387 total views
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, maihahalintulad ang naturang charity store sa isang outlet ng kuryente na isang “self– serving outlet,” na naglalayong matulungan at mapaglingkuran ang mga mahihirap na mag – aaral na matustusan ang kanilang pag–aaral.
“Well it is not the first Segunda Mana outlet dahil marami ito kaya tuwang – tuwa ako dahil kapag sinabi nating outlet. Katulad ng pangkaraniwang outlet ng kuryente na isa itong self – serving outlet of charity so it’s serving the poor, serving the people help them get good education to enable them to have a great future,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.
Ipinagmalaki naman ni Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual na malaking tulong ang Segunda Mana sa limang libong iskolar ng Caritas Manila sa buong bansa sa programa nitong Youth Servant Leadership Education Program o YSLEP.
Sinabi ni Father Pascual na nai – aangat rin nito ang pangkabuhayan ng nasa 300 micro – entrepreneur mula sa mga urban poor communites sa Baseco, Pandacan at Taguig.
Ibinahagi din ni Father Pascual na nakatutulong rin ang charity outlet sa environmental advocacy ng simbahan na reduce, reuse at recycle.
“Napakarami nating natutulungan meron tayong five thousand scholars nationwide sa ating YSLEP scholarship sa college at sa voctech. At meron din tayong 300 micro – entrepreneur sa mga ukay – ukay segunda manian diyan sa Baseco, Pandacan, Taguig na bumibili dito at tinitinda nila at sila ay kumikita. St siyempre nakaktulong din tayo sa environmental advocacy because of the recycle, reuse and reduce program of the environmental advocacy ng simbahan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.
Target naman ng Caritas Manila umabot sa 30 Segunda Mana charity outlet o lima pa ang bubuksan bago matapos ang taong 2016.
Nauna na ring ipina – alala ni Pope Francis ang kulturang patapon o “throw – away culture” na kung saan inaaksaya o itinatapon na lamang ang mga kagamitan na maari pang gamitin.