Ilan o Magkano ang ibabalik handog December 24, 2023 Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,061 total reads

Kung tayo ay mabuting katiwala magbabalik handog tayo. Ito ay tanda ng pagkilala na tayo ay katiwala kaya nagbibigay tayo ng bahagi ng may-ari. Ang balik handog ay pagpapasalamat sa Diyos. Ito ay tanda ng tiwala sa kanya na hindi naman niya tayo pababayaan. Ang balik handog ay tanda din ng ating pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Nagmamahal tayo kaya generous tayong nagbibigay.

Ano ang ating binabalik handog? Ang ating panahon upang mapalalim ang ating kaugnayan sa Diyos, ang ating talento o kagalingan sa ating pagseserbiyo sa simbahan o sa lipunan, at ang ating kayamanan.

Ngayon ay tanong ay: magkano o ilan ang ating ibabalik handog? Ilang panahon ay ilalaan natin sa ating pagdarasal, gaano katagal tayo magseserbisyo? Magkano ang ibabalik handog natin? Sana makapagbigay tayo ng lahat. Ang una at pinakamahalagang utos ng Diyos ay: mahalin mo ang Diyos ng buong puso mo at ng buong lakas mo. Natuwa ang Diyos sa babaeing balo na nagbigay ng dalawang kusing lamang kasi ang lahat ng mayroon siya ay kanyang ibinigay sa templo.

Buo ang tiwala niya na hindi siya pababayaan at buo ang pagmamahal niya sa Diyos. Sa mayamang binata na lumapit sa Diyos na excited na nagtatanong kung ano ang gagawin niya upang magkaroon siya ng buhay na walang hanggan, ang sagot ni Jesus sa kanya noong malaman niya na ginagawa na pala niya ang mga utos ng Diyos mulang ng pagkabata niya, isa na lang ang kulang niya, na ipagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at ipamigay sa mga mahihirap at sumunod sa kanya. Naghahanap ang Diyos ng lahat. Mahihingi ito ng Diyos kasi ang lahat ay nanggaling naman sa kanya. Mahihingi ito ng Diyos kasi ang lahat naman na mayroon siya ay binigay niya sa atin. Pinadala niya ang kanyang kaisa-isahang anak sa atin. Binigay ni Jesus ang buong buhay niya sa atin. Ito ang ipinagdiriwang natin sa ating Banal na Misa – ang pagpipiraso-piraso ng kanyang laman at ang pagdanak ng kayang dugo para sa atin

Kaya, kaya ba nating gawin ito? Nagawa iyan ng mga apostol. Iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus. Nagawa iyan ng mga martir. Ang buong buhay nila ay binigay nila kay Jesus. Ang sabi ni San Lorenzo Ruiz na kung may isang libong buhay siya ang bawat isa noon ay iaaalay niya kay Kristo. Nagagawa iya ng mga pari, mga madre, at mga consecrated persons. Itinalaga na nila ang buong buhay nila para sa Diyos. At gagawin din natin iyan sa panahon ng ating kamatayan. Bibitawan din natin ang lahat ng ari-arian natin at ang panahon at buhay natin kapag tinawag na tayo ng Diyos.

Pero kung hindi pa natin kayang bitawan ang lahat ngayon, magbigay tayo ng ating makakayanan. Tandaan natin, mas generous tayo, mas mabuti. Hindi natin matatalo ang Diyos sa pagiging mapagbigay. At siya ay marunong maggantimpala ng siksik, liglig at nag-uumapaw pa! Kung talagang naghahanap tayo ng halaga ng how much, magsimula tayo sa ten percent. Iyan ay ang ikapu na sinasabi sa bibliya. Sinabi ng Diyos sa pamamamagitan ni propeta Malakias: “Dalhin ninyo ng buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.” (Mal 3:10)

Ang 10 percent ay hindi lang pera. Ganoon din ang panahon. Huwag lang tayo makontento ng nagdarasal tayo ng 5 minutes kada araw. Kada araw mayroon tayong 24 hours. Kada oras mayroong 60 minutes, kaya kada araw mayroong tayong 1440 minutes. Kung talagang bilangin natin ang 10 percent ng 1440 minutes ay 144 minutes na hingit na dalawang oras. Magsimula tayong magdasal ng kahit 30 minutes a day lang. Pwede ring magserbisyo tayo kalahating araw linggo-linggo. Madali naman kwentahen ang ikapu ng ating kinikita. Kung hindi pa natin kaya ito kasi kulang pa tayo sa tiwala at sa pagmamahal sa Diyos, magsimulang magbigay sa halaga na may kaunting kerot sa atin, hindi lang ng halaga na hinda nga natin nahalata na nagbigay pala tayo.

Ngayong narinig na ninyo ang paliwanag tungkol sa mabuting katiwala at sa balik handog, pakinggan natin ang sinulat ni San Pablo: “ Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay ng may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkawanggawa… Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami pa ang inyong matutulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin sa kanila.” (2 Cor 9:7-8.11)

Ang ating generosity ay nagmumulat sa maraming tao sa kabutihan ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,076 total reads

 75,076 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,392 total reads

 153,392 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,840 total reads

 186,840 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,137 total reads

 222,137 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,642 total reads

 445,642 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 11, 2026

 11,517 total reads

 11,517 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »

Homily October 4, 2026

 17,052 total reads

 17,052 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 18,989 total reads

 18,989 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 32,159 total reads

 32,159 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »
Scroll to Top