating ekonomiya? Kung tunay ngang whole of society approach ang balangkas ng mga hakbang ng pamahalaan, dapat pag-isipan ang karampatang programa para ibalik ang dangal ng ating mga manggagawang Pinoy, hindi lamang sa pamamagitan ng ayuda, ngunit maging sa social protection katulad ng unemployment insurance para sa mga nasa services sector.

Kinikilala ng Catholic social teaching na ang dangal ng paggawa o dignity of human work ay higit sa pagkakaroon ng hanapbuhay. Sabi nga ni Pope St. John Paul II sa Laborem Exercens, ang pangunahin at orihinal na layunin ng Diyos sa paglalang Niya sa tao sa kaniyang imahe ay ang paggawa. Sinabi sa Genesis 3:19, “sa pagod at pawis pagkain mo’y manggagaling”. Dito nagmumula ang ating tungkuling pangalagaan at pagyamanin ang mundong ipinagbilin sa atin. Kaya kinakailangang itaguyod ang karapatan ng mga manggagawa, bilang mga taong may dignidad, sa patas na pasahod at wastong benepisyo, gaya ng ayuda sa panahon ng krisis.

Mga Kapanalig, sa gitna ng pandemya, ang paggawa ay hindi lamang magtataguyod sa ating pamilya, komunidad, at bansa. Ito rin ay patuloy na pakikilahok sa gawain ng Diyos upang pagyamanin ang kanyang mga biyaya. Ito ang dangal ng ating paggawa.

Sumainyo ang katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 37,517 total reads

 37,517 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 189,609 total reads

 189,609 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 224,283 total reads

 224,283 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 240,183 total reads

 240,183 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 276,670 total reads

 276,670 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 283,896 total reads

 283,896 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 189,610 total reads

 189,610 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 224,284 total reads

 224,284 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 240,184 total reads

 240,184 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 276,671 total reads

 276,671 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top