VeritasPH

The Word, The Truth

Ibsan ang pasanin ng mga guro

SHARE THE TRUTH

 1,068 total views

Mga Kapanalig, sa kasagsagan ng pandemya at ng mahigpit na quarantine protocols—na unti-unti na ngang lumuluwag ngayonhindi lamang mga estudyante ang nahihirapan. Mabigat na hamon din ang hinaharap ng mga guro dahil hindi lamang pagtuturo sa mga estudyante ang kailangan nilang tutukan. Sila rin ang nagpapa-print at namamahagi ng mga modules, gumagawa ng mga learning materials para sa online classes, at nag-aasikaso ng mga administrative na gawain sa paaralan. Ang nakalulungkot, wala pa mang pandemya, idinadaing na ng mga guro ang katiting nilang sahod para sa dami ng kanilang trabaho. Ngayong unti-unti nang binubuksan ang mga paaralan, may dagdag-pasanin na naman ang mga guro.

Kanya-kanyang diskarte ang maraming guro sa mga pampublikong paaralan upang ihanda sa pagbabalik ng mga estudyante ang mga kanilang silid-aralan. Ayon sa grupong Teachers’ Dignity Coalition (o TDC), may mga pagkakataong kailangan pa nilang mag-solicit mula sa mga private donors at mag-abono gamit ang sarili nilang pera para lang bunuuin ang mga kagamitang kailangan nila sa pagbabalik ng face-to-face classes. Mayroon din daw umuutang pa ng pambili ng pintura, yero, at iba pang materyales para sa pagpapaayos ng mga silid-aralan.

Hindi naman itinanggi ng Department of Education (o DepEd) na may mga gurong gumagawa ng mga bagay na lampas sa trabahong inaasahan sa kanila para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng mga classroom. Dahil dito, pinayuhan ng DepEd ang mga guro na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga school heads para daw ipa-reimburse o maibalik ang kanilang mga ginastos. Ngunit duda ang TDC na mangyayari ito dahil wala raw silang natatanggap na ulat na may nakakuha ng sinasabing reimbursement kahit noong mga nakalipas na panahon pa. Paliwanag pa ng TDC, kalimitang probema pa raw ng school principal kung saan kukuha ng pondo dahil limitado rin ang budget para sa kanilang maintenance and other operating expenses (o MOOE).

Hindi sa dapat isumbat ng mga guro ang kanilang mga ginagawang trabaho, pero hindi rin dapat samantalahin ng pamahalaan ang paggamit ng mga guro ng sarili nilang pera para sa paghahanda ngayong balik-eskwela. Bukal man sa kalooban ng mga gurong maglabas ng sariling pera, sinasalamin nito ang kakulangan ng pagbibigay-pansin ng pamahalaan sa mga isyung kinahaharap ng pampublikong paaralan. Malinaw na obligasyon ng Estado na tugunan ang mga problema at kakulangan sa mga pampublikong paaralan. Kaakibat din nito ang tamang pagpapasahod sa mga guro at pagbibigay sa kanila ng nararapat na mga benepisyo bilang pagkilala sa malaki nilang kontribusyon sa edukasyon ng mga batang Pilipino.

Sa sektor ng edukasyon, ang mga guro ang mga manggagawang dapat na pahalagahan, at malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng paggawa upang maitaguyod ang dignidad ng tao. Mahalaga ang paggawa para sa kaunlaran ng tao nang makamit niya at ng kanyang pamilya ang kanilang mga pangangailangan. Paraan din ang paggawa na makapag-ambag ang bawat indibidwal ng kanyang mga galing at talino tungo sa common good o kabutihang panlahat. Samantala, tungkulin ng pamahalaang bumuo at magpatupad ng mga patakaran at programang magtitiyak na tama at sapat ang sahod ng mga manggagawa, at maayos ang kanilang kalagayan. Gaya ng wika sa Levitico 19:13, hindi dapat ipinagkakait sa mga manggagawa ang nararapat para sa kanila.

Mga Kapanalig, ibsan sana ng pamahalaan ang pasanin ng mga gurong tagahubog ng kaisipan ng ating kabataan. Hindi na dapat nababaling ang kanilang lakas at sariling pera para punan ang mga pagkukulang ng pamahalaan. Kilalanin dapat ng pamahalaan ang dignidad ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng makataong pasahod at mga benepisyo, pag-alam kung paano mapabubuti ang kanilang kalagayan, at makahulugang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng pampublikong edukasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,191 total views

 6,191 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,727 total views

 13,727 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,713 total views

 29,713 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,758 total views

 37,758 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,838 total views

 42,838 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,192 total views

 6,192 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,728 total views

 13,728 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,714 total views

 29,714 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,759 total views

 37,759 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,839 total views

 42,839 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,365 total views

 43,365 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,151 total views

 45,151 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,076 total views

 42,076 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,390 total views

 56,390 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,080 total views

 60,080 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,683 total views

 58,683 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,670 total views

 68,670 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,638 total views

 72,638 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,525 total views

 83,525 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,964 total views

 95,964 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top