428 total views
Ito ang naging saloobin ni CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa pahayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na milyung-milyong manggagawa ang magiging tambay sa bansa kapag inalis ang kontrakwalisyon.
Ito ang reaksyon ng Department of Labor and Employment o DOLE makaraang ihayag ng mga presidentiable na kanilang tutuldukan ang kontraktuwalisasyon kapag sila’y naluklok sa puwesto.
Iginiit ni Bishop Pabillo na ang pahayag ni Baldoz ay indikasyon na pinabaruran nito ang mga employer at isinasantabi ang kapakanan ng mga manggagawa.
“Kaya kung ganyan ang kanyang sinasabi kaya ibig sabihin ayaw niyang ipatupad ang sinasabi ng batas na dapat walang kontrakwalisasyon. Dapat maghanap ng paraan na ang mga producers natin, ang mga industrialists natin, mga may ari ng negosyo ay ipatupad at ibigay ang nararapat sa mga manggagawa,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Gayuman, hinimok ni Baldoz ang mga kandidato na linawin kung saklaw ng kanilang paninindigan ang mga lehitimo at iligal na work scheme ng mga employer.
Nabatid naman na sa 2014 Integrated Survey on Labor and Employment ng Philippine Statistics Authorty sa mga kumpanya na may 20 at higit pang mga empleyado, 39 na porsyento o 1.96 na milyon ng kabuuang 5.06 na milyong manggagawa ay hindi regular o pawang kontrakwal lamang.