Iligtas ang sambayanang Filipino mula sa malakas na ulan, lindol at pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,794 total reads

Ito ang panalangin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa magkakasunod na kalamidad na nararanasan sa bansa.

Ipinagdarasal ng Obispo na gawaran ng Panginoon ang bawat isa ng lakas ng loob upang matapang na harapin ang mga pagsubok nang may pag-asa.

“Nawa’y samahan N’yo kami sa aming paglalakbay at bigyan N’yo kami ng lakas ng loob upang harapin namin nang may buong pag-asa ang Iyong kagustuhan at ang pagsunod ng Iyong mga utos at araw para sa amin. Sinasamba at pinupuri po namin ang Iyong Banal na Ngalan at nawa’y iligtas Mo kami sa sakuna at paghihirap ng aming bayan sa pandemic, malakas na ulan at bagyo,” panalangin ni Bishop Bagaforo.

Tiniyak naman ng Obispo na naghahanda na ang Caritas Philippines na tumugon sa pangangailangan ng mga posibleng biktima ng kalamidad.

Ayon sa kay Bishop Bagaforo na chairman ng Caritas Philippines, nagsasagawa na ng assessment ang mga Social Action Centers ng iba’t ibang diyosesis upang malaman ang pangangailangan ng mga residente at mga pinsalang dulot ng bagyo at lindol.

“We are in contact, yung aming humanitarian department ay 24/7 nag-contact kami simula pa noong tatlong araw na nakaraan sa lahat ng ating diocesan social action centers. Ang lahat ng ating social action centers sa mga affected dioceses ay naka-red alert at handang-handa tayo kung kinakailangan nila ng tulong,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa loob ng linggong ito, naranasan ng malaking bahagi sa bansa ang tuloy-tuloy na pag-ulan sanhi ng bagyong Fabian at Habagat na sanhi ng pagtaas ng tubig sa ilang bahagi ng bansa at maging sa Metro Manila.

Alas-kwatro naman ng umaga ngayong araw, nang maganap ang 6.7 magnitude na lindol sa Calatagan, Batangas na naramdaman sa Luzon. Sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat na mga nasirang gusali o sugatan matapos ang malakas na pagyanig.

Ipinagdarasal din ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kaligtasan ng lahat mula sa sakuna at lindol.

Read: https://www.veritas846.ph/panalangin-ni-cardinal-advincula-sa-bagyo-at-lindol/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 260 total reads

 260 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,751 total reads

 38,751 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,023 total reads

 265,023 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,488 total reads

 158,488 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,505 total reads

 252,505 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top